¤{Special Chapter: East Kingdom~ Earth Palace}¤

1.6K 50 1

GABRIELLE'S POV

"Gabrielle!!!" tawag sa akin ni Mama.

Bumababa na ako. Nasa kwarto kasi ako.

Alam mo na nagmumuni-muni. Nilalasap ang mga nakaraang memories namin ni James. Namimiss ko na sya. Miss na miss na. Syempre mahal na mahal ko sya kaya miss na miss ko na sya.

Syempre namimiss ko din yung mga kabarkada ko sa academy. Sila Ace, Cyriel, Flare at Blue.

(Yung mga boys lang talaga?)

Syempre author pati sila Sky, Shane at lalo na si Sapphire. Sayang nga di sya nakalabas man lang ng academy.

"Anak. Ano ba? Nakikinig ka ba?" natauhan ako ng sigawan ako ni Mama.

Queen Terra Amandy, ang aking Mama at Reyna ng aming kaharian. Nag aral din yan sa Magical Elite Academy. Idol ko sila sila ni Papa kasi pareho nilang namaster ung Earth Power. Nakalimutan ko pala, Legendary Magician pala yan.

"Sorry po Mama. May iniisip lang po ako." paghingi ko ng paumanhin.

"Sino nanaman ang iniisip mo? Si James nanaman?" singit ni Papa.

"Syempre si James yan." asar ni Mama.

"Kamusta na nga pala kayo ni Prince James?" tanong ni Papa.

"Ayos lang po kami. Stay's strong." sagot ko. Di kasi nila alam ung pangyayaring may kahalikang ibanag babae si James. Di ko na sinabi, magagalit lang sila eh.

"May petsa na ba ang kasal?" natigilan ako sa tanong ng aking Mama. Kasal agad? Agad agad?

"Ah?! Wala pa po sa napaguusapan namin yan ni James. Masyado pa po kaming mga bata." katwiran ko. Tama naman diba? Malay mo hindi pa sya handa. Hindi pa kami handa.

"Kailan nyo mapapagusapan?" tanong ni Papa. May tanong lang ako, bakit curious sila kung kakasal kami?

"Wala pa pong usapang ganyan. Nag dadahan dahan po kami ni James sa mga desisyong binibitawan namin." sabi ko.

"Baka naghihintay pa yang boyfriend mo na may mangyaring masama sayo. Aba kasalan agad." sabi pa ni Papa.

"Tsaka Gabrielle, tama nga ang iyong ama. Magaganap ang na ang digmaan. Baka may mangyaring masama sayo." sabi naman ni Mama.

Natahimik tuloy kami. Ano ba yan? Nawala sa isip ko yung digmaan. Hindi pa naman masyadong malapit pero kailangan na naming sulitin ang bawat araw, oras, minuto ,at segundo na kasama namin ang mga mahal namin sa buhay. Na nganganib pa naman ang buong Light World kasi di pa namin nahahanap ang isang legendary magician na may dugong Dark at Light.

"Edi Mama at Papa, kung mang aaya ng kasal edi magpapakasal kami as soon as possible. Bago magsimula ung digmaan." paninigurado ko kahit di ako sure na kami talaga ni James hanggang sa huli.

Lagi na lang kasi akong nag bubulag bulagan sa mga ginagawa ni James. Lagi na kang ako ung umunawa sa kanya. Di man lang nya ako inuunawa sa mga ginagawa ko. Lagi na lang ako ung mali, lagi sya ung tama.




Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon