[72] Still The Same Jessica Jung

Start from the beginning
                                    

Tinitigan lang siya ni William pero ilang minuto ang lumipas, dahan dahan rin itong tumayo ng tuwid.

Hindi niya akalain na kaya itong gawin ng Isang 'William Jung' ang lumuhod sa kanya at magmakaawa na huwag iwan ang anak niya. Hindi siya maka paniwalang ang isang William Jung.

Nirerespeto, sinusunod at kinakakatakutan ay luluhod sa harap niya. Totoo nga, lahat ng magulang gagawin ang lahat para sa kani-kanilang mga anak. Mahirap 'man ito o maginhawa gagawin at gagawin parin nila kahit na anong mangyari.

Dahan dahan lumapit sa kanya si William at niyakap siya. Sa pagkakataon na ito ay pakiramdam niya nagkaroon siya ng isang ama. Sa yakap na yon ay naramdaman niya ang dating buhay niya.

Kinagat niya ang ibabang labi niya upang pigilan ang panggilid ng mga luha niya.

Tinapik tapik ni William ang likod niya. "I know you're a good son... Alam kong mabuti kang tao, noon pa 'man." Mahinang sabi ng ama ni Jessica pero sapat na 'yon para marinig niya.

Dahan dahan siyang kumalas sa yakap at tumalikod agad. Humugot siya ng malalim na hininga. "I'll think about it, Sir." Ika nito at wala ng piniling oras na lisanin ang lugar na kinatatayuan niya.

Naiwan na lamang mag-isa doon si William na naka titig na lamang sa pinag-labasan niya. Unti unti siyang napa ngiti ng tipid. Itinaas niya ang kaliwang kamay sa ere upang tignan ang Wedding ring niya.

"I will do everything.." Mahina niyang sabi at ngumiti ng payak.

**

[Jessica]

Pangalawang araw na ito sa tatlong araw na hiningi ko mula sa kanya. Ito ang gusto niya, at hindi naman niya ito gagawin kung hindi ko kasalanan e. Kasalanan ko naman talaga ang lahat.

Kung hindi ko sana nilihim sa kanya ang matagal ko ng alam, ode sana. Hindi ganito.

Pero kung sinabi ko na ba agad sa kanya ang totoo? Pipiliin niya ba kayang iwan ako? Hindi mo rin kasi masasabi kung ano ang pwe-pweding mangyari sa isang desisyon mo, It's either na maging maganda o masaklap.

Pero wala naman lihim na hindi na bubunyag. Lalabas at lalabas pa din.

"I'm home.." Malumanay niyang bati. Lumingon agad ako sa kanya at bahagyang ngumiti.

Deretso ang titig niya sa akin habang papalapit siya. Galit ba siya? Umusbong agad ang kaba sa dibdib ko habang papalapit siya.

Hinawakan niya agad ang mag-kabila kong pisngi bahagya akong naatras dahil sa inasta niya. Bumaba ang tingin niya sa labi ko at walang sabi sabing inangkin 'yon, hindi naman lasa bibig niya ang alak at mas lalong hindi siya amoy alak.

Hindi ako nakaalma habang patuloy parin siya sa pag angkin ng labi ko. Di ko magawang tumugon dahil sa gulat sa pangyayari.

Bumaba ang halik niya sa leeg ko. At mas lalong nakapag panindig balahibo ako doon. Lasing ba siya?

Pero hindi naman e. "A-uhm. Kris, lika ng kumain ng Dinner. Mamaya na-- Hmmp." Muli niyang inangkin ang labi ko.

Sa hindi nga ako tumutugon, tumigil siya sa ginagawa niya at hingal ito. Naka yuko siya at dahan dahan akong tinitigan sa mga mata. Di ko alam pero meron nag undyok sa akin na titigan ang mapupungay na mga mata nito.

Where is True Love [BOOK 1] COMPLETED Where stories live. Discover now