¤{Special Chapter: Ice Palace.}¤

2.3K 61 1

SKY'S POV

"Magandang araw, mahal na prinsesa at mahal na prinsipe." bati sa amin ng kuya ko ng mga kawal sa kaharian.

"Magandang araw din." nakangiting sabi ko.

"Magandang araw din." bati ni Kuya.

Too formal, right? Kasi dito di ka makakagamit ng kung ano-anong salita. Di tulad sa Academy.

"Mahal na prinsesa, Sky at mahal na prinsipe, Flare, maaaring kayo po ay sumunod sa akin. Pupunta po tayo sa dining hall," bungad sa amin ng isa naming kataulong.

Di maganda sa pandinig ko ang mga salitang ganyan. Sabi ko nga hindi ka makakagamit ng kung ano-anong salita dito.

"Nakakasora sa pandinig yung mga salitang ganyan no?" bulong sa akin ni kuya.

"Oo. Sobra." sagot ko.

Natawa na lang kami. Si kuya, di kmi nagpapansinan nyan sa academy pero pag nasa kaharian na, kagaguhan na namin umiiral dito.

"Mahal na reyna at hari, nandito na po sila." sabi ng katulong.

"O sya, maaari mo na kaming maiwan." sabi ng aking ina. Ganun talaga tawag dito. Bawal nanay, mama, mom at kung ano-ano. Pero pag sa ibang kaharian pede. Tsk!

"Mga anak, ikinagagalak ko ulit kayong matunghayan dito sa ating kaharian." bati nya sa amin ni kuya. Ano daw? Di ko alam kng ano ibig sabihin nung sinabi ng aking ina.

"Kami rin po." at niyakap ko ng mahigpit ang aking ina.

Ganun din ang ginawa ni kuya.

Ang mahal na reyna na si Jenny Smith. Pangalang pang mortal world no? Pero sya talaga ang reyna ng kaharian namin. At ang aking magulang. Isa syang Legendary Magician, master na nya ang Ice power.

"Ehem! Ako ba walang yakap mula sa dalawang anak ko?" singit ng aking ama. Katulad din ng sabi ko kanina, bawal papa, tatay, dad dito.

Ang mahal na hari ng aming kaharian at ang aking ama, si Jen Smith. Coincidence na magkalapit sila ng pangalan. Kaya siguro sila nagkatuluyan

Niyakap naming dalawa si ama. Bwiset! Ang formal kasi eh. Nakakasora.

"Too cheesy right?" bulong ni Flare.

"Parang yakap mo lang yan kay Shane. Mas cheesy pa nga kayo eh" bulong ko naman. Totoo naman kasi. Napaka sweet nila, no wonder magka diabetes tong dalawa

"Umupo na kayo at marami pa tayong pag-uusapan." utos ng mahal na reyna.

Umupo na kami sa pagkahaba-habang mesa.

"Bakit po tayo lang? Diba sabi Family gathering?" nacurious kasi ako.

"Busy ang mga ka angkan natin. Madaming inaasikaso at ginagawa." ani ama.

Ok. Mas masaya pag kami kami lang.

"Kamusta ang academy mga anak, ang balita ko pasukan nyo pa lang" sabi ni ina.

"Oo nga po eh. Kahapon lang. Pinatawag nyo na po kami agad." sagot ni kuya.

"Marahil namiss namin kayo agad. Kahit ilang linggo nyo pa lang nilisan ang kaharian." sabi ni ama.

"Ama, namimiss din po namin kayo pero mas namimiss ni kuya ung mahal nya." pangaasar ko.

"Namimiss mo rin si Blue. Aminin mo na. Dinadamay mo pa ako eh." sabi ni kuya.

"Blue Maiden, ng kaharian ng Timog?" T*ng*na! Pede namang Water Palace. Tsaka bakit napunta sa akin ung usapan?

"Si kuya naman po, si Shane Amethyst ng Air Palace." pag iiba ko ng usapan.

"Magagaling pumili ang aking mga anak ah. Kailan babang kasalan?" nasamid ako sa tanong ng aking ama.

"Kasalan agad, mahal?" asdfghjkl? Kailan pa sila nagka call sign?

"Ganun talaga mahal. Kung para sila sa isa't isa, kasalan agad." katwiran ni Ama..

"Di ba dapat si Prince Blue ang mag aya magpakasal kay Sky?" tanong ni ina.

"Si Flare. Si Flare ang sinasabihan ko. Magpakasal na sila ni Princess Shane." nasamid si kuya. Buti na lang babae ako. Lalaki mag aaya magpakasal.

"Tama nga mahal. Flare, magpakasal na kayo ni Princess Shane." ani ina.

Natawa na lang ako. Bahala sila. Basta ako, kakain na lang.

*chomp*chomp*chomp*

FLARE'S POV

"Tama nga mahal. Flare, magpakasal na kayo ni Princess Shane." ani ina.

Ano sasabhin ko? Kasal agad? Wala pa sa plano ko iyon.

Nakita ko na tumatawa lang si Sky. Palibhasa kasi babae eh.

"Mga bata pa po kami. Hindi pa namin kayang magka pamilya." katwiran ko.

"Ang kasal di na pinapatagal. Ano? Pag ka digmaan ay dumating na?" natigilan ako sa sinabi ni ama. Kami nga ni Sky, actually.

"Ano pong digmaan?" sabay na tanong namin ni Sky.

Napabuntong hininga na lang si ina at si ama.

"Malapit na ang digmaan. Di pa natin nahahanap ang isang legendary magician na isa ring Dark-Light holder. Flare, kailan mo papakasalan si Shane? Pag namatay sya dahil sa digmaan?" tanong ng aking ama.

"Di ko po alam. Di ko talaga alam." sagot ko. Pero taam ang aking ama. Baka ang digmaan ang maghiwalay sa amin ni Shane.

Katahimikan...

***

"Mga anak, ipapahatid ko nalang kayo sa kwarto nyo." sabi ni ina.

Tumango na lang kami ni Sky.

Pagiisipan ko.

_____________

Wahhh! Special Chapters muna.

Last day na rin ng update ni author kasi pasukan an bukas!!!

Pero magu-update ako kapag weekends.

Don't forget to

VOTE AND COMMENT

Ps. Mahal ko kayo. <3












Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon