¤{Magical 51}¤

1.2K 33 12

SAPPHIRE ISABEL'S POV

Dalawang linggo na makalipas yung mission namin. Haha. Tuluyan nang bumalik ang mga Good Vampires sa White Light Clan. Haha. Ang saya ko ngayon. Bakit? Kasi nabalitaan ko na may Kung Fu Tournament dito sa academy. Desidido akong sumali. Ilang years ko na rin hindi nalalabas yung kung fu skills ko. Judge pa yung Lolo ko kaya makikita ko ulit sya.

"Ang saya mo ngayon." bati sa akin ng kasalukuyan kong kasamang si Ace. Babawi ang tae e. "Paki mo ba?" pilit kong ginawang naiinis yung boses ko pero ewan, di ko alam yung nangyayari sa akin. Simula kasi nung umuwi na kami galing sa Vampire's Village siya na laging kasama ko. Di pa yan nakakabawi ah. "Bat ba ang sungit mo sa akin? Pero pag sila Cyriel at Shawn yung kausap mo napakabait mo." naiinis na baling nya sa akin. Haha. Pikon talaga siya kahit kailan. Tsaka nasingit pa nya talaga yung dalawa. Si Cyriel? Ayun ang tahimik at cold pa rin. Nakakainis pa rin sya as always. Si Shawn? Di ko pa sya nakakausap since nung simula nung mission namin. Balita ko naman stay strong sila ni Scarlet at masaya ako para sa kanila. "Tignan mo! Sabi na nga ba't kahit ako kasama mo iba pa rin yung iniisip mo! Nakakasama ng loob!" at ayun nag drama ang g*go! Iniwan nanaman ako? Tss. Sanay naman akong iniiwan e.

E diba nangyari na sa akin to? Iniwan nga nya pala ako dun sa gubat kaya ako nakuha ni Vincent. Tsaka nakita ko pa yung Dark Queen. Dapat pala galit ako dito e. Tinanaw ko ulit si Ace. Infernes ang lapit pa rin nya. "Mapuntahan na nga lang si Shawn. Buti pa yon may pakielam sa akin." nakatalikod na ako at maglalakad sana kaso lang may humitak sa akin pabalik. Sabi na nga ba't di ako matitiis ng mokong na to. "Eto naman joke lang! Akala mo namang--- Sh*t!" shingshangfu? Akala ko si Ace. Nakakainis sya! Di man lang ako hinabol. Nilingon ko ulit si Ace na wala na ngayon. Saang lupalop naman nagsusuot yon ah? "Punta ka sa Headmaster's Office pinatatawag ka." cold nyang sabi sabay alis. See? Nakakainis pa rin si Cyriel as always.

Naiinis akong pumunta sa office. Pinatatawag daw kami. Bakit naman kaya? Wag nyong sabihing misyon nanaman? Ayoko nang ilagay sa panganib yung buhay ko. Tch!

***

Nandito na kami ngayon at assual late yung Headmaster. Lagi naman e. Katabi ko Gab sa left ko at katabi naman nya si Sky. Si Shane naman katabi ko sa right. Hays! Nagkatampuhan kami dahil dun sa pagsigaw ko. Sorry naman di ko kasi napigilan. Naibuhos ko tuloy sa kanila yung galit ko.

"Uy Gab!" kalabit ko sa kanya. Naghihintay ako ng response pero wala. Napabuntong hininga na lang ako. Galit talaga sila sa akin. Kinalabit ko rin si Sky. Pero no response din. Last chance si Shane. "Shane, galit ka ba?" tanong ko sa kanya tapos pinatong ko yung ulo ko sa balikat nya. "Sorry na. Hindi ko naman sinasadya e." dagdag ko pa. Akala ko katulad nila Gab at Sky, akala ko di nya ako papansinin pero yahhoo! Pinansin nya ako mga besh! "Pagpasensyahan mo na sila Gab at Sky. Madamdamin masyado. Sorry rin Sapphire." napangiti ako sa sinabi ni Shane. Niyakap ko sya ng mahigpit. Sa kanila na nga lang ako kumukuha ng pag-asa galit pa sila sa akin.

Nakita kong sumisilip si Gab at Sky sa aming dalawa ni Shane. Haha. Maingit silang dalawa. Ayaw nilang makipagbati e. "Sorry na rin Sapphire." hindi rin natiis nung dalawa at niyakap na rin nila ako. Haha. Sa sobrang dyosa ko kasi walang makakatiis sa akin.

Magkayakap lang kami hanggang dumating yung Headmaster. Bakit ba late sya tuwing sya rin ang nagpapatawag ng meeting? Pero pag iba ang aga nya? Bahala na nga.

"Sorry kung nalate ako." may magagawa ba yang sorry mo? Try mo kayang agahan minsan? "May announcement lang ang Magical Elite Academy." syempre. Papatawag ka lang ba na trip-trip to? "May gaganaping Kung Fu Tournament dito sa unang linggo ng full moon." alam na namin! Naunahan pa kita! Partida nay sakit pa ako. Natawa na lang ako sa kagagahan ko. Haha. "Ms. Cortez any problem? Bat ka tumatawa dyan?" seryosong sabi ni Headmaster kaya napailing ako. Nakita kong ngumisi si Cyriel. Hinayupak talaga to! May pinanagmanahan e. Pinagpatuloy na lang nya yung discussion tungkol dun sa event. So bale yung pinaka main event mangyayari sa unang linggo ng full moon. Tapos may prelims. Tapos mamimili ang nga Kung Fu Masters, kasama ang Lolo ko nang mag aadvance sa finals. Tatlo lang daw ang pipiliin.

And guest what? Hall of famer ang bugok! Sino pa edi si Cyriel! Di pa sya natatalo ng sinoman. Tas laging pangalawa si Ace. Haha. Wala palang binatbat e. Tsaka babawiin ko na yung sasali ako, nakakatakot na e. Mabalian ako ng buto ni Cyriel ng wala sa oras kasalanan ko pa.

Sa wakas natapos na yung meeting namin na yun lang yung napag usapan. Tapos may General Academy Assembly bukas. Kung tinatanong nyo yon kung ano yon wala rin akong alam. Hello? Akala ko Flag Ceremony lang yon katulad sa Mortal World. Di naman pala. Hays! Marami pa talaga akong di alam sa otherworld.

ACE'S POV

Nakakainis! Nakakainis talaga! Ayan nanaman yung Kung Fu Tournament. E peste di nanaman ako mananalo e! Lagi namang si Cyriel! Masyado kasing pasikat si ex bestfriend e. Ayaw nagpaparaya! Gusto lahat sa kanya.

Isa pa! May General Academy Assembly bukas! Kung gusto nyo malaman kung ano yon, bukas na! Pero di nyo magugustuhan. At baka di rin magustuhan ni Sapphire.

Shete naman oh! Nasingit pa yon?! Nakakainis rin yung babaeng yon e nalingat lang ako may kasama ng iba. Tsaka bakit parang gusto ko syang nasa tabi ko lang? Diba dapat tinataboy ko na sya kasi nalaman kong gumagamit sya ng black flames? Pero bakit di ko magawa?

Ganun na ba sya kahalaga sa akin?

_____________

Parteh parteh ang Team Ace dyan! Haha. May momentum yung dalawa di nga lang maganda kinalabasan.

Pero ano yung sinabi ni Ace? Mahalaga daw sa kanya si Sapphire? Oy Fantasy to di Romance Ace. Haha.

Haluuu. Sorry ngayon lang ang updatee. Patawad sa inyo mga Elites.

So ayun I'm backkk! Sana may mga naghihintay pa rin sa akin. Huhu.

Click vote and comment! See you hanggang next chapterrr!

Saranghaeyoooo!

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon