¤{Magical 22}¤

2.8K 86 1

Sapphire Isabel's POV

Hinahanap ko sila Gab, Sky at Shane. Papaalam sana ako, gagala ako sa plaza para makabisado ko naman tong academy. Kaso lang mukang mauudlot pa ung gala ko eh.

Nasan ba kasi kayo? Nakakatamad kasi mangatok ng kwarto eh. Kakatukin ko ung kwarto nilang tatlo, sino di tatamarin?

.
.
.

Makaalis na nga lang. Hayaan sila. Malay mo may gingawang milagro ung tatlo na un kasama ung mga boyfriend sa kwarto nila. Makaistorbo pa ako.

Lakad. Lakad. Lakad.

Jajo! Salitang alien!  Anong oras ba ung lakad namin? 3:00 pm na eh. Bahala nga sila! Nakakainis.

Lakad. Lakad. Lakad.

"Good afternoon Sapphire!" anak ng tokwa! Gulatin daw ba?

"Hi! Anong ginagawa mo dito, Ben?" tanong ko.

"Wala. Ikaw?" wala? Ano to gumagala din? Sabagay, sulitin na ung bakasyon.

"Gumagala. Kinakabisado ung academy." ako.

Tumango lang sya. Ang boring ng usapang itech!

Nagulat ako kasi may nagtakip ng mata ko. Wahh! Kidnap ba to? Tulong!!!

"Hi Sapphire." pamilyar ung boses. Parang narinig ko na.

"Hello? Sino ka?" tanong ko. Kasi di pa rin nya tinatanggal ung kamay nya sa mga mata ko.

"Hala Sapphire. Magtatampo sayo yan. Di mo na sya kilala, eh magkasama kayo buong gabi kahapon. Labag pa nga kayo sa curfew eh." boses ni Ben.

Omo. Sino bang kasamako kagabi na lumabag sa curfew?

0_0

"Shawn?" ayun at tinangal nya na ung takip sa mata ko. I knew it. Sabi ko na nga ba, kilala ko ung boses eh.

"Nakakatampo naman. Nakalimutan mo na ako." malungkot na sabi ni Shawn.

Pilit nga kitang kinakalimutan eh. Pano ba? Ligawan agad kasi nasa isip mo. Sabagay di mo kasi alam na di pa ako handang magmahal ulit eh.

"Eh di ko naman alam na ikaw un eh. Baka pag nanghula ako e kung anong masabi kong pangalan." katwiran ko.

"Ok." tapos umalis na sya.

Halatang magpapahabol to eh. Ang bagal ng lakad. Ano ba hahabulin ko ba? Para naman akong stalker. Eh baka naman magalit to?

"Habulin mo na. Nagpapahabol lang yan." bulong sa akin ni Ben. Cge na nga.

Medyo malayo na si Shawn. Kaya ayun hinabol ko na. Nakonsensya ako kay Ben eh.

"Hoy Shawn!" di nya ako pinansin.

"Hoy Shawn Portalejo!" muka tuloy akong naghahabol ng lalaki. Pinagtitingin na nila kami.

"Hoy Shawn" at finally tumigil na sya.

"T*ng*na. Pinagod mo ko dun." hinihingal na sabi ko. Tinignan nya ako mata sa mata. At masasabi kong NAKAKAHIYA ang daming nakatingin sa amin.

"Sino. Ba. Kasing. Nagsabing. Habulin. Mo. Ako?" nakangising tanong nya.

Aba walang hiya! Sya na nga hinabol mag iinarte pa. Pag wala lang tao dito kanina ko pa nasampal to.

"Wag ka kasing mag pahalatang nagpapahabol ka. Ang bagal mo kayang maglakad. Tsaka pasensya po ah, nagmamalasakit lang naman ako eh di kung ayaw mo edi wag!" bwiset! Sya na nga hinabol eh. Alam ba nyang may hika ako. Sa bagay wala naman syang alam tungkol sa akin eh.. Ligawan agad kasi eh, mga katagang binabangit ko habang naglalakad palayo kay Shawn.

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon