¤{Magical 3}¤

5.3K 175 7

SAPPHIRE ISABEL'S POV

"Sapphire!!!" tawag sa akin ni Lolo mula sa baba.

Andito ako sa kwarto ko pilit mag move on. Sa ex boyfriend ko at sa ex bestfriend ko. Kingina! Ang hilig ko sa EX pero di ko hilig ang Math. (Korni ko po. :-X )

"Andyan na po!!!" sigaw ko pabalik.

Takang inayos ko ang sarili ko at lumabas ng kwarto. Kakatapos lang namin mag dinner eh.Bat kaya ako tinatawag?

Pagbaba ko di ko maiwasan isipin yung sinabi ng dakilang ex ko.

"...hindi kita minahal at hinding-hindi kita mamahalin..."

"...hindi kita minahal at hinding-hindi kita mamahalin..."

"...hindi kita minahal at hinding-hindi kita mamahalin..."

"...hindi kita minahal at hinding-hindi kita mamahalin..."

"...hindi kita minahal at hinding-hindi kita mamahalin..."

"...hindi kita minahal at hinding-hindi kita mamahalin..."

"...hindi kita minahal at hinding-hindi kita mamahalin..."

Taena! Ayaw tumigil nung reply button sa isip ko. Paulit ulit tuloy yung mga words na nagpa- play sa isip ko.

T*ngina. Bat ka kasi umasa sa ex mo!? Isama mo pa yung ex bestfriend ko. Napaka sayang buhay naman.

Pagkababa na pagkababa tinanong ko agad si Lolo.

"Bakit po?"tanong ko

"Umupo ka apo at may sasabihin ako sayo." utos ni Lolo so umupo ako.

Hindi ko alam pero parang may masamang mangyayari.

Wahhh!!! Ito ba yung scene na sasabihin na ng magulang mo or nung guardian mo na ampon ka lang?!

O ito yung pagta trabahuin ka na kahit bata ka pa?! Hala! Wala pa namang trabaho ang tumatanggap sa under age? Saan ako magta- trabaho? Shocks! Sa bar? Sasayaw ba ako doon? Grabe wala pa naman akong talent sumayaw. Papakuluan nyo muna ako sa pressure cooker bago nyo ako mapalambot!!!

O ito na ba ang katapusan ng bu---

"Apo. Bakit kabang kaba ka naman? " natigil lang ang pagmumuni muni ko ng magsalita si Lolo.

"A-- eh--- ano p-o ba k-asi yu-ng s-asabi-hin nyo?" kabang kabang tanong ko. Ito na ba ang katapusan ng buhay ko?

"Ililipat kita ng school." yun lang pala eh. Pa suspense pa.*deep sigh*. Akala ko naman kung---shishafu. Ililipat ako? Bakit?

"WHAT????BAKIT PO???" sabi ko with matching tayo pa. Kumbaga sa wattpad story, yung binalita ng bestfriend ng boyfriend mo na aalis yung boyfriend mo. O kaya may iba yung boyfriend mo. Tsk!

"Ang OA mo naman apo. Maghunusdili ka." nakangiting sabi ni Lolo kaya kumalma ako. Oo nga naman Sapphire ang OA mo!

Kalma. Sapphire. Kalma.

"Bakit po?" ngiting-ngiting sabi ko. Kahit gusto kong magwala na parang guguho na ang mundo di ko magawa kasi may kung anong pumipigil sa akin para magwala.

"Para apo magamit mo ung magic na binigay ng magulang mo sayo. Diba gusto mong gumagawa ng mga mahikang napapabilib ako at ang mga magulang mo." sagot ni Lolo.

At eto nanaman ung topic. S*et! Ayoko sa lahat mine- mention yang mahika, magic na kagaguhan lang simula ng nawala sila. Ano yun? Papahalagahan ko pa ba yun kung ang nagbigay sa akin nang mga taong nang iwan sa akin? Ano ako magpapakatanga nanaman?

"Ayoko po Lolo." nakayukong sagot ko. Alam kong gusto ni Lolo na magamit ko ang iniwan na kapangyarihan ng mga--- aish! I hate mentioning it but--- Damn! Ang mga magulang ko.

"Pero para sa iyo din yon apo." sabi naman ni Lolo.

"Para sa akin ba talaga? O baka para sa mga t*ng*nang magulang ko. Alam ba nilang nag hihirap ako dito kasama ka habang sila ano? Nagpapakasaya doon kasama yung mga---" di na natapos yung sasabihin ko kasi may lumabas na black flames sa kamay ko.

Napatingin ako kay Lolo na ngayon ay nagaalala sa akin. At tama kayo ng nabasa. May lumabas talagang black flames galing sa kamay ko.

This is exactly the same flame that cause myself hate myself. (R.I.P po ba yung grammar? Haha. XOXO)

***Flashback

"Ano na??? Wala ka nang laban." sabi nila habang sinasaktan ako. Naalala ko ako ay Grade 2 non at bully talaga sila.

"Ta-ma n-a. Su-ko na- ak-o." sinabi ko un dahil hinang hina na ako. Hindi na kaya ng katawan ko.

"Haha. Nakakatawa ka naman. Marunong palang magmakaawa ang isang Sapphire Isabel Cortez. Wag nyong tigilan." sambit ng isang batang babae.

Sampal. Sabunot. Tadyak ang inabot ko sa kanila. Hindi na kaya talaga ng katawan ko. Sinubukan kong magmakaawa ulit.

"Ok na. Panalo na kayo." pilit kong ngumiti. Kaso lang mas tinindihan lang nila ang ginagawa nila sa akin. Hanggang sa hindi ko na natiis.

"TAMA NA!!!!!!!!" nasagad na nila ako kaya lumaban na ako.

May lumabas na black flames sa kamay ko. At sinandal ko sila sa pader at sinakal. Nagsimula na rin lumaki ang apoy sa kamay ko at nag-iba na ang kulay ng mata ko at buhok ko.

"Tam-a na Sap-phir-e. Pana-lo k-a na."

"S-uko n-a ka-mi. Ik-aw na-."

"Hind-i na nam-in ika-w -sasak-tan. Tig-il-an m-o na"

Lahat sila namimilipit sa sakit. Di ko namalayan nakakulong kami sa isang school na nasusunog na. Pero diko pinansin ito. May iba akong gustong mangyari.

"DIE!" and everything went black.

***End of Flashback

Nakapatay ako kaya ayoko na gamitin ung mga mahika na minana ko kay Papa at Mama.

Hanggang ngayon kinasusuklaman ako  tao sa school na iyon kaya lumipat kami ng bahay malayo sa lugar na iyon.

Sa gitna ng pagmuni muni ko biglang nawala na lang ng tuluyan ang black flames sa kamay ko na pinagpasasalamat ko. Baka kasi kung anong magawa ko gamit to eh.

"Kaya nga kita ipapasok sa Academy na iyon. Para makontrol mo na ung magic mo... "

"At di kana makapatay." pagpapatuloy nya.

"Ayoko pa rin. Baka maka patay pa ako doon eh." katwiran ko. Ayoko na. Ayoko na talaga.

"Pagisipan mo apo. Para sayo din yon di para sa anak ko at sa mama mo. Goodnight na Sapphire apo. Pag isipan mo." pamamaalam nya at hinalikan nya ako sa noo ko.

Naiwan ako ditong naguguluhan. Gulong-gulo. Anong gagawin ko? Ano nga ba ang dapat na desisyon ko?

________________________

Pasensya po sa typos. Wrong grammars.

Enjoying the story?

Don't forget to

VOTE AND COMMENT.

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon