¤{Magical 32}¤

2.3K 63 1

DARK QUEEN'S POV

Dark Kingdom...

"Mahal na reyna, pinasisimulan na po ng anak nyo ang unang paglusob sa Magical Elite Acadaemy." pagbabalita sa akin ng isang alagad namin.

Napangiti ako sa nabalitaan ko. Talagang maasahan ko ang anak ko.

"Maari bang sabihin mong walang mamatay sa ating mga kampon. At wala ring papatayin sa Academy. Tatakutin lang natin sila." sabi ko.

Tumango naman sila. Bago umalis yumuko muna sila sa amin.

"Wala ka talagang ipapatay?" tanong ng asawa ko na kasalukuyang katabi ko.

"Wala muna sa ngayon. Gusto ko munang pahirapan sila katulad ng ginawa nila sa akin." sagot ko.

"Paano mo mababawi ang anak mo?" natigilan ako sa tanong nya.

"Papahirapan ko din sya. Maaring sa akin sya sumama." ako.

"Kung yan ay kagustuhan mo pero tandaan mo sya ang kailangan natin sa digmaan upang matalo ang Light White Clan." paalala nya sa akin bago umalis.

Napaisip ako sa kanyang mga sinabi. Marahil sya nga ang aming kailangan para matalo ang White Clan.

Tsk! Pag nalaman naman nya kung ano ang ginawa sa kanya ng White Clan siguradong poot at galit ang mananaig sa kanya.

Kung nagtatanong kayo kung sino ako, Ako si Dark Queen Doreena Devonshire. Ang nag iisang magulang ni Sapphire Isabel Cortez, at sisiguraduhin kong sya ang susunod na Dark Queen.

SAPPHIRE ISABEL'S POV

"Methrowwer" (Walang maisip na spell si awtor eh. Sorna.) pag cast ng spell ni Cyriel kasabay nun ay pagka abo nung isang choo choo creature na nakapalibot sa amin.

"Anong gagawin ko?" natatakot kong tanong kay Cyriel.

"Magpatiwakal ka na lang kaya. Ikaw yata hanap nila." tama sya. Wala man lang nakikipaglaban dun sa ibang students at kay Cyriel. Lahat sila sa akin lang naka focus.

"G*go! Hahanapin ko pa ung forever ko eh." sagot ko. Natawa na lang sya.

Pinagpatuloy na lang ni Cyriel ung kagaguhan---este pag cast nya ng spell na di ko maintindihan.

Hindi ko alam kung bakit ako ung gusto nilang atakihin. Para bang may nagko kontrol sa kanila isa isa.

"Sapphire takbo!!!" yan na lang ang narinig ko kay Cyriel na ngayon ay mukang dehado na. No choice tumakbo ako.

Takbo.

Takbo.

Takbo.

"At saan ka pupunta?" tanong nung nakaharang na lalaki sa harap ko.

P*tang*na! Dead end na.

"Sino ka?" tanong ko. Ngumisi lang tong t*ng*nang lalaki na to sabay tingin sa akin, mata sa mata.

"Di mo talaga ako kilala?" o sige kuya. Wag mong gamitin utak mo. Kaya nga tinatanong ka kung sino ka eh.

"Sapphire!" rinig kong tawag ni Cyriel. Nilingon ko sya ang I mouthed "sandali lang" tapos binalik ko na ung tingin ko sa gungong na lalaki na to slash bobo at tanga pa.

"Tanga ka ba o sadyang bobo? Kaya nga tinatanong ko kung sino ka eh, itatanong ko ba kung kilala kita?" teka! Linya ata ni Cyriel ung una kong sinabi eh. Ayaan na nga.

"Di mo talaga ako kilala?" t*ng*na! Pigilan nyo ko! Ga*o din tong lalaki na to eh. Paulit ulit?

"P*tang*na kuya! Tatanungin ba kita kung sino ka kung kilala kita?" tanong ko sabay lakad papaalis kaso lang mukang mas mabilis din tong si kuya eh.

Magical Elite Academy: School of Legendary MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon