¤{Magical 19}¤

4.4K 115 2
                                    

Sapphire Isabel's POV

Hulaan nyo kung ano ginagawa ko? Wala! Kasi di naman sinabi nila Sky, Shane at Gab na triple date ung pupuntahan namin eh. Sila lang pala ung mag eenjoy. Ngayon, nakikinig ako sa batuhan nila ng corny pick-up lines.

"Alam mo Baby Gab, di ka pa ba napapagod?"tanong ni James kay Gab. Si James Thunder. Isang Electric power user. Ang mysterious boyfriend ni Gab.

"Bakit? Masaya naman ako eh" sagot nya.

"Kasi kanina ka pa tumatakbo sa isip ko eh ayan tuloy nabuksan mo na yung puso ko." ang korni! Promise! Tapos kinilig naman si Gab. Ewan ko kung bakit kinikilig tong mga to. Nakinig ulit ako. This time si Flare Smith naman ang babanat kay Shane. Baka nagtatanong kayo kung bakit magka aplido sila Sky at Flare kasi magkapatid sila. Parehong Ice power user. Mysterious din kasi parangiba aura nito sa mga tao.

"Baby Shane?" panimula ni Flare.

"Hmmm?"

"Ipapakulong kita." seryosong sabi ni Flare. Natawa ako sa naging reaksyon ni Shane. Nag-amazona nanaman.

"Bakit ano bang ginawa ko sayo?" tanong ni Shane.

"Ninakaw mo kasi ung puso ko ayan tuloy nasayo na." and again korni. Pero kinikilig si Shane. Lande talaga ng babaeng to. Ligawan stage pa lang yan ah. Nakadukdok na lang ako sa lamesa. Tapos na rin kami kumain kaya ayun kwentuhan daw, eh out of place ng ako eh. Nakinig akong muli sa kakornihan ng boyfriend ni Gab at mga manliligaw nila Shane at Sky. Siguro si Blue na ang babanat kay Sky.

"Ang ganda mo Sky. Ikaw ang pinaka maganda sa lahat ng Princesses." kay Blue lang ako natawa. Si Blue Maiden. May kapatid pero hindi namin kasama ngayon kaya hindi ko kilala. Kaya natatawa ako kay Blue, kung mag pickup line sapol ang lahat. Pero hindi ko nga alam kung bakit Princess ang tawag sa kanilang tatlo. Makapang asar nga muna para di boring

"Pano ba yan? Si Sky daw pinaka maganda" natatawang bulong ko sa kasalukuyang katabi kong si Shane. Sinamaan nya ako ng tingin.

"Wala akong paki elam. Ako ang pinaka maganda." galit na sabi ni Shane.

"Oo nga. Ikaw pinaka maganda sa kanila." singit ni Flare.

"O edi si Gab na lang. Pano ba yan Gab? Si Sky daw pinaka maganda." tapos ngumiti ako. Masayang asaran wars to.

"Sya pa rin pinaka maganda sa lahat ng tao dito sa Other world." sabi ni James. Natameme ako. Edi sila na may knight in shining armor.

"Pano ba yan Sapphire? Hindi mo kami maasar? Slamat Baby Flare." tapos hinalikan ni Shane si Flare sa pisngi. Matatawa ka kasi nakikitang mong namumula si Flare pero at the same time mandidiri ka. Para akong masusuka.

"Wait lang. Kayo naba?" tanong ko. Jusko po kung makahalik parang sila na eh, ligawan stage pa lang yan pano kaya kung sila na? Grabe! Baka araw araw nasa kwarto na lang yung dalawa na yan.

"Grabe ka Hahaha. Sapphire. Di naman kami ganun. Hahaha. Green minded ka no" natatawang sabi ni Shane. Tanga mo Sapphire! Mind reader pala to.

"Shane. Stop. Reading. My. Mind. Ok." bwiset. Nadala ko pala ung kalibugan ko dito.

"Oo nadala mo dito ung-- tinakpan ko na ung bibig Shane. Nakita ko ung mga muka nila may question mark. Ngumiti na lang ako. Bwiset kasi tong mind reader na to eh.

Umungol na si Shane kaya tinanggal ko na ung kamay ko. Ewww! Puro laway ni Shane.

"Kadiri Shane. Yung laway mo. Ewww!" pag iinarte ko. Sabi ko na eh nahawa na ako ng kaartehan nito.

"Sino ba kasing nagsabi na takpan mo ung bibig ko? Ah?" nagtanong pa ang gaga.

"Edi kung di ko tinakpan bibig mo eh di nasabi mo na ung iniisip ko. Ikaw kasi basa ka ng basa ng isip ng walang pahintulot." katwiran ko.

"Ano ba kasi un?" singit ni Gab. Naku subukan mong sabihin Shane Amethyst. Malilintikan ka sa akin.

Shane's POV

Yehey! First Point of View ko. Puro kasi POV ni Sapphire eh.

Kasalukuyan kong binabasa ang isip ni Sapphire.

Naku subukan mong sabihin Shane Amethyst. Malilintikan ka sa akin.

"Secret! Sa amin na lang yon ni Sapphire. No Sapphire?" tapos siniko-siko ko sya. Tumango naman.

"Balik sa tanong ni Sapphire, Shane Amethyst at Flare Smith, kayo na ba?" tanong ni Sky.

"Uhm... Eh.... --"

Natigil kami sa pagsasalita ni Flare nung nakita namin si Ben timatakbo papunta kay Sapphire o sa madaling salita sa mesa namin.

"Bakit ba Ben? May sasbihin ka ba?" tanong ni Blue.

"Sa inyo wala. Kay Sapphire meron." tapos may binulong sya kay Sapphire. Kami naman dito tulala. Hindi ko muna babasahin ung isip ni Ben.

"Sabihin mo muna sa kanila." sabi ni Sapphire.

"Hindi nga pede. Nahihiya daw sya." sya? Sino?

"Sino ung sya, Ben?" tanong. ni Gab.

"Sorry po Princesses at Princes. Bawal po talagang sabihin eh." magalang na sagot nya.

"Bahala ka . Hindi ako sasama." sabi ni Sapphire. Natahimik kami. Di ko na tuloy natiis, binasa ko na ung isip nya.

Sumama ka na Sapphire. Para sa bestfriend ko. Para kay Shawn.

"Weh Ben. Sya talaga nagpapatawag kay Sapphire. Bakit?" tanong ko.

"Sino???" sabay sabay nilang tanong.

"Paano nyo po nalaman Princess Shane?" tanong nya sa akin.

"Im a mind reader? Don't you rememmber?" hindi ba nya alam?

"Please po Princess Shane. wag nyo pong sabihin." bakit muna? Binasa ko ulit ung isip nya.

Sana wag sabihin ni Princess Shane. Yari ako kay Shawn pag may nakaalam na iba na liligawan nya si Sapphire.

Oppa! Gangnam Style! Ihhhh! Kinikilig ako.

"Totoo Ben? Kinikilig tuloy ako!"

Napa face palm na lang sya at tumango. Wahhhh!

"Ano ung totoo Baby Shane?" tanong sa akin ni Flare.

"Ano un?" tanong naman nila Blue at James.

"Cge na Sapphire sumama ka na kay Ben. Ayos lang kami dito." sabi ko.

"Totoo yan Shane ah! Baka sabihin mo ung nasa isip ko kanina." sabi ni Sapphire

"Salamat po Princesses at Princees. Sana po Princess Shane, kayo lang po ang nakaka alam ah. Wag nyo po munang sabihin." tapos nag bow sya bago sila umalis ni Sapphire.

"Shane Amethyst. Ano yun?" tanong nila Sky, Gab, Blue, Flare at James.

"Secret!"

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon