¤{Magical 15}¤

3.9K 101 0

Sky's POV

Kasalukuyan natutulog si Sapphire. Si Gab naman ayun kasama yung boyfriend nya. At si Shane, namimili na naman.

Minabuti ko munang iwan si Sapphire sa kwarto nya. May gagawin lang ako.

Pumunta ako sa library. Anong gagawin ko? Malamang magbabasa. Anglan namang kumain ka dito.

Kinuha ko ang libro na tungkol sa Dark Forest. Diba kasi dun natagpuan si Sapphire.

Dark Forest

Malapit ito sa Dark Kingdom. Ang sinomang magtangkang pumasok dito ay hindi na makakalabas pang buhay.

Loko to ah! Sinungaling ata tong libro na to. Paanong nakalabas si Sapphire na buhay?

"Hindi nagsisinungaling ang libro anak." napatalon ako sa gulat. Paano ba naman? Bigla na lang sumusulpot itong librarian.

"Ah eh. Kasi po yung kaibigan ko po ano... Nakalabas ng buhay sa Dark Forest. Eh sabi po kasi sa libro, ang sinomang magtangkang pumasok dito ay hindi na makakalabas ng buhay." sabi ko sa matandang librarian.

Nakita ko ang gulat ng librarian sa mga pinagsasabi ko.

"Totoo iyan anak. Talagang hindi ka makakalabas ng buhay sa Dark Forest kung hindi ka isang dark magic user."

Natigilan ako sa sinabi ni librarian. Paanong nakalabas si Sapphire ng buhay eh hindi naman sya isang dark magic user. Ni hindi nga nya alam na may kapangyarihan sya e.

"Eh librarian bak--

Potek! Nasan na yung kausap ko? Nandito lang yon ah!

Librarian! Wohoo! Nasan ka po???

*Grabe si Ice Princess!*

*Sino kaya ung kausap nya?*

Wahhh! Hindi kaya...

MULTO!!!

Pinilit kong kalimutan ung librarian. Binasa ko ulit yung libro.

Tanging Dark magic users lang ang nabubuhay sa lugar na ito. Sa Dark Forest mo din makikita ang mga bad vampires, sevipers, cyclopes, witches at kung ano-ano pa.

Dark Palace

Pinamumunuan ni Queen Doreena Devonshire. May asawang di makilala ng publiko. May dalawang anak, sila Princess Ane at Prince Black Devonshire. At ang Dark Prince na hindi pa rin nakikita ng publiko.

*End*

Ano ba tong pamilya na to? Mysterious? Sino kaya ang asawa nya at sino ang Dark Prince? Wala ba silang Dark Princess? Tsaka bakit The End na agad eh ang kapal ng librong ito?

Binuklat ko ang natitirang mga pahina pero iba na ang pagkakasulat nito. Pano na to? Di ko na mababasa? Wala namang kwenta tong libro na to.

"Anak, alam kong nagtataka ka. Maraming tanong ang bumabagabag sa isipan mo. Maaari kang magtanong sa akin."

Eto nanaman si librarian. Buti walang tao dito sa library. Natakot ata san akin kasi hindi nila nakikita ang kausap ko. Sinara ko na ung walang kwentang libro at nagtanong na ako.

"Ano pong alam nyo sa Dark Kingdom?" tanong ko.

"Limangpung taon na ang lumipas simula na mabuo ang Dark Kingdom. Dahil sa pagiging sakim sa kapangyarihan ni Haring Zenon Devonshire, ang pinakaunang hari ng Dark Kingdom, nagkawatak-watak ang pamilya nila. Ang gusto kasi ng Hari na sa kanya lang mapupunta ang kapangyarihan ng kanyang mga magulang. Naka parte naman ito sa kapangyarihan subalit mas malaki ang naparte ng kanyang bunsong kapatid na si Haring Hollace Ferguson, ang unang hari ng Magical Elite Kingdom o ang Middle Kingdom"

"Bakit naging malakas si Haring Zenon at nakabuo sya ng kaharian?"

"Pinaniwala nya nag buong Magical Elite Academy na nagbago na sya. At napaniwala nya nga. Lubos ang pagtitiwala ng buong kaharian at ang kanyang kapatid na nagbago na sya. Hanggang isang araw hindi namalayan ng Haring Hollace na naka sa ilalim na ang buong nyang kaharian sa Dark. Nagbago na ang lahat. Pati ang asawa nya at ang mga anak ay naisa ilalim din ng kapangyarihan ni Haring Zenon. Sa ganun, magagawa na nya ang kanyang plano, ang patayin si Haring Hollace, ang kapatid nya. Dahil nga naka sa ilalim ang lahat sa kapangyarihan ng Dark King, madali syang nakapasok sa kaharian ng kanyang kapatid. Hiningi ng Dark King sa kanyang kapatid ang kapangyarihan nya ngunit hindi to nagpatinag. Lumaban ang Light King. Pero nagulat sya na hindi lang ang kanyang kapatid ang papatay sa kanya, kundi ang buong kaharian. Sa huli, nakuha din ng Dark King ang kapangyarihan na inasam-asam nya. Hanggang sa dumating ang ika-limang digmaan na tumapos kay Haring Zenon."

"Ano pong nangyari nung ikalimang digmaan? Sino at paano nagwakas ang buhay ni Haring Zenon.?"

"Ang pinaka unang Legendary Magician. Natapos nya sa isang spell lamang ang Dark King."

"Isang spell? Ano pong spell yun?"

"Isang spell na tanging isang Dark-Light Princess o Prince lang ang makakabangit." ang gulo nya infernes. Sabi ny Legendary MAgician tas napunta sa Dark-Light cho-choo na yun.

"Eh bakit po nabangit ng isang Legendary Magician? Hindi naman sya isang Dark-Light Princess o Prince."

"Dun nagkamali ang lahat." panimula niya.

Mali ang lahat? Imposibleng magkamali ang lahat.

"Isang Dark -Light Prince ang Legendary Magician."

"Paano nangyari iyon?"

"Nagbunga ang pagsasama ng dating asawa ni King Hollace at ni Haring Zenon. Si Zamora Devonshire, ang bunga non. Kaya sya lang ang nakapatay sa sarili nyang ama."

"Paano po ulit nabuo ang dark Kingdom?"

"Babae. Babae mula sa digmaan. Ang kapatid ni Zamora. Si Queen Doreena."

"Ano naman po ang kwento ni Queen Doreena?"

"Haha. Sasagutin ko yan sa Tamang Panahon. Masyado ka nang maraming nalalaman." tapos ginulo nya ang buhok ko.

Ano ba yan. Nakakainis naman si Miss librarian. Potek! Pabitin e

"Sky nandito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap." bungad ni Gab sa akin.

"Gising na si Sapphire. Sabi ng healer pede na daw sya lumabas sa isang araw." sabi ni Shane sa akin.

"Ok na. Salamat nga-- Nasan ka nanaman ba?" para akong tangang naghahanap sa librarian.

"Hoy sino ba kausap mo? Tayo lang namang tatlo ang nandito." tanong ni Gab

"Yahh! May multo ba dito!!! Wahhh!" tapos tumakbo sa akin si Shane.

"Tara na baka iniintay na tayo ni Sapphire." aya ko sa kanila.

Habang naglalakad papalabas nagulat ako ng may nagsalita ulit sa tabi ko, e nasa harap ko si Shane at Gab eh.

"May sikreto pa ang kaibigan mo. Wag ka agad magtitiwala." tapos nawala ulit. Siguro yung librarian un.

Sikreto? Anong sikreto? Kanino? Kanino ako wag magtitiwala?

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon