¤{Magical 48}¤

1.5K 46 16

SAPPHIRE ISABEL'S POV

Sh*t naman oh! Sorry kung mura agad ang bumungad sa inyo kaso lang nakakamura talaga e. Ang hina naman nang bampirang to? Namatay agad! "Oy Vincent! Gumising ka!" sabi ko with matching yugyog pa. Napakahina nya. Nakailang palo lang sa kanya bagsak agad.

Agad kong hinarap ang mga kawal atsaka ko pinagsisipa at pinagsusuntok. "Mga peste kayo! Mamatay na kayo!" sigaw ko sa kanila habang pinagsisipa. Sipa dito. Sipa doon. Suntok dito. Suntok doon. Syempre natutunan ko kay Lolo to. Kung fu.

Gumamit ako nang dahas nang marami rami na ang napatay ko. Yung ginamit nilang latigo sa akin at kay Vincent ginamit ko rin sa kanila at hinigitan ko pa ang lakas non. Nang makita kong nanghihina na sila ay binuhat ko si Vincent papalabas nang Dark Kingdom hanggang sa napunta kami sa gitna nang gubat. May nakita akong puno at doon ko sya sinandal at hiniga.

Napatingin na lang ako sa kanya. Di na sya humihinga. Bakit ko pa sya sinama dito? Patay na ata to e! Bakit ko pa niligtas to e kung dahil hindi dito wala sana ako doon at di ko nakita ang isang taong pilit kong kinakalimutan, ang mama ko.

"Sapphire." sh*t naman oh! Kailangan talaga nangugulat? "Bakit ba Prince Zamora? Wag mong sabihing ngayon mo pa ako tutulungan ah?!" inis kong baling sa kanya kaya natawa sya nang bahagya. "Tulungan mo si Vincent, Sapphire kailangan nya ang tulong mo." napakunot naman ang noo ko sa sinasabi nya. "Patay na sya. Anong magagawa ko pa?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Di pa sya patay. Nanghihina lang sya." nakangiting sabi na sa akin kaya automatiko akong napatingin sa kanya at nakita ko nga si Vincent na umiiling iling pa pero bakas sa mukha nya ang hirap na dinanas namin. "Maniwala ka sa sarili mo Sapphire. Alam kong kaya mo. Alam nang lahat na kaya mo. Sige na. Palakasin mo sya at bumuhay ka pa nang natutulog na kaluluwa nang iba." paalam nya sa akin atsaka siya nawala sa paningin ko. Napatingin ako kay Vincent. Sh*t! Kaya ko ba to? Baka lalong lumala pa. Tsaka nakakapagpagaling ba ang black flames diba di naman? Subukan mo. Sige na nga susubukan ko lang.

Pumikit ako atsaka nagfocus ako. Iniisip ko na kaya ko. Noong maramdaman ko na na mayroong enerhiyang dumadaloy sa katawan ko agad kong nilapit ito sa mga sugat nya sa katawan. Noong una man ay di ko magawa pero natigilan na lang ako na mayroong white flames na lumabas sa kamay ko at tuluyan nitong pinagaling ang nga sugat nya hanggang nakita ko syang gumising at nakangiti sa akin. "Maraming salamat." paghingi nya sa akin nang pasasalamat. Ginantihan ko lang sya nang ngiti at napasandal naman ako sa puno dahil sa pagod ay di ko namalayang nakatulog na ako.

ACE'S POV

Abala ang lahat sa pakikipaglaban, syempre lalo na ako. Peste kasi yung mga kawal ng Dark Queen e, napakalalakas pero syempre mas malakas pa rin kami XD.

Hanggang ngayon nakokonsensya pa rin ako dahil sa ginawa ko. Kung di ko siguro iniwan si Sapphire sana di nagkandaletse- letse yung nangyayari ngayon. Tsaka naiinis din ako sa White Clan at sa Headmaster kasi imbis sana na pinagalitan kami edi sana tinulungan na lang kaming naghanap kay Sapphire na nandito lang pala.

"Ace ilag!!!" natigilan ako nang sumigaw si James. Agad akong napayuko dahil balak pala akong paluin sa ulo buti nakailag ako. "Tanga nanaman ba Ace?" inis na tanong ni Flare sa akin. Mas piniling kong mag focus sa ginagawa ko kaysa sagutin sila. Ang hard nila. -_-

Mas ginalingan pa naming magkakaibigan. Syempre gusto naming makuha agad si Sapphire.

Lumipas ang ilang minuto at ang Dark Queen na lang ang nananatiling buhay at malakas. Si Cyriel yung nakikipag laban sa kanya pero di ko malaman kung bakit ang hina nya ngayon? I mean lahat kasi nang makalaban nya kung di man natatalo ay nanghihina na pag dinatnan namin, pero ngayon? "Di ata kaya nang Leader nyo ang makipaglaban sa akin." natatawang sabi nya habang nakatingin sa kanya nang masama si Cyriel. Tsk! Ang hina naman nya. "Sino ang gustong makipaglaban?" hamon nya sa aming lahat. Tinignan nya kami isa isa pero pinakamatagal nyang tinignan ako. Sh*t! Parang sa tingin pa lang nya nanlalambot na yung tuhod ko. "Ikaw Prince Ace? Ayaw mo bang mamatay nang maaga?" nakangising tanpng nya sa akin kaya nainis ako. Tch! Sino bang tao ang gustong mamatay nang maaga ah?! "Mukang duwag na ang naging mga Prinsipe at Prinsesa nang White Clan? Paano nyo maliligtas si Sapphire?" so totoo nga? Nandito si Sapphire?! Haha! Malamang Ace! Tatanga-tanga ka nanaman e. Nagpadala nga nang sulat sa hari at reyna. "Di kami duwag Dark Queen, baka ikaw yon?" matapang na sabi ni Sky kaya napatingin kami sa kanya. Napatawa na lang nang wagas ang Dark Queen. "Ako pa ang duwag ngayon? Tignan lang natin ang tapang mo Prinsesa Sky." Napaatras na lang kaming lahat. Haha. Naduwag kami e. Nakakatakot kasi yung Dark Queen na yan. Katulad nang sinabi ko kanina tingin pa lang nya nakakalambot na nang tuhod. "Just give Sapphire to us and we'll free to go." nakuha ni Cyriel ang atensyon namin dahil sa sinabi nya. (Sorry kung wrong grammar. Mahina e.) Ganun na lang yon? Kukunin lang namin si Sapphire nang hindi gumaganti sa matandang babae na to?! Sorry kung walang galang na pero maranda na talaga sya at baka nga antidote lang ang nagpapabata dyan. "At bakit ko naman gagawin iyon? Ganun na ba ako katanga?" at tumawa ulit sya nang malakas. Naginit na lang yung dugo ko sa inasal nya nakakainis sya e. "O ano na ang gagawin nyo? May pla---" naputol ang sasabihin nya nang dumating ang nga kawal nya na sugat sugat at yung iba dala dala ang kanilang kasama. "Anong nangyari sa inyo?" naiinis nyang tanong. Napayuko na lang sila. "Pasensya na po Dark Queen natakasan kami nila Sapphire at Vincent e." sabi nung isa sabay kamot sa ulo nya. "Wag nyong sabihin si Sapphire nanaman ang may gawa nito?" Lalong nainis ang Dark Queen nang tumango ang lahat nang kawal nya. Holy Sh*t! Si Sapphire may gawa nyan? Tsaka sino yung kasama nya? Vincent? Paisa pa! F*ck! E yun yung hinahanap namin para mission nahanap na pala ni Sapphire. Pano na namin mahahanap yung dalawa? "O wala na pala kayong nililigtas dito. Ano pang ginagawa nyo? Magunahan na lang tayo sa paghanap kay Sapphire? Goodluck Elites!" paalam nya atsaka umalis sa kaharian nya. "T*ng*na naman ni Sapphire oh! Paghahanapin pa tayo." inis na sabi ni Cyriel. Napayuko na lang kami. Bakit ba ang laki nang galit ni Cyriel kay Sapphire?

________________

Eto na yung update. sana ma enjoy nyo. 14 vomments for update! Para worth it yung pagod ni author.

Hi! Vote and comment. Follow me!!!

Support my another story at yung mga susunod pang stories ko.

See you sa next update!!

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon