¤{Magical 37}¤

2.2K 69 9

Hi! At dahil natupad nyo na ang 3 votes and 3 comments ko. Mag uud na ako. Yehey! Welcone back to me! So enjoy!

Ps. Ni revise ko nga pala yung mga unang chapters. So pakibasa ulit! Baka maguluhan kayo eh.

SAPPHIRE ISABEL'S POV

"Dwksknd? Jdoza?qpsni?" naiiritang sabi ko.

Nandito kasi ako ngayon sa library kasama syempre ang mga kaibigan ko. Kanina ko pang sinusubukan na mabigkas nang tama yung spell na inaaral ko. By the way, seven months na simula nung nangyari yung archery challenge. Yes. Seven months na but still wala pa rin alam gawin kundi ang kung fu na tinuro sa akin ni Lolo.

"Kailan ka ba matututo ng matinong pagbigkas ng spell Sapphire?" naiinis na tanong sa akin ni Shane. Si Shane pala, pitong buwan na ayun maarte pa ren pero labs ko pa ren.

"Ewan ko kung kailan." walang pag asa kong sagot. Kasi bakit kailangang inaaral pa to eh. Nakakainis!

"Seriously Sapphire? Pitong buwan ka nang nandito pero ni isang spell wala kapang alam." seryosong sabi ni Sky sa akin kaya napadukdok na lang ako sa mesa at tsaka huminga ng malalim.

Sh*t! Pitong buwan na nga pero wala pa rin akong alam. Eh anong gagawin ko? Di ko nga kaya eh.

"Sa tingin ko kailangan mo ng trainer na makakatiis sayo." suhestiyon ni Gab kaya automatic na napaangat yung ulo ko. Haist! Ganun na ba ako kalala?

"Hindi ba pwedeng kayo na lang yung magturo sa akin?" suggestion ko naman. Nakita kong napailing silang lahat. Ako naman napabuntong hininga na lang.

Napuno nang katahimikan ang buong library. Binalik na lang nila ang atensyon nila sa pag aaral at ako naman, nakatunganga.

"Aalis lang ako." paalam ko sa kanila kaya napatingin na lang sila sa akin.

"Di ka pwedeng umalis." sabi ni Ace kaya napakunot ang noo ko.

"Bakit naman ah?!" mataray na tanong ko sa kanya. Sasagot na sana sya kaso lang ay naunahan sya ni Cyriel.

"Feel free to go outside. Gumala ka hanggang gusto mo" walang emosyong sabi ni Cyriel na kinainis ko. Feeling ko kasi pinapaalis na lang nya ako para walang magulo sa library.

Inis akong lumabas atsaka naglakad lakad.

Ang tagal ko na pala dito at ang tagal na pagkatapos kong makita sila Candy at Mark. Kamusta na kaya yung magkapatid na yon? Ang tagal ko na silang kilala pero hanggang ngayon di ko pa rin alam kung saan sila nakatira.

"Ouch!" daing ko nang may nakabungo sa akin. Peste naman! Nasaktan nanaman ako.

"Sorry." automatic na napa angat yung ulo ko kasi familiar sa akin yung boses nya.

"Ikaw!" sigaw ko sa kanya kaya bahagya syang napa atras dahil siguro sa sobrang lakas ng boses ko.

"Hi?" nagaalangang bati nya sa akin. Langya! Matapos nung mga nangyari sa library dadagdag naman sya!

"Anong hi dyan? Kilala ba kita?" naiinis kong tanong sa kanya. Sa dami nang tao ngayon sa academy sya pa ang makakasalubong ko.

"Sapphire naman eh!" maamong sabi nya sa akin sabay hawak sa kamay ko.

Di ako nakatagal at hinablot ko yung kamay ko. "Excuse me Mister but do I know you?" I asked with sarcasm.

"Can we talk?" tanong nya sa akin. "Bakit pag sinabi ko bang ayaw ko titigilan mo ba ako?" mataray kong tanong. "Hindi." sinsero nyang sabi. Tinignan nya ako mata sa mata kaso lang umiiwas ako. Kasi... kasi... kasi... NAKAKAILANG?

"Bakit ayaw mong tumingin sa akin?" natatawa nyang tanong sa akin. Bakit nga ba? Tangines!

"Tara doon sa room ko. Doon tayo mag uusap." sabi nya sa akin bago ako iwan doon. Umalis sya doon ng may ngiti sa mukha. Shemay! Kung may kapangyarihan lang ako kanina ko pa napatay yung mga taong nakatingin saamin. Akala ko ba hindi uso chismoso sa academy na ito?

Dadaan muna sana ako sa library kaso lang may narinig akong nag uusap sa loob.

"Pano natin mata- train si Sapphire? E ni isang spell nga wala syang alam." ani ng isang boses na katulad ng kay Flare.

"Oo nga. Tsaka muka namang slow learner si Sapphire. Sigurado ba kayong angkop sya dito kasama natin?" tanong ng isang boses na kaboses ni Blue.

"Sigurado ang Headmaster, Blue. Kahit walang kamag anak si Sapphire dito ay sigurado ang headmaster." sabi naman ni James.

Narinig kong tumahimik sila sandali at parang nag iisip.

Haist! Alam nga pala nila na ampon lang ako ni Lolo. Pero nagtataka lang ako kung kailangan pa nyang itago ang katotohanan?

Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi ni Ace. "Sigurado din ba ang hedmaster na wala talagang kamag anak si Sapphire dito?" takang tanong ni Ace. Sh*t! May alam kaya sya?

"I mean, oo ampon nga sya ni Master Lorcan pero diba hindi naman automatic na ibig sabihin noon ay pwede na sya dito sa other world. Tsaka di nyo ba napapansin, halos lahat ng nandito ay may kamag anak na may magic talaga." paliwanag ni Ace. Natahimik ulit ang loob ng library. Gusto kong sumilip sa loob pero di ko magawa kasi walang kahit anong butas.

"Anong ginagawa mo dyan?"

CYRIEL'S POV

F*ck that guy! Nakakasora sya. Pano nya nagagawa yon kay Sapphire? Ano bang meron si Shawn na wala ako?

The F? What did I say? Ano bang nangyayari sa akin? Ano bang pakielam ko kung pupunta si Sapphire sa room ni Shawn? Anong pakielam ko kung ano ang pag uusapan nila? F*ck! Anong ginawa mo sa akin Sapphire?

Seven months. Seven months na simula nang maramdaman ko tong 'wierd thing' na to about Sapphire. May time na naiinis ako sa kanya katulad nang kanina sa library. Ang tanga tanga kasi nya, simpleng spell na nga lang ang pinagawa ko sa kanya di pa nya magawa? At sa studies nya wala syang time pero sa kumag na yon meron? The nerve!

I supposed to go inside the library kaso lang nakita ko si Sapphire sa likod ng pinto at nakikinig sa pinaguusapan nila Ace, Flare, James at Blue.

"Anong ginagawa mo dyan?" halatang nagulat sya sa tinanong ko. Humarap sya sa akin pero di nya ako matignan sa mata. "Ano kasi eh--- papa- alam sana ako kina Ace na may pupuntahan ako kaso lang..." "Kaso lang?" napaiwas na sya nang tingin sa kin at halatang nag iisip sya ng palusot. "Kaso lang---" naputol ying sasabihin nya ng umentrada si Blue. "Andyan lang pala kayong dalawa! Kanina pa?" nakangiting tanong nya. "Hindi ngayon lang." sagot ko. "Ano nang napag usapan nyo ah?!" tanong ko kay Blue. "Wala naman. May mga conclusion lang kami tungkol kay ----" tinakpan ko yung bibig nya kasi nandito pa naman si Sapphire. "Ssshhh!!! Wag kang maingay nandito lang si Sapphire eh." walang emosyong saad ko at natawa na lang ang g*go! "Leader mukang tinamaan ka na kay Sapphire eh. Wala naman sya dito ah." natatawang sabi ni Blue kaya nilinhon ko yung likod ko. Wala na nga sya. Natakasan ako dun ah. "Wag monh sasabihin sa iba yun or else you will die." sabi ko at iniwan sya doon at pumasok na lang.

***

Nasabi na nila ang conclusion nila about kung bakit di matuto ng spells si Sapphire at mukang tama sila.

Habang nagliligpit kami ng table dito sa library dahil gabi na natigilan ako sa tanong ni James "Sino ba mga parents ni Sapphire?" Sino nga ba?

__________________

Ayun yehay! Update sa wakas. This chapter is dedicated to KyutieCMae. Thank you sa cover.

Plug! My story "That thing called inlove ka na" one shot pero maganda. Haha. Feel free to go to my works.

Don't forget to vote and comment. Be a fan!

For the next update! 4 votes and comments= update

Ps. Sorry sa typo.

Pss. Mahal po kayo ni Author.

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon