¤{Magical 49}¤

1.5K 38 8

Im backkkkkk!!! Salamat sa mga naghintay nang update kooooo!!!! Enjoy!!!!

SAPPHIRE ISABEL'S POV

Paksh*t! Bakit ba ang ingay?! Nasan na ba ako?

Bumangon ako nang sumasakit pa yung ulo ko. Sh*t naman oh! Nasan ba ako? "Nandito ka sa Vampire's Village." nakangiting sabi sa akin nang isang babae sa akin. "Humiga ka muna at magpahinga. Hindi mo pang lubusang nababawi ang lakas mo." sabi pa nya sa akin kaya sinunod ko naman. Saang lupalop naman nang otherworld yung sinasabi nyang Vampire's Village? Tsaka sino sya at sino at nagdala sa akin dito? "Nakwento sa akin ni Vincent na ikaw ang nagpagaling sa kanya gamit ang white flames. Pano mo nagawa yon Sapphire?" natigilan ako sa tanong nya. "Inisip ko lang po na kaya ko." sagot ko lang. Napatango-tango na lang sya atsaka ningitian ulit nya ako.

Natahimik kami bigla. "Alam mo bang mahal na mahal ni Vincent yung kapatid nya? Lagi silang magkasama at masayang naglalakbay sa Magical Elite Academy." nakangiting kwento nya sa akin habang pinupunasan yung mga sugat ko. Nanatili akong nakikinig sa kanya. "Hanggang isang araw naglaho na lang ang kapatid nyang parang bula. Kasabay noon naglaho na rin ang masayahin at makulit na Vincent. Nabalot nang poot at galit ang puso ng anak ko." nakaramdam ako ng guilt. Parang sa bawat salitang binabangit nya bumabaon sa puso ko. "Sana wag kang magalit sa ginawa ni Vincent at nang mga Good Vampires. Pinili naming sumanib sa Dark sa kadahilanang madadala nila kami sa hustisya naming inaasam. Nagkamali kami." tuluyan nang tumulo ang luha nya. Alam kong masakit mawalan ng mahal sa buhay. "Okay na po ako. Ako po sana ang mapatawad nyo. Ako po ang humihingi ng tawad." sabi ko. Napangiti naman sya sa sinabi ko at tumango-tango.

Ginamot na lang nya yung sugat ko hanggang sa natapos na. "Sana nandito yung kapatid ni Vincent. Tiyak matutuwa sayo iyon." nakangiting sabi nya sa akin atsaka umalis na.

Pagkaalis nya napangiti ako ng mapakla. Shemay lang! Ang hirap pag nakokonsensya na. Tss.

Matutulog na lang sana ako ng biglang may pumasok sa kwarto ko. Yess! May kwarto dito. Katamtaman lang yung laki pero sapat na para sa isang tao. "Nakakaistorbo ba?" tanong nya sa akin. Geez! Isrorbo sya kahit kailan. "Hindi." sagot kaya nagpatuloy na sya sa pagpasok. Umupo sya sa tabi ko. Chineck nya kung may sakit pa ako. Tapos kung ano ano pa yung ginawa nya sa akin. "Okay na ako. OA mo." inis kong baling sa kanya. Inismiran lang ako. "Di ko alam kung bakit kita tinulungan e ikaw yung pumatay sa kapatid ko. Tss."

"Ako rin. Di ko alam kung bakit sinama pa kitang lumabas sa Dark Kingdom. Dapat pala iniwan na kita don e. Tss." ginaya ko yung tono ng pananalita nya. Nakakabanas kasi e. Tapang nang hiyang manumbat. "As if namang kaya mong mag isa. Di mo nga kaya yung sarili mo e." inis nyang baling sa akin. "Vincent kung hindi bukal sa loob mong tumulong bakit mo pa ako dinala dito?" tanong ko sa kanya. Napailing na lang sya. Wala naman palang binatbat e. "Dahil magaling ka na sasamahan mo ako." nakangiting sabi nya at hinitak ako patayo ng kama. No choice kundi bumangon kahit gusto ko pang matulog.

***

"San ba kasi tayo pupunta?" well. Kanina pa kami paikot ikot dito at inabot na kami ng gabi dahil doon. Kanina ko pa sya tinatanong pero ayaw nya naman akong sagutin. "Wag ka kasing atat Sapphire. Malapit na tayo." for 100 times na niya sinabi yan. Yan lagi yung sagot nya. E ngawit na ngawit na ako kakalakad e.

Sinundan ko na lang sya hanggang makarating kami sa isang madilim at masukal na lugar. Tapos may pinasukan kaming parang bahay pero ang creepy lang nang pakiramdam ko. Para kasing may sumusunod sa akin e.

"Nasan na tayo?" tanong ko sa kanya nang huminto kami sa isang dambana na pagkalaki laki. "Mag sorry ka sa kapatid ko." sabi nya na ikinalaki ng mata ko. Dinala nya ako dito para lang humingi ng tawad sa kapatid nya. "Seriously? Dinala mo ko dito para dyan?" Tumango sya as response. Wala na akong ginawa kundi lumapit doon at magsimulang magsalita. "Hoy kung sino ka mang kapatid ni Vincent sana mas mabait ka kaysa sa kanya. Alam mo bang ang sama sama sama ng ugali ng kuya mo? Alam mo bang sinugal pa nya yung buhay namin para sa buhay. Maswerte ka mahal na mahal ka ng kapatid mo." panimula ko. Tinignan ko si Vincent na tahimik na nasa tabi ko at nakapikit. Siguro humihingi sya ng sorry sa kapatid nya. "Sorry nga pala sa nagawa ko. Masaya sana kayo dito kung di ka umepal. Haha. Joke lang. Peace tayo brother. Sana kung nasan ka man napatawad mo na ako. Sana hindi ka na galit sa akin. Para happy na yung kuya mo." di ko napigilang umiyak dahil sa speech ko. "Hoy asa ka namang umiiyak ako dahil sayo! Umiiyak ako kaso ikaw pang yung naiyakan ko sa lahat ng napatay ko. Haha. Siguro naman napatawad mo na ako no? Sige na! Aawayin ko pa yung kuya mo. Sana guide mo yung kuya mo sa tamang landas ah. Bye!" natawa na lang ako sa kadramahan ko. For the first time may naiyakan na ako.

"Talagang aawayin mo pa ako?" nagulat ako ng nasa tabi ko at nagsalita si Vincent. "At wag natin kalimutan yung linyang ' Umiiyak ako kaso ikaw pang yung naiyakan ko sa lahat ng napatay ko.' So marami ka nang napatay?" Too bad!" at inasar pa talaga ako. Natawa na lang ako kasi ngayon ko lang na realize yung mga pinagsasabi ko kanina. "Ang bait ko noh?" tanong ko sa kanya. Haha. Ang bait ko talaga. Hindi sya sumagot at saka naglakad papalabas. Tsk! Nagiiwan talaga sya.

Lalakad na sana ako kaso lang bigla akong nakaramdam ng hilo. Sh*t! Ito nanaman yung feeling na binibiyak yung ulo ko. Hindi ko na nakita kung anong nangyari kasi biglang nag blurd at napunta sa isang paraisong maganda.

Nilingon ko yung paligid ko. Parang napuntahan ko na to pero di ko maalala kung kailan. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang may nakasalunong akong isang pamilyar na mukha. Di ako pwedeng magkamali. Sya yon. "Dark-Light Princess" siya yun yung kapatkd ni Vincent. "Kailangan nyo nang umuwi ni Kuya..." panimula nya. Nagtaka naman ako. "Bakit naman?" tanong ko sa kanya. "Nanganganib ang buhay nyo ni Kuya. Nalusob na nang Dark side ang Vampire's Village at hinahanap kayo ng Dark Queen." natigilan ako sa sinabi nya. Ganun kabilis nakarating ang Dark Side? Tinignan nta ulit ako at ningitian. "Kailangan kayo ng Vampire's village. Lalo ka na  Sapphire." Magsasalita pa sana ako kaso lang bigla silang nawala. Pero may isang salita muna syang sinabi. "Mag-ingat kayo. At napatawad na kita."

Nabalik ako sa realidad ng buhusan ako nang tubig ni Vincent. Gabi na kaya malamig na. Isama mo pa yung tubig. Shhh. Ang lamig. "Ano bang problema mo?" inis kong baling sa kanya. "Hinimatay ka kasi at ayaw mong magising kaya nagbakasakali ako." katwiran nya. Naalala ko yung sinabi ng kapatid nya. "Hoy nakausap ko yung kapatid mo!" sabi ko sa kanya. Natigilan sya at napatingin sa akin. "Anong sinabi?" Napabuntong hininga na lang ako. "Nalusob na daw ng Dark Side ang Vampire's village. At hinahanap na daw tayo ng Dark Queen!" natatarantang sabi ko. "Bwiset naman oh! Bat ngayon mo lang sinabi?! Baka wala na tayong maabutan don?!" sabi nya. Di ko na sya pinansin at binilisan na naming bumalik sa village.

Hingal na hingal kaming nakarating don pero huli na ang lahat. Damaged na. Wala nang natira. Tinignan ko si Vincent na nag aalala. Hinawakan ko sya sa kamay na para mapakalma sya. Nginitian ko sya.

"Kamusta naman kayo Sapphire at Vincent?" automatic na napalingon kami sa likod namin. Nandoon ang Dark Queen at ang isang kawal nya ay hawak hawak ang nanay ni Vincent. Nagulat ako ng bigla ako hawakan nung isa pang kawal nya. Sabi na nga bat mangyayari to. Ngayon dalawa na kaming bihag.

"Kailan ka ba titigil?" tanong ni Vincent. "Hindi ka na nga sumunod sa usapan e." dagdag pa nya. Napangisi ang Dark Queen. "Mamili ka Vincent, ang nanay mo o si Sapphire?"

___________________

Yaan na poooo!!! Madaming votes and comments pooooo!!!

Kitakits sa next chapieeee!!!

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon