¤{Magical 20}¤

3.2K 81 0

Shawn's POV

Nandito ako sa bench. Yung bench na inupuan din ni Sapphire habang hinihintay yung mga kaibigan nya. Ako rin yung nagligtas sa kanya sa Dark Forest. Paano ko nalaman ang lahat?

...Flashback

"Ate tawag ka nga pala ni Mom at Dad. May sasabihin daw sayo." tumango na lang si ate.

Lurraine Portalejo. Ang ate kong normal na tao. Kapatid ko lang sya sa nanay. Si Dad kasi ay isa sa mga Legendary Magician ng Magical Elite Academy. Eh sa kanya ako nag mana kaya pati kapangyarihan nya namana ko din.

Hnintay ko si ate lumabas ng kwarto nila Mom at Dad. Nakalimutan ko pala nasa otherworld kami.

Nakita ko si ate lumabas na umiiyak. Tinatanong ko naman kung bakit, ayaw naman sabihin.

"Shawn, samahan mo ako bukas. May sasabihin ako sa boyfriend ko." tumango na lang din ako pero kita sa mukha nya ang lungkot.

Kung tatanungin nyo kung sino ung boyfriend nya, wala akong alam. Basta isang Prince ng otherworld.

Kinabukasan...

"Ate bakit ba kasi???" pangungulit ko.

"Ok Shawn. Pinapapunta an ako ni Mom sa Mortal world. Ipapakasal nila ako sa iba. Maiiwan ka daw muna dito." natigilan ako. Parang gusto kong maglumpasay. Ang unfair eh. Iiwan nila ako.

"Shawn. Babalik ako. Babalikan kita ah. Cge pupunta na ako sa boyfriend ko." tapos umalis na si ate.

Nandito lang ako. Naka upo sa bench na mahagip ng mga kata ko si Sapphire. Matagal din akong napatitig sa kaniya. Napapangiti ako pero di ko maiwasang malungkot.

Pupuntaha ko na sana sya ng marinig ko ang mga hikbi at iyak ng ate ko kaya inalalayan ko muna sya.

Nagusap kami. Nangako syang babalikan nya ako dito. Umiiyak na kami. Naiiyak na ako.

"Tandaan mo Shawn ah! Babalikan ka nila ate, mom at dad. O sige na aalis na ako. Hanggang sa muli." yun ang kga huling katagang nabanggit nya bago nya lisanin ang otherworld.

Nanatili ako dito. Di maalis sa isip ko ung babaeng nakita ko. Syempre pati sila ate, mom at dad.

Napag desisyunan ko na bumalik na sa dorm ko. Mag gagabi naman na eh.

Lakad. Lakad. Lakad.

"Papatayin kita ngayon. Papatayin kita katulad ng ginawa mo sa kapatid ko."

Natigil ako sa Dark Forest ng marinig ko un. Kinilabutan ako. Sumilip ako sa isang uwang sa mga puno.

Nakita ko sya. Nakita ko si Sapphire. Nakahandusay. Dali dali akong tumakbo sa kinaroonan nya. Sinugod ko sya sa hospital.

Hindi ako makapag kwento sa bilis ng pangyayari. Parang ang bilis ng lahat.

Doon na nagsimula ang pagtingin ko kay Sapphire kahit hindi nya ako maalala.

...End of Flashback

Naging stalker na ako ni Sapphire. Kaya nung nagkaroon ako ng pagkakataon magpakilala, wala ng hiya-hiya.

Hinihintay ko sila Ben at Sapphire ngaun. Plano talaga to ni Ben na ligawan agad si Sapphire kasi daw baka maunahan pa ng iba. Nakaupo lang ako dito. Para akong matataeng ewan no. Nahihiya kasi ako. Ligawan agad eh kakakilala lang namin.

Makagawa nga muna ng dialouge. Baka awkward mamaya eh.

"Sapphire. Alam kong kanina lamang tayo ng magkakilala,--- korni!"

"Sapphire Isabel Cortez, may I court you?--- too formal naman!"

"Hi Sapphire! Alam ko naman na masyadong maaga para dito, kaso lang baka kasi maagaw ka pa ng iba sa akin eh.--- mali! Para namang kasalanan nya na maganda sya"

"Eto na lang. Sapphire---"

"Hi Shawn pinapatawag mo daw ako. Bakit?" nakangiting tanong nya. Sapphire bat ba kasi ang ganda mo? Naaatat tuloy akong ligawan ka.

"Ah...eh.... Kasi...---"

"Naku Sapphire! Nalala ko may gagawin pala ako. Cge iwan ko na kayo. Enjoy the night!" pamamaalam ni Ben.

Pareho kaming napatingin sa langit. Oo nga gabi na. Ang bilis ng oras. Kaninang umaaga pa lang kami nagkakilala tapos liligawan ko na agad. Ano bang gagawin ko?

"Tara kain tayo?" aya ko.

Nginitian nya ako ng pagkatamis-tamis. Wahhh! Ang sarap sa pakiramdam. May plano ako. Sarili kong plano. 7:30 pm pa lang. Hanggang 10:00 pm naman ang curfew dito sa Academy.

Sisiguraduhin kong sasaya sya.

Sapphire Isabel's POV

Marami nanakming nagawa ni Shawn. Kumain, tumambay, magsing along. Akalain mong pareho pa kaming marunong mag gitara. Ako kasi natuto lang ako kay--- Jarred. T*ng*nang ex.

"Sapphire ok ka lang? Kanina ka pa tahimik ah! Pagod ka na ba?" sunod-sunod nyang tanong saakin.

Kasalukuyan kaming nag star gazing. Ang ganda.

Umiling ako as response. Ayoko namang mag alala sya. Anong oras na kaya?

"Masaya ka pa lang kasama." nagulat ako nag magsalita si Shawn.

"You too." nakangiting sabi ko rin.

Ginantihan nya ako ng isang malawak na ngiti. Sh*t bat ba ang gwapo ng nilalang to?

Tinuon ko ulit ung mga mata ko sa mga stars. Ang ganda talaga. Nakakamiss din gawin to. Di ko na kasi nagawa to nung nadiscover ni Lolo na may kapangyarihan ako eh. Napatingin tuloy ako kay Shawn. Sa mga taong nagdadaan pa kahit dis oras na ng gabi. Paano pag nalaman nila ung sikreto ko? Matatanggap ba nila ako? Tiningnan ko ulit si Shawn. Paano kaya kung.malaman nya? Ano gagawin ko? Kaian ko sasabihin sa kaniya? Sa kanila.

"Staring is rude, Ms. Cortez" again nagulat ako ni Shawn. Manggugulat ba to?

"Tapang ah! Hindi kita tinitingnan." sabi ko.

"Ok lang un. Kahit magdamag mo pa ako titigan." sabi nya with matching hold my hands. Hindi ako nakatagal, natanggal ko agad ung kamay ko.

"Sorry!" sabi nya.

Spell AKWARD, K-A-M-I.

Lumalamig na ung hangin. Promise.

After 30 minutes

"Tara na Sapphire. Malamig na dito." aya nya sa akin.

Hala pano ako makakapunta ng dorm? Di ko alam papuntang dorm eh.

"Don't worry. Ihahatid kita." napatingin ako sa kanya.

"Mind reader ka?" tanong ko. Umiling sya edi ibig sabihin hindi. Pano nya nalamang hindi ako marunong magpunta ng dorm? Halata siguro.

"Tara na nga Sapphire bukas mo na isipin yan. Lagpas na tyo sa curfew." patay kayo ngayon?

"Anong oras na ba?"

"11:00" asdfghjkl! Watapak? Yari ako. Yari kami.

"Tara na nga kasi." tapos hinila nya ako. Tinangay lang nya ako.

Ang bilis lang namin nakarating sa tapat ng dorm ko.

"O sige dito na ako ah! Ikaw?"

"Ok lang nakasama naman kita eh." with matching kindat pa.

"Ok?"

"Ok. Bye! Bukas na lang." tapos nagsimula na syang maglakad palayo.

Aaminin ko kinikilig ako sa kasalukuyan pero hindi pa ako handang magmahal ulit eh. Next time baka kaya ko na.

Good night otherworld!



Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon