¤{Magical 17}¤ (Repost)

3.5K 99 2

Naputol ung Chapter 17 eh. Ni repost ko na lang. Sana magustuhan nyo.
______________________

Sapphire Isabel's POV

Papunta na kami sa plaza. Di naman kalayuan kaya napag desisyunan namin na maglakad na lang. Mga 4:30 pm na siguro.

"Matagal pa ba tayo?" tanong ni Shane. Ere naman ang arte-arte. Baka nga nahawaan na ako nito sa akartehan eh.

"Hoy Shane Amethyst, wag kang mag inarte. Ang lapit-lapit nga ng pupuntahan natin eh." sagot ni Sky. Kahit kailan tutol talaga tong si Sky kay Shane. Madami pa siguro akong di alam sa babaeng to.

"Grabe ka naman Sky. Pagod lang yung tao eh. Hayaan mo na." huh? Guguho na ba ang mundo? Si Gab tumututol na kay Sky? Ere nga ang mag tandem sa pang-aaway kay Shane eh.

"Hoy! Ikaw naman Gabrielle Amandy, straight to the point ka na. Excited ka lang makipag landian dyan sa boyfriend mo eh." pang bibisto ni Sky.

"Sky naman. Binibisto mo si Gab. Syempre part na un ng pag da-date." sabi ni Shane.

"Hoy Shane. Niligtas kita dito kay Sky. Binisto mo naman ako." nagtatampong sabi ni Gab.

"Edi inamin mo rin. Ikaw talaga. Kahit kailan ka. Lagi na nga kayong magkasama ah" pangaral ni Sky.

Tahimik lang ako dito. Natatawa na lang ako sa tatlo na to eh.

"Para namang hindi ka excited makita si ---

"Hi ate!" bati sa akin nung lalake. Natigilan tuloy kami nila Sky, Shane at Gab. Tinignan ko sya para syang pamilyar pero di ko alam kung saan ko nakita.

"Hoy! Wag mong lalapitan tong bestfriend ko!" tapos hinarang ni Shane.

"Oo nga. Baka kung anong gawin mo sa bestfriend ko eh." tapos sumunod si Gab. Don't tell me susunod si Sky.

"Ano gagawin mo sa kanya? Naku! Wag mong subukang manyakin tong bestfriend." at ayon sumunod nga si Sky.

Napatigil din ung ibang naglalakad. Ewan ko kung bakit ganito kaprotective tong mga to? Parang PSG Commander lang ng presidente sa Mortal World.

"Hehe. Princesses gusto lang po namin makipag kaibigan sa bestfriend nyo po." tapos nag bow sila kina Sky, Shane at Gab.

"Bawal!" tapos hinarangan ako lalo nitong mga bestfriends ko.

Natahimik kami. As in. Nakakabinging katahimikan.

"Ok lang. Gusto ko rin maki pag friends dito sa academy eh." pambabasag ko sa katahimikan.

Umalis sa harap ko sila Gab, Shane at Sky. Hindi maipinta ung muka nila sa sinabi ko.

"Hi!!! Ako nga pala si Sapphire Isabel Cortez. Sino kayo?" nakangiting tanong ko.

"Ako si Ben Perez." Perez? Kaano- ano nya ung headmaster?

"At ako naman si Shawn Portalejo." tila nagulat tong mga kaibigan ko ng mag pakilala tong Shawn na to ah.

"Umalis na ba talaga yung ate mo? Bakit?" tanong ni Sky.

"Oo. Kasi gusto ni Mom at Dad na magkaroon kami ng normal na buhay sa Mortal world" sagot ni Shawn.

"Bakit di ka sumama? Gusto pala ng mga magulang mo eh." sabi ni Shane.

"Ayoko. Dito ako nababagay. Dito ako kailangan." alam kong malungkot sya eh. Ang lungkot kaya mawalay sa family.

"Ok lang yan. The feeling is mutual." nakangiting sabi ko.

Ningitian nya ako ng matipid. Buti nga ako kaya ko pang ngumiti eh.

Natahimik ulit kami.

"P*tang*na! Edi break na sila--- naputol ung sinabi ni Gab kasi tumango na lang si Shawn.

Bwahaha. Kung sino man ung nag break napatunayan ko ng Wala talagang forever sa TAO.

"Hoy Sapphire, anong tinatawa mo dyan?" masungit na tanong ni Gab.

"Hahaha." di ko talaga mapigilan matawa eh.

"Ang tino ng sagot ah." singit ni Shane.

"Hindi ko kasi mapigilan eh. Hahaha." so ayun natawa talaga ako.

"Bakit ka ba kasi natatawa ah?!" galit na tanong naman ni Sky.

Natatawa pa rin ako eh.

"Ang ganda mo sana Sapphire, baliw ka lang." natigilan ako sa sinabi ni Ben. Aba dyosa kaya ako katulad ni author.

(Very good Sapphire. Tama yang sinabi mo.)

Eh ikaw naman gumagawa ng sasabihin ko eh. Masagot na nga lang si Ben.

"Makapagsalita ah. Pogi ba? Dyosa ata ako." sabi ko with confidence.

Dahil sa sinabi ko binatukan ako nitong sila Shane, Sky at Gab.

"Ano nanaman? Totoo naman eh." sabi ko.

"Kahit wala kang powers, ang hangin" sabi ni Sky.

"Im just stating the truth." napa-english tuloy ako ng di-oras.

Binatukan naman ako ni Gab.

"Panget ka. Sobra. And Im just stating the truth." sabi ni Gab kadugtong ng pag batok nya sa akin.

Natameme lang ako. Wala akong maisip na pambara eh.

"Joke lang ikaw naman. Dyosa ka talaga. -Gab.

"Ganda mo. Promise!" sabi ni Sky.

"Dyosa tayo. Pakitandaan." sabi naman ni Shane.

"Para di ka maiyak. Maganda ka na." singit ni Ben.

Natawa naman ako sa kanila. New friends? Huh?

"Alam ko naman un. Ben, Sky,Shane at Gab. Di na kailangang sabihin." natatawang sabi ko.

Natawa na lang kamng lahat. Pero napansin ko natahimik si Shawn.

"Lalim ng iniisip ah! Wag mong isipun yun. Di ka mahal nun." sabi ko at tinapik ko ung balikat nya.

"BITTER!" sabay sabay na sabi nung apat.

"Totoo naman ah. Bakit iisipin un ni Shawn kung mahal sya nung babae. Sana kung mahal sya, kampante na sya." paliwanag ko.

"Hindi nga ako mahal nun, sa ngayon, pero sisiguraduhin kong sa akin bagsak nun." seryoso nyang sabi sabay kindat sa akin.

Shingshafu? Ano sasabihin ko? Pogi pala tong lalaki na to eh. Omo!!!

"Cge alis na kami ah. May pupuntahan pa kami. Nice to meet you Sapphire." tapos nakipag shakehands pa si Shawn sa akin.

"Nice to meet you din Sapphie. Alis na kami." pamamaalam nila Ben at ayun umalis na nga.

Nung maka alis na sila Ben at Shawn. Grabe ung mga ngiti nila Gab, Sky at Shane parang ewan.

"Bakit???" tanong ko.

"Ayieee!!!" chorus na sabi nilang tatlo. Ano ba ginawa ko at kinikilig tong mga to?

"Bakit?" tanong ko ulit. Baka hindi naintindihan ung tanong ko eh.

Ngumiti lang sila ng nakakaloko. Tapos nag simula na ulit kaming mag-lakad.

May tanong ako. What's happening in this world?

____________________________________________________

Nagustuhan nyo ba? Comment lang.

Sorry sa typos at wrong grammars

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon