¤{Magical 9}¤

4.6K 126 1

SAPPHIRE ISABEL'S POV

Unti unti kong dinilat yung mga mata ko kasi nakaramdam ako ng pagyugyog. Nakasakay pala ako sa sasakyan.

Takang umaayos ako ng upo. Kasi di ko alam kung nakapasok na kami sa portal. Eh bakit nandito ako sa kotse? Totoo ba yung nangyari kanina?

"Apo. Gising ka na pala. Akala ko gigisingin pa kita eh." pabirong sabi ni Lolo kaya napangiti ako kahit papano.

Gusto kong magtanong pero may pumipigil sa akin. Paano kung totoo yung portal pero yung hindi lahat ng nangyari kanina? O baka naman totoo yung nangyari kanina pero di totoo yung portal? Sh*t! Mababaliw na ako sa kakaisip.

"Lolo nakadaan na po ba tayo sa portal?" kinakabahang tanong ko. Sana.

"Oo apo. Di na kita ginising kasi antok na antok ka na kaya humiga ka nalang dito sa kotse." sagot nya kaya nabuhayan ako. Kung totoo yung portal, baka naman di totoo yung nangyari lahat?

"Sapphire alam kong nagtataka ka kung totoo yung nangyari lahat. Totoo yun lahat. Walang biro. Naka---" pinutol ko na yung dapat sasabihin ni Lolo dahil alam ko na. 'Nakapatay ka nanaman' . Totoo lahat yon Sapphire.

Napasandal na lang ako sa kinauupan ko. Nalungkot tuloy ako. Di man lang ako nakahingi ng pasensya dun sa pamilya. Huhu. Nakapatay ka nanaman. Baka makapatay ka ulit. Wag naman sana.

"Alam kong malungkot ka dun sa nangyari kanina. Pero nangyari na eh. Ipagdasal na lang natin.'' sabi sa akin ni Lolo kaya tumangi ako as response.

Binaling ko yung sarili ko sa mga dinadaanan namin. Inaliw ko na lang yung sarili ko sa mga nadadaanan ko. I take a deep sigh.

Lumipas ang ilang oras, sabi ni Lolo malapit na daw, maghanda na daw ako, eh 45 minutes na nga kami bumabyahe. Hindi pa kasama ung pag-alis namin sa Mortal World hanggang dun sa mga sumusunod sa amin.

Nagmumuni muni ako dito sa likod. Gusto kong umiyak kaso lang ayaw lumabas nung mga luha.

"Apo. Nandito na tayo. Ok ka lang ba?" 9:47 am na? Ang tagal naman ng byahe.

Tumango na lang ako pero bakas pa rin kay Lolo ang pag-aalala.

"Apo. Tara na. Baba na." aya sa akin ni Lolo.

"Susunod po ako. Mauna na po kayo" sabi ko sa kanya.

"Sumunod ka apo.. Dumiretso ka sa Headmaster's Office."

Tumango naman si ako atsaka umalis si Lolo.

Di ko pa kaya. Balik kaya ako? Haha. Para kasing pagbaba ko ng sasakyan bagong mundo na yung mapupuntahan ko.

Huminga ako ng malalim at si.ula ng humakbang pababa.

Pagkababa ko, pinagtitinginan ako ng mga studyante. Nagulat ako kasi may lumapit bigla sa akin na batang babae at batang lalaki.

"Hi ate!" bati nilang dalawa. Yumuko ako para maabot sila.

"Hi! Anong pangalan nyo?" nakangiting tanong ko sa kanila.

"Hi! Ate Ganda! Ako po si Candy Snow! Nagaaral po ako ng magic! Nice to meet you po!" napangiti na lang ako sa sobrang hyper ng batang to. Kasi ba naman lahat ng statement nya rising intonation. ^_^

"And I'm Mark Snow. Kapatid ko po sya. Katulad po nya nag aaral di po ako ng magic. Nice to meet you po!" isa pang hyper. Haha. Pero ang pogi lang. Pramis.

"Hello! Ako naman si Sapphire Isabel Cortez. Nice to meet the two of you" sabi ko sa kanila sabay kurot sa mga pisngi nila. As in ang kyut kyut.

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon