¤{Magical 12}¤

3.8K 112 2

Sapphire Isabel's POV

Kasalukuyan akong nakaupo sa bench dito malapit sa store na pinasukan nila Gab, Shane at Sky. Ang tagal nga eh. Siguro mga 30 minutes na sila don. Tsaka akala ko ba, may papanoorin kami sa plaza.

*Uy narinig mo ba? Hindi na daw tuloy ang palabas sa plaza.*

*Oo nga daw. Kasi wala yung pinaka pogi sa kanila eh.* kinikilig pa na sabi ni girl.

Ok. Nasagot na yung isa kong tanong. Isa pa. Bakit ang tagal nila? Ano bang ginagawa nila Sky, Gab at Shane?

*Wag ka na umasang darating yun. Iniwan ka na talaga nun.* sabi ni guy.

*Hihintayin ko sya kahit anong mangyari. Kasi mahal ko yun* sagot naman ni girl.

*Mahal mo nga ang tanong mahal ka ba?* natigilan si girl sa tanong ni guy.

Tinamaan ako dun sa sinabi ni Kuya. Oo nga naman ate, mahal ka ba? Pinakinggan ko ulit yung usapan.

*Bat ka ba ganyan? Ah? Minsan di na kita maintindihan eh.* galit na sabi ni girl.

*Tinatanong ko din yan sa sarili ko. Bakit ako nagkaka-ganito. Gusto mo bang malaman ang sagot?* tanong ni guy.

*Oo. Para maintindihan kita." sagot ni girl.

Eto na yung climax. Yung aamin si guy kay girl. Nakikita ko ung sarili ko kay girl. Kasi ganyan nag confess si Jarred.

*Kasi, mahal kita. Manhid ka lang.* natahimik si girl eh. Tameme. As in.

*Alam mo namang hindi pede. Boyfriend ko ang kaibigan mo.*

*Wala akong paki-elam. Susundin ko ang puso ko* tapos hinila nya si girl tapos...

Nagdikt yung mga labi nila. Wahhh!!! Hindi nahihiya sila. Ibig kong isigaw eh "Mga Dabarkads Walang Forever. Magbre-break din kayo" pero baka sabihin nila bitter ako. Tinuon ko ulit yung mata ko sa couple. Libangan habang wala pa sila Shane, Gab at Sky.

*T*ng*na mo! Anong ginagawa mo sa girlfriend ko?*tapos nilayo nung bf nya si gf kay bestfriend.

*Hindi ka mahal ng girlfriend mo. Kasi lagi kang late.* sabi ni bestfriend.

*Hoy! Di yan to--

*Yun na ba ang sagot sa tanong ko. ANONG GINAWA MO SA GIRLFRIEND KO?* tapos nakatanggap si bestfriend kay boyfriend na suntok.

Bat ganito dito? Walang hiyaan. Wala nga din nakikichismis dito eh.

*Nakita mo namang naghahalikan kami. Tanga lang?* namilosopo pa tong isang to ah. May dugo na nga yung bibig nya eh.

Tapos nagsuntukan na sila. Walang magawa si girl eh. Wala. Suntok dito, suntok doon ang natatangap ni bestfriend.

*TAMA NA!!!* at ayun nanahimik silang dalawa. Ako naman eh gandang-ganda sa eksenang nakikita ko. Wala lang parang ang saya.

*Bakit? Kasi totoo yung sinabi nya? Di mo talaga ako minahal? * galit na tanong ni boyfriend.

*Hindi. Alam mo naman mahal na mahal kita. May sasabihin ako sa iyo. sa inyo.*

Nakatahimik lang silang dalawa. Para makapag-patuloy si girl sa pagsasalita.

* Aalis na ako. Gusto kasi ng mga magulang ko na magkaroon ako ng normal na buhay. Normal na buhay sa Mortal World.--

*Bakit ka aalis? Di m--

*Sandali lang kasi. Mahal na mahal kita. Kaso lang mas mahal ko yung mga magulang ko. Di ko kaya silang suwayin. Ipapakasal nila ako sa iba. Aalis na ako mamaya. I hope makita nyo ang the one nyong dalawa.* at umalis na si girl.

Ang lungkot naman ng love story nila ang ending sad. Tsk. Sabi ko na Walang forever eh.

Kung kinakamusta nyo ako sa mga kaibigan ko, ayun wala pa rin. Mga 1 hour and 45 minutes na siguro.

Nakita ko tumayo na lang sa isang tabi si bestfriend. Tapos si boyfriend galit na ewan. Nakita ko na lang may mga...

Wahhh! Fire balls papunta sa akin. Wahhh! Tulong!!!

Ilag dito, ilag doon. Buti alam ko yung pag ilag gamit ang kung fu.

Tumayo ako sa kinauupuan ko. Aba lalaban ako. Kakausapin ko. Hindi pede yung ganito.

"Hoy. Lalaking iniwan ng babae" tawag ko sa kanya. Buti tumigil naman. Kaso lang nagalit pa lalo.

"Anong sinabi mo?" tapos hinarap nya ako. Grabe yung mata ni Kuya, red yung parang sa akin lang.

"Hoy?" maang-maangan lang.

"Pagkatapos nun"

"Lalaki?"

"Tapos?"

"Iniwan ng babae." napakagat ako sa labi ko. Mukang malalagot ako eh.

"Ano bang kailangan mo?" mahinahon nyang tanong.

"Tinanong mo pa ako. Ikaw nga tong bato ng bato ng bolang apoy eh. Tapos tatanungin mo pa ako?" galit na sabi ko.

"Edi sorry. Di ko sinasadya!" tapos aalis na sana sya kaso lang...

"Anong ginagawa mo dito ah?" matapang na tanong ni kuya dun sa isa pang kuya. Pu*a sya yung nafriend zone ni girl eh.

"Tama na ang hinala ko. May iba ka kaya wala kang oras kay asdfghjkl." hindi malinaw yung dulo pero naring ni kuya.

"Hoy kuyang na friend-zone. Hindi ako girlfriend nito may atraso nga sa akin to eh." singit ko. Nabubuwisit ako eh. Kaya pala nafre-friendzone to eh ang ugali pala.

"Maganda ka sana bungangera ka lang eh." natatawang sabi ni Kuyang nafriend zone.

"P*kyu!" at tinaas ko ung middle finger ko. Tsk! Nakakains e.

"Tsk! Bad girl. Alis na nga ako baka may ginagawa kayo eh." tapos ginulo nya yung buhok ko bago umalis.

"O alis na rin ako. Maghahanap ako ng bagong babae." tapos ganun din ang ginawa nya, ginulo nya ang buhok ko. Babaero pala ang g*go!

Naiwan ko dito na nag-iisa. Pero ok lang sanay naman ako eh.

Nasan na ba kayo Shane, Gab at Sky?

I think im lost!

______________________________

Huhu. Elites may nangyari kay author kaya hindi naka pag update kahapon.

Beside na birthday ko kahapon , eh nabasag yung tablet na pinag tataypan ko. Huhu.

Sana maintindihan nyo na minsan lang ang ud ni author.

Ps.

Mahal ko kayo.

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon