¤{Special Chapter: South Kingdom~Water Palace}¤

1.6K 53 0

BLUE'S POV

*Prince Blue, sakin ka na lang.*

*Ako na lang pakasalan mo. Ibibigay ko sayo lahat, Prince Blue.*

*Sana nasa special floor na lang ako, para lagi kong nakikita si Prince Blue*

*Ang swerte ni Princess Sky kasi sya ung girlfriend ni Prince Blue.*

"Ignore- ignore na ah. Porket may Princess Sky kana." bulong ng kuya kong si Ace.

"Syempre loyal ata to. Ayoko namang mawalan ng isang girlfriend na walang kasing ganda" sabi ko.

Naglalakad kami ngayon sa labas ng palasyo. Binibigyan namin ng chance yung mga girls na makasilip sa angelic faces namin ni kuya.

"Princess Sky na talaga ah?" tanong ni kuya.

"Oo nga. Ikaw ba, mukang may nahanap ka ng prinsesa mo ah." pag iiba ko sa topic. Single at laging friend zone tong kuya ko eh, lagi na lang akong bunso na kakakuha. Mas gwapo talaga ako kaysa sa kuya ko.

"Bakit mo naman nasabi? Ikaw ba may hawak ng puso ko?" tanong nya.

"Hindi. Pero may nagpapakilig na sayo eh" pagpupumilit ko.

"Wala nga!"

"Weh? Meron na talaga eh." sarap sorahin ni kuya.

"Hindi ka ba titigil?" seryoso nyang sabi.

"Hindi. Or else mahabol mo ako." tapos sinimulan ko na tumakbo. Mahina sa takbuhan tong si Kuya Ace eh. Kaya pag habulan lugi to sa akin.

Takbo. Takbo. Takbo.

Nakita kong malapit na sya sa akin.

Takbo. Takbo. Takbo.

"Huli ka!" sabay hawak sa akin ni kuya.

"Mama! Si kuya, hinaharot ako!"sigaw ko.

"Ace tigilan mo yan si Blue. Babaha ng di oras sa kwarto mo." sigaw pabalik ni Mama.

Si Mama, Ater Maiden. Reyna din ng aming kaharian. Nagmula rin sa Academy. Isa ring Legendary Magician.

"Mama, sya yung nauna eh. Habulan daw." sumbong naman ni kuya.

Pumunta kami kung nasan naroroon si Mama at si Papa. Pang mortal world diba?

"Para kayong mga bata, Ace at Blue. Sumbong pa kayo ng sumbong sa Mama nyo." pangaral ni Papa.

Si Papa naman, Azer Maiden. Hari ng kaharian namin. Isang Legendary Magician na mas magaling kay Mama.

"Magsi upo na kayo. Kanina pa kayo naghaharutan na walang laman ang tiyan." sabi ni Mama.

Umupo naman ako. Sumunod na lang si kuya.

Inihain na nila ung mga pagkain. Sobra sobra sobra sobra sobrang dami. Kami lang naman kakain eh.

"Bakit po ang daming pagkain? Wala namang bisitang darating." pagtataka ko. Di kasi makakarating yung mga ka angkan namin may gagawin daw.

"Mag cecelebrate tayo." sagot ni Papa.

"Huh? Para saan?" tanong ko.

"Kasi binata na yung anak ko. May girlfriend na." panunukso sa akin ni Mama.

Paano... Paano nila nalaman na...?

Tinignan ko si kuya n tumatawa habang kumakain. Napaka daldal talaga ni kuya kahit kailan.

"Kuya! Bakit mo sinabi?" galit na tanong ko.

"Bakit nanaman ba? Naka tahimik lang ako eh." natatawang sagot nya.

"Ok lang un Blue. Ayaw mo ba yon legal kayo ng girlfriend mo?" tanong ni Papa.

"Eh nahihiya po ako eh." nakayukong sagot ko. Nakakahiya kaya. First girlfriend ko si Sky.

"Nahihiya pa." bulong ni kua pero narinig ka naman. Sinamaan ko ng tingin si kuya. Bwiset talaga to!

"Sino ba ang nagpapatibok sa puso ng aking prinsipe?" excited na tanong ni Mama.

"Si Sky po." sagot ko pero nanatili akong nakayuko.

"Si Princess Sky Smith ng Ice Palace?" tanong ni Papa.

Tumango lang ako. Nakakahiya talaga. Pero di ibig sabihing kinakahiya ko si Sky. Nakakahiya lang talaga. Naku! Basta!

"Kailan ang kasal?" nabuga ko tuloy ung pagkain ko sa bibig. T*ng*na! Kasal agad?

"Papa. Wala pa po kaming isang taon. Kasal agad?" tanong ko.

"Eh kailan ba kami makakarinig ng wedding bells? Wala naman sa tagal un eh" sabi ni Mama.

"Ten ten tenen. Ten ten tenen. Tenen tenen ten ten ten." kanta ni kuya. Naku! Yari talaga sa akin to.

"Tsaka anak, dun din naman pupunta. Aaga lang." sabi pa ni Papa.

"Basta! Wala pa po sa plano ko yan. Matagal pa." naiinis na sagot ko.

"Oo nga pala mahal, dapat mauna muna si Ace." natigilan naman si kuya sa sinabi ni Mama.

"Oo nga po. Dapat si kuya muna." sabat ko naman. Tinignan ako ng masama ni kuya.

"Oo nga anak. May nagpapatibok na ba ulit ng puso mo?" tanong ni Papa.

ACE'S POV

"Oo nga anak. May nagpapatibok na ba ulit ng puso mo?" tanong ni Papa.

Natigilan ako dun ah. Ano ba sasabihin ko?

"Wala. " sagot ko kahit meron.

"Anak naman, mukang mauuunahan ka pa ni Blue ah." sabi ni Mama.

"Mauna muna sya. Kahit huli na ako." sagot ko.

"Wala ba talaga?" tanong ni Papa.

Katahimikan...

"Bahala ka Ace. Malay mo huli na ang lahat. Sabihin mo na hanggang maaga." natauhan ako dun ah. Natauhan ako sa sabi ni Papa.

"Sabihin mo na kasi kuya. Eto naman." sabi ni Blue.

"Wala nga." sagot ko.

"Meron eh." pagpupumilit ni Blue.

"Wala."

"Meron"

"Wala."

"Meron."

"Stop!" sigaw ni Papa. Tumigil tuloy kami ni Blue.

"Kung wala, wag ipilit ah." pagpapatuloy nya.

Tumahimik na kami. Pati nga si Mama nanahimik eh. Kanina kung ipilit nya, grabe! Tapos ngayon sisigaw sya ng "Stop!". Anong kalokohan to?

"Maghanda na lang kayo para sa darating na digmaan. Kailangan natin ng mas malakas na pwersa lalo na at di pa natin nahahanap ang isang Legendary Magician na may dugo ng Dark at Light." seryosong sabi ni Papa.

Tumango na lang kami ng kapatid ko.

Kumain ulit kami.

"Bahala ka Ace. Malay mo huli na ang lahat. Sabihin mo na hanggang maaga."

"Bahala ka Ace. Malay mo huli na ang lahat. Sabihin mo na hanggang maaga."

"Bahala ka Ace. Malay mo huli na ang lahat. Sabihin mo na hanggang maaga."

P*tang*na! Nagrereplay sa isip ko ung sinabi ni Papa. Malay mo nga Ace dumating yung araw ng digmaan na hindi mo pa nasasabi sa kanya na mahal mo sya. Naku Ace, baka maunahan ka na naman ni Cyriel.

Sasabihin ko na sa kanya, sa tamang oras at sa tamang panahon.

________________________________

Don't forget to

VOTE AND COMMENT

Ps. Mahal ko kayo. <3







Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon