¤{Magical 5}¤

4.9K 150 3

SAPPHIRE ISABEL'S POV

Pumasok na akosa bahay pagkatapos kong sabihin kila Max at Alex na lilipat na ako ng school. Kung hanggang ngayon nagtataka kayo kung totoo yun, totoo po un. Papayag na ako lumipat ng school. Pero mukang di ko masasabi kay Lolo kasi kanina pa sya nawawala. Inikot ko na yung sala, kusina at kwarto ni Lolo pero wala sta sa mga lugar na yon. Supposedly dapat ay nasa nasa sala sya at nagtitimpla ng kape.

“Lolo asan po kayo???” tanong ko sa sarili ko habang hinahanap si Lolo.

Inikot ko muna ung taas nagbabasakaling nandoon si Lolo kaso lang ni anino nya, wala.

“Lolo? Saan na po kasi kayo? Taguan ba to?” para akong tanga na kumakausap sa sarili ko.

(Nagpakatanga ka na naman sa bestfriend mo at boyfriend mo eh, Ipagpatuloy mo na.)

Che! Oo na author nagpakatanga na ako eh sa minahal ko eh. Tsaka di ko naman alam na maglolokohan lang kami. Sana sinabi nya na laro lang yon edi sana ako yung naging coach sya ang naging player. Tch!

(Yan tayo eh. Lahat gagawin para sa pag-ibig kahit nasasaktan mo na ung sarili mo!!!)

Author!!! Lolo ko hinahanap ko. Bat ba napunta t*ng*nang lalaking yon? Ah?! Bakit napunta sa punyetang ex bestfriend ko?

Di ko na pinansin si author. Sagabal lang yan sa paghahanap kay Lolo eh. Lolo nasan ka na po ba? Kanina pa po ako hanap ng hanap sa inyo.

Tinry ko ulit umikot sa bahay. Lam nyo na? Maghahanap ulit.

Tinignan ko yung wall clock sa sala namin, it's already 8:15 pm.

Napag desisyunan kong umakyat sa kwarto at makapagbihis nga muna.

Habang naglalakad nakaramdam ako na may nagmamasid sa akin. As in may nakatingin sa akin. Tinignan ko yung paligid pero wala naman.

Bago ako pumunta sa kwarto ko nilingon ko ulit yung paligid. Kasi may nakatingin talaga sa akin. As in.

Gulat akong napatingin dun sa bintana kasi may parang kaka alis lang na tao or something.

"Meow. Meow." (astig may linya yung pusa. Buti pa yung pusa nabigyan ng space ni author sa story na to samantalang di nya mabigyan ng space yung sarili nya. Haha. Gets nyo?)

Pusa lang pala yung nakitaan kp ng anino. Kaya napa hinga ako ng malalim kasi yun lang pala yun. Akala ko kung ano na.

Nang makarating ako sa kwarto bubuksan ko na sana ung kwarto ko kaso nakalock. Lalo akong kinabahan dahil may narinig akong nag uusap sa loob ng kwarto ko.

Nilapat ko yung tenga ko sa pinto ng kwarto ko at nagsimulang makinig.

“Oo naman anak. Inaalagaan ko si Sapphire.”

“Nagtatanong po ba sya tungkol sa amin ni Doreena?” tanong nang lalaki kay Lolo siguro.

Doreena???

Parang familliar the name ah...

Doreena... P*t*! Si Mama. Ano meron kay mama? Tsaka sino yung kausap ni Lolo sa loob.

Binalik ko ulit ang pakikinig sa kanila. Na curious ako eh. Syempre usapang pamilya ata. Kung part talaga ako ng pamilyang ito.

“Pwede ko po sya makita?” tanong ulit nung lalaki.

"Wala pa sya anak. Nasa labas at nagpapakasaya." narinig kong tumawa si Lolo.

Anak? Edi... T*ng*na! Edi si Papa yan? Kailan pa sya bumalik? At talagang tinanong pa nya kay Lolo kung pede akong makita ah?! Kung gusto nya akong makitang masaya sana di nya ko iniwan. Tsk!

"Kailan ko po sya makikitang muli?" rinig kong sabi ni... F*ck! What do I call him? Basta sya yun. Lalaki. Tapos!

“Kung papayag syang mag-aral sa Magical Elite Academy.” sagot ni Lolo.

Sya kaya yon? May koneksyon pa ba si Lolo sa mga magulang ko? Malamang! Isip naman Sapphire oh?! Eh kaya nga nya kausap yung isa sa mga taong pilit kong kinakalimutan eh! Pagtatagpuin kaya kami ng tadhana kung lilipat na ako sa eskwelahan na yon? Ano nga bang pangalan nun? Magical Elite Academy, ba?

Nagdesisyon akong bumababa na at hindi na tuluyang makinig sa usapan nila. Kaklaruhin ko muna sa isip ko kung tama ba yung desisyon ko. At mas lalo akong mahihirapang tanggapin na iniwan na ako ng magulang ko kung patuloy ko pang pakikingan yung usapan na to. Masyado na ring maraming katanungan na di masagot sa utak ko.

Will destiny finds a way to bring me back home?

LORCAN CORTEZ'S POV

Kausap ko ngayon si Darshel, ang anak ko.

Pinipilit nya akong pag-aralin si Sapphire sa Academy malapit sa Kaharian nila. Gusto man yang kausapin si Sapphire eh hindi sya maaaring magpakita dito dahil sa isang personal na dahilan.

“Nagtatanong po ba sya tungkol sa amin ni Doreena?” tanong nya sa akin.

“Hindi naman anak kasi pilit na kayong kinakalimutan  ni Sapphire.” sagot ko na ikinalungkot nya lalo.

Namayani sa amin ang katahimikan.

“Aalis na ako papa. Baka malaman nilang umalis ako sa kaharian. Pakisabi na lang po sa anak ko na mahal na mahal  ko sya. And I will always love her.” pamamaalam na aking anak bago umalis.

Alam kong mahirap para sa kanya ang lumayo kay Sapphire.
May mga obligasyon din kasi sya sa kaharihang pinamumunuan nya. Di nya kayang pabayaan iyon at ipagpalit ang anak nila ni Doreena gayong walang alam ang buong Light Kingdom na may anak si Darshel.

Napa- buntong hininga na lang ako dahil sa lungkpt na nadarama ko. Naaawa ako kay Sapphire dahil ako ang naging kasama nya sa buhay ng iwan sya ng mga magulang nya.

Bigla kong naalala baka andyan na si Sapphire. Nagtataka sya siguro kung bakit nakalock ang kwarto nya. Dito kasi kami nag usap ng anak ko. Makalabas na nga.

Lumabas ako ng pintuan na parang walang nangyari. Pagkababa ko nakita kong aligagang paikot ikot si Sapphire. Parang balisa at wala sa sarili.

Natigilan sya ng makita nya ako at huminto sa kakaikot. Ningitian ko sya para gumaan ang loob nya at ningitian din nya ako.

Umupo ako sa sofa at nagsimulang magsalita.

"May itatanong ka ba apo? Kanina ka pa di mapakali." Nakangiting tanong ko sa kanya.

Nakaupo sya ng maayos at napatayo din naman agad.

“Lolo ano pong ginagawa nyo sa kwarto ko???”

Natigilan ako sa naging tanong nya. Posible kayang...

Narinig nya ang lahat?

___________________

Enjoying the story?

Don’t forget to

VOTE AND COMMENT.

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon