¤{Magical 26}¤

2.5K 81 3

SAPPHIRE ISABEL'S POV

After 1hour and 30 minutes

Ganyan ako katagal gumayak. Di ko pa rin makalimutan ung nangyari kanina. Bwiset pa rin ako kay Shawn tsaka kay Scarlet. Nakalimutan ko pala si Zephaniah, yung patay na patay kay Ace.

*tok*tok*tok*

Andyan na. For sure sina Sky,Shane at Gab yan. Kanina pa ako kinakatok nyan eh.

Binuksan ko na ung pinto. Tama hula ko. Pede na. May future.

"Kanina ka pa namin hinihintay. Naghihintay na rin ung buong barkada." sabi ni Sky.

"Sorry na. Pede naman dibang mag sorry?" tanong ko.

"Wahh! Ang cute mo dyan sa uniform. Ang cute cute mo." tapos pinisil ni Shane ung pisngi ko.

Sabagay cute nga ung uniform namin. Red checkered skirt, three-fourths na tops, tapos high socks in rubber shoes na black tapos ulit may headress, checkered rin.

"Slamat." Ako.

Lakad. Lakad. Lakad. Hanggang marating namin kung nasan ung mga boys.

"Goodmorning girls!" sabay sabay na bati nung apat.

"Goodmorning din" bati namin. Di ko magawang ngumiti naiinis kasi ako kay Shawn. Grrr! Bwiset talaga ung lalaki na yon. Di manlang nagsorry sa nagawa nya nung Thursday.

"Hindi ka naman bwiset dyan sa bag mo no?" nagulat ako nung nagtanong sa akin si Ace.

Tinignan ko ung bag ko, medyo na lukot. Sinamaan ko ung tingin ko kay Ace. Isa pa to eh. Hindi dahil dito, hindi kami mag aaway ni Shawn eh. Teka,! Bakit ko ba sinisisi si Ace si Shawn naman talaga may kasalanan eh.

"Ano bang pakielam mo? Bag mo?" pagsusungit ko. Hindi ko kasi maisip na magkasama ngayon ung dalawa an un. Parang anytime sasabog ako.

"Red days?" taena nito. Next week pa ako no? Sinamaan ko sya ng tingin.

"Bat ba ang sunget mo ah?! Ang cute mo pa naman ngayon." tapos pinisil nya ung pisngi ko.

"Tapos mamaya, babawiin mo. Naku Ace alam ko na yan."

"Ang sunget mo talaga ngayon. Iba." Ace.

"Wow parang ngayon lang naman ako nagsungit. Tsaka parang mas better pa ung pagsusungit kase sa pagwa-walk out?"

Naging seryoso ng muka nya. Sabi ko na eh. May storya tong kadramahan ni Ace eh.

"Wala ka kasing alam." walang emosyon nyang sagot.

"Ok." edi ako na walang alam.

"LQ ba? Sigawan to the max eh" singit ni Shane.

"Grabe! LQ? Hindi ako nakikipag away sa mga walang kwentang tao." sabi ko.

Tinignan ako ng masama ni Ace. Akala nya papatalo ako sa kanya.

"Sino ba hinihintay natin?" pag iiba ko sa usapan.

"Paparating na un. Tiwala lang." Flare.

O ayan Sapphire, magtiwala ka daw ah.

Katahimikan...

"O ayan na sya." sabi ni Gab tapos may dumating na lalaki. Red ang buhok, di ko pa nakikita ung muka nya eh. Pero pamilyar.

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon