¤{Magical 18}¤

3.3K 93 0

Shawn's POV

Kasama ko ngayon si Ben. Papunta kami sa mga dorm namin. Nag eenjoy na kami dahil sa Monday pasukan na.

Siguro tinatanong nyo kung sino ako. Hi everyone. My name is Shawn Portalejo, fire power user pero may ibang fire prince. Sinasanay lang akong maging Legendary Magician.

Nagulat ako ng batukan ako ni Ben.

"Hoy Shawn kanina ka pa tulala ah. Nandito na tayo sa dorm mo." sigaw ni Ben sa akin.

"T*ng*na Ben! Bakit ka ba nam babatok ah?! Batukan kaya kita." at binatukan ko nga ang g*g*. Ang sakit-sakit nung batok nya eh.

"Aray naman Shawn. Ang sakit kaya pero ok lang sanay naman ako na nasasaktan eh." nag drama pa ang p*ta.

Ang bestfriend ko si Ben Perez. Earth power user. Sinasanay ring maging isang Legendary Magician.

Natawa na lang ako sa kadramahan ng bestfriend ko. Kahit kailan talaga. Tsk!

Umupo kami sa napaka lambot na sofa dito sa dorm. Kakapagod kasi ung traning ko.

"Ang ganda ni Sapphire, nu?"nagulat ako sa tanong ni Ben.

"Maganda din naman sila Princess Shane, Sky at Gabrielle ah." sagot ko. Pero tama sya maganda si Sapphire. Para ngang isa ring prinsesa eh. At kung nagtatanong kayo kung bakit princess ang tawag kina Shane, Gab at Sky, ipapaliwanag ni author sa mga susunod na chapters.

"Pero iba ung kay Sapphire" asdfghjkl, na love at first sight ba si Ben kay Sapphire? Omo. Delikado si Sapphire chickboy tong bestfriend ko.

"So gusto mo?" straight to the point kong tanong.

Natigilan si Ben sa tanong ko.

"Eh kung sabihin kong oo? Angal ka?" bakit ganito ung nararamdaman ko sa sinabi ni Ben. Nag seselos na galit.

Lumapit ako nahila ko ung damit ni Ben. Para akong galit na galit. Susuntukin ko na sana sya pero...

"Chill ka lang bro! Ano ka ba? Joke lang. Sayong-sayo si Sapphire." tapos natigil na ako. Bat ba ang defensive ko? Gusto ko ba si Sapphire.

"Sorry Ben. Ewan ko ba tong kamay ko. Sorry talaga." sabi ko.

"Ewan ko sa kamay ko. Gusto mo si Sapphire. Yun lang un." tapos tumawa ng malakas si Ben.

Katahimikan...

Mahal ko ba talaga si Sapphire? O gusto ko ba si Sapphire? Ano to, love at first sight? Tsk! Parang pang bakla lang.

"Ligawan mo na!!!" nagulat ako sa sinabi ni Ben. Ligawan agad? Eh hindi pa nga kami mag kakilala ng husto.

"Ulol ka ba? Wala pa nga sa getting to know each other stage eh!" sabi ko.

"Para namang ngayon mo lang sya nakita eh." natigilan ako sa sinabi ni Ben. May point sya, parang ngaun ko lang nakita si Sapphire, eh stalker nga ako nun eh.

"Bahala ka din. Sa huli ang pagsisisi. Sa ganda ni Sapphire eh, baka marami ka pang makaagaw dun." tama sya. Ano ba to?

"Pag-isipan ko." syempre. Kakakilala lang nya sa akin eh. Baka mabigla un.

"Tara kain tayo sa plaza." aya ni Ben. Eto talaga kaka-kain lang namin eh.

Tumango na lang ako. Makalabas nga muna para makapag isip.

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon