¤{Magical 11}¤

3.9K 126 1

Sapphire Isabel's POV

Nakagayak na ako. Simple lang naman yung suot.

*white shirt*knee-length na short*rubber shoes*body bag*

"Tara na. Baka ma-late pa tayo sa ating pupuntahan." aya ko sa kanila. Kaso lang mukang natulala sa kagandahan ko eh. Nakatitig lang sa akin.

"Sapphire. Yung totoo? Babae ka ba?" tanong ni Shane.

Aba. Nanlait pa ng tao. Hoy! Babae ako, Shane.

"Muka ka kasing tomboy. Akala mong may ida-date sa plaza eh." dagdag pa nya.

T*ng*na. Nakakabasa pala ng utak to.

"Hoy Shane! Yan ang tunay na babae. DISENTE!!! sigaw ni Gabrielle.

"Yown! Ganyan tayo eh. Isa ngang high five dyan." at inabot ko yung kamay nya tsaka kami nag-apir.

"Fashion. Fashion ang tawag dito. Palibhasa kasi wala kayong fashion sense eh." dipensa ni Shane sabay irap.

"Ok na. Tara na. Baka wala pa tayong maupuan dun eh. 5:30 na kaya." singit naman ni Sky.

Nilock ko na yung pinto ng dorm ko. Malay mo may hi-tech na pagnanakaw dito.

Nagtatawanan sila Gabrielle at Sky sa harap ko. Kami naman ni Shane, akward.

"Uy Shane sorry na. I did'nt mean to hurt you." napa-english tuloy ako.

Hindi pa rin nya ako pinapansin. Mas binilisan nya yung pag-lakad. Agad ko naman sinundan sya.

"Sorry na kasi. Please na. Di ko naman sinasadya eh."

"Tinatanong ko lang naman kung babae ka eh. Bakit ba napunta sa fashion ko?" alam kong galit pa rin si Shane.

"Oo na. Sorry na nga. Ganda mo kaya. Naiingit lang si Gabrielle." bulong ko kaso lang na rinig ata ni Gab eh.

"Sapphire. Humanda ka sa akin. Narinig ko yon." banta ni Gab sa akin.

Tumawa na lang kami. Akala ko wala akong magiging kaibigan dito eh.

"Bati na tayo ah?" tanong ko kay Shane.

"Oo naman. Nagtampo lang. Alam mo--

"Hindi pa namin alam. Sasabihin mo pa lang eh." singit ni Sky na ikinatawa ulit namin.

"Eto na malalaman nyo na. Kahit bago pa lang tayong mag-kakaibigan, mahal ko na kayo." nakangiting sabi ni Shane.

"Mahal ka din namin kahit tela lang lagi mong suot." sabi ni Gab.

"Oo nga. Mahal ka namin noh." sabi naman ni Sky.

"Mahal ko kayo. Group hug nga." sabi ko at lumapit ako sa kanila at niyakap ko sila ng mahigpit.

Nagsimula na kaming maglakad-lakad hanggang makarating kami sa isang tindahan.

"Shane,Gab at Sky. Dito muna ako sa bench." sabi ko.

"Sige. Dyan ka lang. Wag ka aalis dyan." bilin ni Sky.

"Ere naman parang nagbabantay ng bata. Hindi naman aalis yan." angal ni Shane.

Natawa na lang ako.

"Ayos lang yon Shane. Bago pa lang si Sapphire kaya di pa nya alam ang pasikot-sikot dito ah. Dyan ka muna ah. Sandali lang kami." at ayun umalis na nga sila.

Someone's POV

Kasalukuyan kong nakikita si Sapphire na nakaupo sa bench. Hinihintay nya siguro ung mga kaibigan nya.

"Kukunin na ba natin si Sapphire?" tanong sa akin ng kasama ko.

"Wag muna. Hayaan muna natin syang magpakasaya sa bago nyang Academy." sagot ko.

Sapphire magsaya ka na. Kukunin ka rin namin.




Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon