¤{Magical 8}¤

4.5K 127 0

SAPPHIRE ISABEL'S POV

Nasa biyahe na kami papunta dun sa cho- choo na otherworld na un.

Ano kayang madadatnan ko dun sa lugar na yon? Madamin kayang super natural things dun? Lahat kaya ng nandon may mahika din katulad ko? Meron kaya akong magiging kaibigan dun? Magiging masaya kaya yung buhay ko dun?

Hanggang ngayon bumibyahe pa rin kami. Marami na kaming nadadaanan. Pero wala pa rin kaming balak huminto.

Natigilan ako sa kakatanong ko sa sarili ko ng tuluyan ng  huminto yung sasakyan namin. Sa wakas!

"Lolo. Bakit po tayo huminto may gagawin po ba tayo dito? Dito na po ba yun?" nagtatakang tanong ko.

Ini-scan ko ang paligid. Kasalukuyan kaming nasa madilim at masukal na gubat. Nagtataka na nga ako kung ano at bakit ganito ang daanan dito eh. Sabi naman ni Lolo maganda at masaya dun sa pupuntahan namin.

"Oo apo. Nandito na tayo." nakangiting sabi nya sa akin sabay baba ng sasakyan namin.

Takang sinundan ko si Lolo. Bumaba rin ako sa sasakyan. Sura ba si Lolo na ito yon? Baka mali lang kami ng nababaan.

May hinawi na damo si Lolo. At may hinawi ulit. Madami syang ginawing halaman at namangha ako sa nakita ko. Isang portal na mahiwaga.

"Cge apo. Tignan mo. May titignan lang ako sa sasakyan." nakangiting sabi nya sa akin at umalis.

Nilagpasan ko sya at namamangha pa rin ako hanggang ngayon. Tinry kong ipasok yung daliri ko dun sa portal. Hihi. Amazing!

"Sapphire!!!" sigaw ni Lolo pero bago ko sya malingon bumagsak na lang ako sa damuhan at may sumakal bigla sa akin. Isang taong black and red lang ang kulay na suot nila. May mga pangil at maraming dugo. May nakita na akong ganito eh. Sa Mortal World pa lang.

***Flashback

"Sapphire. Pumasok ka sa loob ng bahay. Ilock mo ung pinto. At palibutan mo ng asin at bawang ang bahay. Sige na Sapphire, gawin mo na." utos ni Lolo kaya sinunod ko.

Pumasok ako sa bahay. Agad-agad akong kumuha ng asin at bawang sa kusina. Katulad ng sinabi ni Lolo, pinalibutan ko yung buong bahay.

Nang matapos ko gawin yung tinanaw ko si Lolo. Abala sya sa pakikipaglaban sa mga peoples in black and red. Hindi ako siguradong tao yun pero bakit sila pupunta dito sa mortal world na walang kaialngan? Syempre may kailangan yan. Pero... Ano?

Tinignan ko na lang sa pakikipaglaban si Lolo. Magaling sya kumpara sa akin. Kahit na may 2 klasipikasyon ang aking kapangyarihan. Ang Light Spells dahi kay Papa. At Dark spells mula kay Mama. Syempre si Lolo, natapos na nya ang pag-aaral nya sa Academy na lagi nyang kinu-kwento sa akin. Balang araw daw ipapasok nya ako sa eskwelahan na iyon.

Dahil sa kadakdakan ko ang akng sarili di ko napansin na natapos na ang labanan. Pagod at puro sugat si Lolo. Agad ko syang nilapitan.

"Lolo. Ayos lang po ba kayo? Ano pong masakit sa inyo? Sinaktan ba kayo ng mga choo-choo na creatures na yun? Sabihin nyo po sa akin kung anong masakit sa inyo. Babalikan ko ung mga lokong yon." pinilit kong tumawa sa mga pinagsasabi ko.

Natawa na lang si Lolo sa pagka-OA ko.

"Ano ka ba naman apo. Ayos lang ang Lolo mo. Mas malakas ako dun eh. Tsaka apo, seryoso bang gagantihan mo yung mga yun?"

"Opo Lolo. Tinuruan nyo ata ako ng kung fu. Pero seryoso po, Bat po ba tayo dinalaw dito. Sino po ba yon?" tanong ko.

Bumalik ang lungkot sa mukha ni Lolo.

"Apo. Sasabihin ko sayo sa tamang panahon. Pero ang mga iyon ay Good vampires. Mayroon lang kaming di pagkakaunawaan kaya nagkaroon ng labanan."

Di na ako nagtanong muli. Pero marami pa ding tanong sa isip ko na wala pa ring kasagutan.

***End of Flashback

Vampires. Good Vampires.

Pero bakit nila kami sinusundan? Bakit ako lang yung sinusugod nila?

Kinabahan ako. S*et! Ayoko pa naman gumamit ng kapangyarihan ko. Baka makapatay uli ako. Madadagdagan pa yung listahan ng napatay ko.

"T-igi-lan m-o ak-o!" pilit akong sumigaw pero mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakasakal sa akin.

Tinignan ko si Lolo. Hindi lang pala ako yung inatake pati sya. Lolo. Tulong. Pero naglalaban pa sya. Damn! Ayoko man pero, kailangan ko na ulit buhayin ang kapangyarihan sa katawan ko.

Nag focus ako. Nararamdaman ko ang enerhiyang dumadaloy sa buong katawan ko.

Nararamdaman ko na ang init ng katawan ko. Nagbago nanaman ang kulay ngbbuhok ko black na parang may highlights na red. Ganun din ung mata ko black na may red.

"Damn you!" inis kong baling sa kanya at tinangal ko yung pagkakasakal ng sa akin. Binaliktad ko yung sitwasyon sya naman yung sinasakal ko.

Namilipit agad sa sakit yung vampire. At mas lalo akong natuwa ng may black flames na sa kamay ko. F*ck! Bakit black flames? Ganun na ba ako kasama ah. Dapat white flames to eh. Hayaan na nga.

Yung mga lumalaban kay Lolo yung inuna ko at inilabas ang buong makakaya ko. Inatake ko sila gamit ang black flames. Pag minamalas ka nga naman. Di ko ulit makontrol kaya no choice. Hayaan ang katawan ko gawin ang lahat.

Namatay. Yan ang nangyari sa kanilang lahat. Pero bakit ganon? Ang saya saya ng pakiramdam ko. I'm happy because everyone is dead.

Binaling ko naman sa vampire na sumakal sa akin yung galit ko. Mas lalong nag alab yung apoy nung black flames na nasa kamay ko. I want him dead as everyone.

"Apo. Mga good vampires sila. Subukan mong kontrolin ang black flames baka makapatay ka ulit." paalala sa akin ni Lolo.

Sinusubukan ko. Pero ayaw. Ayaw makinig ng isip ko sa sinasabi ni Lolo. Para nga gusto ko pang makapatay ulit.

"Sa-pphire. Ma-baba-it ka-mi. H-indi ka-mi tu-lad ng ini-isip mo."  nakuha pang mag salita ng bampirang sakal sakal ko ngayon. Mas lalo kong hinigpitan yung pagkakahawak sa kanya.. Pagkaka-alam ko isa din sya sa mga bampira na sumugod sa amin sa Mortal World.

"Subukan mong magsalita pa, hindi ka na makakauwing buhay. Sinaktan nyo ang Lolo ko. Mas higit pa don ang gagawin ko." yan na lang ang lumabas sa bibig ko.

Di ko napansin lalong lumaki ang apoy sa kamay ko. Malaki pa sa inaakala ko. Pumunta na lang ang kamay ko sa kanila lalo na dun sa vampire na pilit nagsasalita.

Parang tuwang - tuwa ako sa mga nakita ko. Yung lalaking pilit nagsasalita, nasunog ng tuluyan in short namatay.

Mas na amazed ako sa nakikita ko ngayon. Mas amazed nung nakita ko yung portal.

Natauhan na lang ako ng may narinig akong hikbi at mga iyak. Pinalibutan ng vampires ang walang buhay na katawan nung lalaking bampira.

"Anak ko. Parang awa mo na gumising ka."

"Nandito lang kami. Maghihintay kami sayo."

"Ipaghihiganti ka ng kuya mo. Pangako."  at tumingin sya sa akin ng matalim.

Ibig kong sabihin na "Pasensya na po. Di ko sinasadya." pero baka di sila maniwala.

Di ko alam ang gagawin. Nakatingin lang sila sa akin. Parang anytime kakainin nila ako.

Nakapatay ka nanaman Sapphire.

Isang kasalanan nanaman ang ginawa mo.

Hindi ko na kaya. Hindi ko kayang may mga taong umiiyak. Parang babagsak ako.

And then everything went black.

______________________

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon