¤{Magical 38}¤

1.9K 76 0

SAPPHIRE ISABEL'S POV

Yun lang pala sasabihin nya?! Tang*na lang! Akala ko ba may sasabihin sya? Ike- kwento lang pala nya yung kadramahan nya sa buhay!

***Flashback

Hooh! Buti at natakasan ko si Cyriel don! Haist!

So ngayon nandito na ako sa room ni Shawn at nandito na kaming dalawa.

"O ano bang sasabihin mo?" inis kong tanong sa kanya.

Napangiti naman sya. "Ano ba yan Sapphire? Wala man lang hi or hello?"

"Wala ako sa mood makipaglaro Shawn. Ano ba kasi yang sasabihin mo?" inis kong baling sa kanya.

"Hindi ka pa rin nagbabago Sapphire. Ikaw pa rin yung minahal ko noon at ngayon." nakangiting sabi nya sa akin.

Nanatili akong nakatingin sa kanya. "First of all gusto kong humingi ng tawad sayo, sa lahat ng nagawa ko. Sorry kung pinabilis ko ang lahat. Sorry kung pinilit ko ang sarili ko sayo. Sorry kung napagkamalan ko na kayo ni Ace. Sorry kung nasaktan kita..." at nagsimula nang kumawala ang luha nya.

Sh*t pati ako naiiyak eh. Ayoko kasing nagpapaiyak. Kaya nga ako laging nakangiti para mapangiti rin ang iba.

"Cut the crap Shawn. Ano ba ang sasabihin mo?" pinilit kong maging galit ang tono nang pananalita ko. Para matapos na to.

"Sapphire, pwede bang magkaibigan pa rin tayo?" tanong nya sa akin. I just shrugged. "Ewan ko." sagot ko.

Iniwan ko siya sa room nya at umalis na.

End of Flashback***

Ewan ko. Naiinis ako at the same time na nakakakonsensya. Aish! Nakakainis lang! Magdra- drama pala. May luha pa siyang pinalabas. Haha. E baka nga planado nya yung iyak iyak nya eh.

Baka nga---

"Sapphire, ganyan ka na ba kasama?" natigilan ako sa tanong nang isang taong alam kong kinaiinisan ko.

"Huh? Scarlet wala akong alam sa sinasabi mo!" sagot ko.

"Nagbago ka na." talaga lang ah? Tanungin kaya nya yung 'boyfriend' nya.

"Wala kang alam." walang emosyong sabi ko at akmang aalis na sana kaso lang pinigilan ako ni Scarlet.

"Nagbago ka na." sabi nya nang humarap ako sa kanya.

"Bakit ba? Magdra-drama ka rin ba katulad ni Shawn?" inis kong tanong sa kanya.

"Hindi." nanatili akong nakatingin sa kanya. "Hindi ako hihingi ng tawad sayo..." "At wala akong dapat na ihingi ng tawad sayo." matapang na sabi nya.

Pakielam ko sa kanya? Pakielam ko sa kanya? Sh*t! Lalong nag iiba ang pakikitungo ko sa iba. Dahil ba sa---

"Nagbago ka na. Ibang iba ka na sa nakilala namin. Gusto ko lang sabihin na kahit ako yung laging kasama ni Shawn, oo natutuhan nya akong mahalin pero mas mahal ka pa rin nya. Pakikipagkaibigan di mo pa mabigay? F*ck it, Sapphire. Maganda ka nga muka namang wala kang puso at utak!" galit na sabi sa akin ni Scarlet sabay alis.

Nanatili akong nakatayo at pilit iniintindi yung sinabi ni Scarlet.

"Lolo akala ko ba masaya dito?" pinilit kong ngumiti kasabay ng pagtingin ko sa buwan.

"Haha. Lolo kailan mo ba ako pupuntahan dito?" tanong ko pa.

"Bakit wala na akong maintindihan? Walang wala na." biglang pumatak yung luha ko. Di na kinaya eh.

"Sana nandito kayo. Sana nandito ka Lolo. Sana nandito yung mga magulang ko sana---"

"Nandito naman ako anak. Kailanman di kita iniwan." rinig kong sabi ng isang lalaki na hindi ko maaninag ang mukha dahil malayo sya.

Sino sya?

_________________

Hahah. Dahil naabot nyo ang  4 votes and comments ko nagbabalik muli ako.

Don't forget to vote and comment. Be a fan!

Ps. Please support my story "That thing called inlove ka na"

Pss. Mahal kayo ni author.

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon