¤{Magical 34}¤

2.3K 54 0

SOMEONE'S POV

"DIBA SABI KO SA INYO WALANG MAMAMATAY! WALA!" sigaw sa akin ng Dark Queen.

Oo. Nandito ako ngayon sa Dark Kingdom. Nakikinig sa mga walang kwentang sinisigaw sa akin ng Dark Queen. Ako kasi ang nanguna sa paglusob sa academy. Halos lahat--- no scartch that, LAHAT! Lahat ng kawal namin nawala ng isang iglap. Nawala sa isang pitik lamang ni Sapphire.

"Hindi naman sila namatay. Nawala lang sila ng parang bula" sagot ko. Pilosopo na kung pilosopo. Tama naman diba? Nawala lng sila, at di namin alam kung patay na.

"Nawala LANG? Natalo ka pa ni Sapphire sa lakas mong yan?" tanong nya ulit.sa akin. Pinasisikat nanaman nya ung anak nya. Tsk!

"Patawad po Mahal na reyna." pinilit kong babaan ang pride ko para sa Dark Queen. Ang makapangyarihan sa buong Dark Kingdom.

"Makakaalis ka na." mahinahon na sabi nya pero mukang galit na galit na sya.

Yumuko muna ako bago umalis sa harap nya. Tanda ng paggalang.

***

"Ano kuya? Bigo ka nanaman?" bungad sa akin ng kapatid ko.

"Hindi." simpleng tugon ko. Nakakainis man pero kakayanin ko.

"Natalo ka ni Sapphire? Sya nanaman ang bida sa buong kaharihan." tama sya. Si Sapphire nanaman.

"Balewala ka nanaman sa ating ina." nanatilin akong walang umid.

"Pipilitin talaga nilang makuha si Sapphire." dagdag pa nya. Wala akong pakielam.

"Wala ka nanaman sa---

"Tama na! Di ba sapat na isang beses ng sinabi yan sa akin? Kailangan bang ulit-ulitin?" di ko na napigilan kaya nasigawan ko na ung kapatid ko. Napayuko na lang sya kasi di sya sanay na ganto ako.

"Bakit kasi di mo pa tinuluyan?" natigilan ako sa tanong ng aking kapatid. Matagal ko ng iniisip yan pero di ko magawa. Gusto ko man pero di ko magawa para sa Dark Queen.

"O ako na lng ung papatay?" ano? Sya papatay? Tsk! Magagawa kaya nya?

"Kaya mo?" tanong ko. Gusto ko talaga eh, di ko lang magawa.

"Oo naman. So payag ka na?" tanong nya sa akin.

Walang ano-ano tumango ako. Gustong- gustong-gusto ko kasi. Matigil na ang pagmamalaki sa kanya.

"Okay kuya. I can kill her without mercy!"

SAPPHIRE ISABEL'S POV

Nagdaan ang mga araw na palaisipan pa rin sa akin ang lahat. Paano ko nagawa ang lahat?

Narinig kong tumawa ung mga kaibigan ko. Kung tinatanong nyo kung nalaman nila na meron akong alam na dark magic, hindi pa nila alam. Di ko alam kung bakit at paano. Di na ako masyadong nagdidi-dikit dito sa mga kabarkada ko para incase na malaman na nila ang totoo hindi mahirap mag move-on.

Papasok nga pala kami. O Yess! Papasok na ako. Mabilis naman akong naka-recover at himala daw un kasi sa kaso ko minsan daw inaabot ng isang buwan o kaya daw natetegi na! Wahhh! Ayoko pa pong mamatay!

"Hoy! Ako nanaman ung iniisip mo?" tanong sa akin ni Ace na nagpabalik sa akin sa realidad. Isa pa to eh! Ano kayang magiging reaksyon nya pag nalaman nyang anak ako ng Dark Queen at Light King--- teka! Kilala ko ba yun? Sino ba talaga sila? Eh alam kong nandito sa otherworld ung mga magulang ko pero di naman siguro sila ung pinagsasabi ni Prince Zamora na magulang ko 'daw'.

"Ace ang hangin kahit tirik ung araw." rinig kong sabat ni Flare, Sky at James. Isa pa to eh. Bakit ba ganun? Ang hirap sabihin sa kanila ung nalalaman ko? Kahit sinabi ng mga Gods at Goddesses at nung unang Dark-Light Prince eh ang hirap wag dumaldal. Pakshet naman kasi eh!

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon