¤{Magical 7}¤

6.6K 179 3
                                    

SAPPHIRE ISABEL'S POV

Linggo. Ngayong araw ko lilisanin ang Mortal World.

Habang nag iikot ikot ako nasa taas pa kasi si Lolo nag aayos para samahan akong pumunta dun sa Academy. Napagtanto ko na marami pala akong mamimiss dito.

Unang-una ang kwarto ko. Madami din akong nasabi sa kwartong ito. Nasabi ko lahat ng hinaing, problema, at kasiyahan dito. Pati pagtatampuhan namin ni Lolo alam ng kwartong ito. Pati nga yung kwarto na to napagtanungan ko pa kung bakit kaya ako iniwan ng magulang ko? Bakit kaya hanggang ngayong di pa suka bumabalik? Bumalik nga kahapon eh di naman nagpakita sa akin. Tsk!

Sumunod yung garden. Mamimiss ko din to. Natatandaan ko kasing dito kami nagpa-practice ng kung fu dito. Naturuan ako ni Lolo. Sabi nya pang self-defense daw. Eh para din naman sa proteksyon ng hawak kong kapangyarihan. Nandito rin naganap yung first date namin ni Jarred. Bale nag picnic kami non. Tapos nilutuan ko rin sya. Tapos iiwan lang din pala nya ako. Saya diba? Sa dinami dami ng ipapalit sa akin bestfriend ko pa? Talaga lang no?! Haha.

Pangatlo. Wahhhh! Yung Kitchen. Ito ang pinaka-mamimiss ko. Sino ba namang ayaw sa pagkain. Diba wala??? Natandaan ko din, dito ko pala unang linutuan ang ex ko nung first date namin diba?!. Pati ba naman un naalala ko. Ay wait! Tinuruan pala akong magluto ni Khelsea sa kitchen na to. Haist! Naalala ko talaga sila.

Lahat pala dito mamimiss ko. Mamimiss ko ang buhay ng isang simpleng mamamayan lang ng Mortal World.

Huhu. Mamimiss ko parin ung bahay. Lahat lahat sa bahay na to.

Pati sila... Huhu!!!

Si Alex. Mamimiss ko un kahit ganun un. Pag may saltik yan di mo makakausap ng matino. Tapos pag may bago sa kanya umaarangkada ang kayabangan nyan. Mamimiss ko din yung libreng aircon pag nandyan sya. Yung libre lagi nyan. Galante kasi lagi eh. Lahat ng cravings ko sinasagot nya. Cravings sa ice cream, pizza, pasta, cake, Mcdo chicken at marami pang iba. Haha. Na spoil na nga ako ni Alex eh. Pero alam nyo mamimiss ko kay Alex? Yung pag-tawag nya sa akin ng Princess Love. Pero friendly lang.

At si Max. Tahimik pero maaalalahanin. Bestfriend ko yan kaso naging crush ko. Hihi. Kasi naman sobrang bait, sobrang matulungin at ka join force ni Alex sa pag sagot sa mga cravings ko. Kaso lang nung nagka-boyfriend ako, nanlamig sa akin eh. sabi naman ni Alex nagseselos daw. Inamin ko kinilig ako kaso lang ano bang dahilan ni Max para mag-selos diba?

Si Khelsea? Dahil sa ginawa nya di ko alam kung mamimiss ko sya. Kasi hanggang ngayong di pa rin matanggap ng sistema ko na nagawa nya sa akin yon. Haha. Bespren ko ba naman? Pero thankful ako dahil nakilala ko sya. Kahit papaano nagawa kong maging masaya kasama sya. Si Khelsea rin ang nagpakilala sa akin kina Alex at Max. Sino ba kasing makikipag- kaibigan sa akin na nobody lang? Nilapitan nya ako at dun nagsimula ang friendship namin. Kahit talakera, madaldal, masungit pag may dalaw, mahal ko pa rin yan. Sya lang ang nag-iisang dyosang bestfriend ko.

Madami siguro akong mamimiss dito sa Mortal world. Madami akong mamimiss dito kasi marami akong na create na memories. I fell in love with the wrong guy at the wrong time. I met a friend named Khelsea although we don't have happy friendship I'll thank her because I met her. I also thanks God that I met my boy bestfriends, Max and Alex. I created memories that I will cherish forlife .Siguro pagkinasal na sila Khelsea, Alex at Max, wala ako. Kalungkot naman.

Natauhan ako ng biglang sumulpot si Lolo sa likod ko. Ningitian nya ako at ningitian ko rin sya.

"Handa ka na ba talaga apo? " tanong ni Lolo sa akin.

"Oo naman po. Kaso lang mamimiss ko yung mortal world eh. Yung simple at normal lang yung mundong ginagalawan ko." nakangiting sagot ko kay Lolo.

"O sya. Tara na apo. Madaming naghihintay sa atin dun sa Academy." aya nya sa akin

Tumango na lang ako. Handa na ako mag travel papunta sa ibang mundo or I should call it otherworld. :-D

Kaya ko na ba talagang iwan ang simpleng pamumuhay ko dito?

Para sa huling alaala. Muli kong tinanaw ang bahay namin. Ngayon ko lang napansin ang ganda pala nung bahay namin. Haha. Parang nag- dadalawang isip tuloy ako. XD.

"Lolo pede bang umatras? I mean, di na ako papayag?" pabirong tanong ko pero sineryoso naman ata ni Lolo.

"Bakit apo? Ayaw mo bang makita yung mga magulang mo? Ayaw mo bang iwanan yung bahay natin dito? O baka naman ayaw mo nanaman gamitin yang mahika mo?" sunod sunod na tanong ni Lolo sa akin.

Bakit? Kasi ang dami kong mamimiss dito eh. Ayaw ko bang makita yung mga magulang ko? Ayaw na gusto. Ewan! Basta ang alam ko ngayon iniwan nila ako noong bata pa ako at ako pa ang magbabakasakaling makita sila ah! Ayaw ko bang iwan yung bahay namin? Oo! Ang ganda nga kase eh. Ngayon ko lang nakita yung ganda ng bahay, as in ngayon lang. Haha. Ayaw ko bang gamitin yung mahika ko? Takot pero gusto. Takot ako sa kung ano nanamang pedeng mangyari. Gusto ko para sa ikabubuti ko.

"Lolo. Naman ang OA nyo po. Joke lang naman po eh." at tumawa ako ng mahina. Si Lolo naman napahinga ng malalim.

"Apo. Bilisan mo na para makauwi ako ng maaga. Tara na!" natigilan ako sa sinabi ni Lolo. Uuwi? Maaga? Bakit? Uuwi pa ba si Lolo dito?

"Lolo. Babalik po kayo dito sa Mortal World? Akala ko po dun na tayo titira." takang tanong ko. Napatakip naman sa bibig si Lolo. So wala syang balak sabihin sa akin to? Kailan pa? Mamaya? O iiwanan na lang din nya ako?

"Pasensya na apo. Iiwan kita don sa pangangalaga nila. Para matutunan mo ding maging Independent." malungkot na tugon nya.

"Kailan nyo po balak sabihin sa akin to? Kaya po pala todo bilin kayo kasi di kayo sasama." bigla na lang kumawala ang aking mga luha.

"Sasabihin ko rin naman sayo eh. Naunahan lang ako ng takot na baka... ganito, magalit ka sa akin, magtampo ka sa akin apo. Ayoko mangyari yon." sagot nya.

Niyakap ko sya sabay sabi ng mga katagang...

"Lolo. Mamimiss *sobs* ko po kayo. *sobs* Sobra." .

Kasi naman si Lolo. Sya na ang kasama ko simula nung iwan ako ng mga magulang ko. Iiwan din pala nya ako. Kaya mamimiss ko sya ng sobra.

"Apo naman. Syempre sisiguraduhin kong nasa tamang pangangalaga ka dun bago kita iwan. At dadalawin din kita doon." nakangiting sabi nya sa akin.

"Sigurado po yan Lolo ah. Dalan nyo po ako ng masasarap nyong luto." pinilit kong ngumiti sa kabila ng kalungkutang nadarama ko ngayon.

"Oo naman apo. Tsaka ihahatid pa kita eh. Ano ka ba naman. Tara na nga" aya sa akin ni Lolo.

Sumakay na ako sa sasakyan. Tinanaw ko ang buong paligid.

Paalam Mortal World. Hanggang sa muli.

______________

Enjoying the story?

Don’t forget to

VOTE AND COMMENT.

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon