¤{Magical 27}¤

2.4K 69 1

SAPPHIRE ISABEL'S POV

Magkasama kaming magkakaibigan ngayon. Papasok ng first class, you know? Aral aral din.

Partner patner ang paglalakad NILA.

Shane-Flare
Gab-James
Sky-Blue

Bwiset nga eh. Late na kami holding hands pa rin? T*ng*na.

Kung tinatanong nyo kung sino ung kapartner ko? Dalawa. Dalawa sila.Nakagitna ako kina Ace at Cyriel. Nakakatawa nga si Cyriel eh, di maipinta ung muka tapos si Ace serious. Di ko alam kung bakit ang bagal namin maglakad, e late na nga kami eh. Kanina ko pa binibilisan ung lakad ko pero hinahatak ako ni Ace pabalik. Bwiset!

"Girlfriend mo, Ace?" nagulat ako sa tinanong ni Cyriel kay Ace.

"Hindi. Ka panget nyan eh." tumatawa na sagot ni Ace sabay tingin sa akin. Natawa din si Fire Prince. Mukang may bago na akong kasusuklaman ah.

"Bago ka manghusga ng tao, tingnan mo muna ung sarili mo sa salamin, ah? Gawin mo muna yon." sabi ko sabay irap. Makalayas na nga lang dito.

Lakad. Lakad. Lakad. Bwiset!

"Hoy Sapphire, bawal nilalayasan ang mga gwapong prinsipe tulad ko." sigaw nya mula sa likod.

"Gwapo ka ba talaga? Magtanong ka muna." sigaw ko pabalik.

"LQ nanaman ba?" natatawang tanong ni Flare.

"Hindi. Nakakabuwisit na eh." sagot ko sabay lakad palayo.

Lakad. Lakad. Lakad.

"Sapphire!!!" hinahabol na ako ni Ace. Ok lang yan. Marihapan man lang ung prinsipe.

Lakad. Lakad. Lakad.

"Sapphire!"

T*ng*na!

"Ang duga mo. Gumamit ka nanaman ng kapangyarihan. Pano ka nakatakbo ng ganun kabilis?" tanong ko.

Tinuro nya si Shane na naka peace sign. Tinignan ko sya ng masama. Tapos nilipat ko kay Ace na nakangisi sa akin.

"Naku Shane. Pag ginawa mo ulit yon pangako ko sayo, hindi ka makaka attend sa sarili mong wedding" nakangising sabi ko. Matatawa ka sa naging reaksyon nung mag jowa. Galit na ewan si Flare tapos si Shane takot.

Natawa tuloy ako ng malakas. "Joke lang un Shane at Flare masyado kayong seryoso. Syempre aatend yan sa wedding nyo Flare, sya ung bride eh. Ako bride's maid ah!" natawa naman sila sa kagagahan ko. Pero wait lang... Totoo ba itech? Tumatawa si Cyriel? E alam ko pinaglihi to sa sama ng loob eh, kita pa lang kanina.

"Bakit ka tumatawa? pinapatawa ba kita?" tanong ko sa katabi ko, walang iba kundi ang napaka yabang na prinsipe si Ace.

"Bat ba ang sungit mo? Meron ka siguro talaga." sagot nya.

Binatukan ko ng malakas. Malakas na malakas. Naloloko na ako nito eh.

"Aray ko po! Nagkabukol." daing ni Ace.

Tinignan ko ung ulo nya. Patay ka ngang bata ka. May bukol.

Nakayuko sya habang hinihilot ung ulo nya. Patay ka Sapphire.

"Yari ka Sapphire!" Gab.

"Mas lalo kang gagaguhin nyan." Shane.

"Di ka patatahimikan nyan." Sky.

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon