¤{Magical 4}¤

5.3K 188 21

SAPPHIRE ISABEL'S POV

Nandito ako sa mall. Assual mag-isa. E sinong isasama ko? Yung ahas kong ex bestfriend? O yung malandi kong ex boyfriend?

Naglalakad lakad ako sa mall ng may nakita akong couple. Naka couple shirt, magka holding hands, at masayang magkasama. Masaya yung boy kay girl at ganun din naman ang nakikita ko kay girl, mahal din nya si boy.

"Walang Forever, magbre- break din kayo" hugot ko at ningitian ko pa yung couple. Pfft! Kung nakikita nyo lang yung muka nung girl halos magwala na sa sinabi ko. Yung boy naman mukang uma- agree sa akin. Haha.

Naglakad-lakad ulit ako at sa bawat couple na makikita ko, binibigyan ko ng hugot. Kesyo 'Hindi rin kayo magtatagal!' 'Magsasawa rin yan sayo' 'Walang Forever maghihiwalay din kayo'.

Sa ginagawa ko napapagaan naman ang loob ko. Unti unti akong nakakapag move- on kahit papaano.

Tinignan ko yung wrist watch ko. Magla- lunch na at medyo kumukulo na rin yung tyan ko.

Naghanap ako ng resto na makakainan. Sh*t lahat ang sasarap. Sa Pizza Hut, Chowking, Greenwich,Mang Inasal. Pero sa dulo sa Yellow Cab ko napiling kumain. Ganyan talaga kahit ilan yung choices mo yung the best pa rin ung pipiliin mo; katulad sa love, kahit napakadaming nakapilang manliligaw sa labas ng bahay nyo kailangan mo pa rin hanapin yung magmamahal sayo, magtitiwala sayo, at lastly hindi ka ipagpapalit sa iba.
( Hugot!)

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang tinignan ko na agad yung menu board nila. May mga pasta sila at syempre yung specialty nilang pizza. Napag pasyahan ko na umorder ng marami. Yung parang hindi pang isang tao. Haha. Takaw ko po kasi.

***

So long long years ago--- char! Mga 45 minutes ako kumain. Nssarapan kasi ako eh. As in ang sarap nung pizza nila.

Back to reality...

Naglalakad lakad ulit ako. Sh*t! Ang hilig kong maglakad lakad. XOXO.

Gulat akong napatingin sa isang resto dahil may pinagkakaguluhan don. Syempre naki chismis na ako.

May nagaaway palang couple. Tinanong ko dun sa isang babaeng kakalabas lang doon mismo sa restaurant. Sabi na eh, walang forever. Mag bre- break din sila.

Sumilip ako ng kaunti para malaman kung sino yung nag aaway na couple. At nagulat ako dahil...

Sila....

Sila yon...

Sila Khelsea at Jarred...

Napaatras ako tuloy at napansin kong lumabas si Jarred mula sa resto.

Napapikit na lang ako. Di ko kayang makitang nagaaway yung dalawa. Kasi ang totoo di pa rin ako nakaka pag move on.

Tatalikod na sana ako pero may humawak sa kamay ko. Ang lamig. Wag nyong sabihing....

"Hi Sapphire? Miss me?" tanong ng isang pamilyat na lalaki.

"Alexander Limuel?" Paksiyet! Sya lang pala akala ko si--- nevermind!

"Hi Princess Love! Your face is so epic! Haha! Akala mo namang kikidnapin!" sabi nya habang tumatawa.

Alexander Limuel. Isang bestfriend ko na ubod sa hangin. Pagkasama mo yan, grabe may libreng aircon ka na.

"Natulala ka nanaman sa kagwapuhan ko? Ah?" at nag pogi sign pa si ga*o.

See? Libreng aircon. Forgot to mention, kaisa- isahang tumatawag sa aking Princess Love.

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon