YOURS TRULY
"Tyler, ikaw naman 'yung kumanta!"
Napalingon kami nila Tito Harvey. Katatapos lang naming mag meryenda kaya naisipan naming magpahinga muna sa cottage kasama si Tyler. Sila Daddy naman ay nandoon pa rin at panay kantahan sa videoke.
Umupo ako ng tuwid sa upuan. Nilingon ko si Tyler sa tabi ko na abala sa pagkalikot ng phone niya. Humalukipkip ako sa lamig na nararamdaman. Bumaling ako roon sa dagat at nakitang naliligo na sila Stacey at Ruther doon.
"Ang KJ niyan e!"
Rinig kong ani ni Tito Harvey sa micropono na ikinatawa ko naman. Nagsitawanan rin ang pamilya ni Ate Han. May ibang nagpresinta naman upang kumanta. Malaki ang cottage na inoccupy namin ngayon. Nasa kaliwang bahagi kami ni Tyler habang sila Daddy naman ay nasa kabila at nag v-videoke. Nakalapag na rin ang mga pagkain doon sa gitna ng malaking mesa para hapunan mamayang gabi.
"I won't."
Rinig kong bulong ni Tyler sa sarili niya kaya napalingon ako sakanya. Nakakunot noo siya at ibinaba ang phone. Bumuntong hininga ako at tumayo sa kinauupuan.
"Daddy, alis muna ako."
Sabi ko kay Daddy na papalapit doon sa mesa at kumukuha ng soda. Bumaling siya sa akin.
"Saan ka pupunta?"
Tanong niya sa akin.
"Maglalakad lakad lang doon." Sagot ko naman.
"Huwag pumunta sa malayo, okay?" Pamuna niya.
Tumango naman ako. Inayos ko ang aking scarf at naglakad paalis doon sa cottage. Pinasadahan ko ng tingin ang isla. Maputi ang buhangin at talagang kaakit-akit ang paligid. Humalukipkip ako at mas lalong napayakap ang sarili sa naramdamang lamig ng hangin.
Naglakad lakad ako at napadpad sa likurang bahagi ng isla. Tinignan ko ang aking wristwatch at nakitang alas singko y media na ng hapon. Malapit ng magtakip-silim. Nagmuni muni muna ako habang nakatingin sa dagat.
"Ang lamig dito a. Hindi ka ba nakadala ng jacket?"
Napalingon ako sa aking likuran. Nakita ko si Tyler na papalapit sa akin. Kumalabog ang puso ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko sakaniya. Bahagya lang siyang sumulyap sa akin at tumingin sa dagat. Tumabi siya sa akin habang nakapamulsa. His hair is slightly messy. Dahil na rin siguro sa lakas ng ihip nang hangin.
"Ang ganda ng dagat."
Maya maya pa'y nasambit ko. Ang lawak ng dagat at tanging makikita mo ay ang marahan na paghampas ng maliliit na alon patungo sa dalampasigan. It dominates the scarlet red skies.
"Yes. Just like you."
Nabasag ang katahimikan nang magsalita si Tyler sa tabi ko. Nang ibaling ko ang aking paningin sakaniya ay nakita kong nakatingin na siya sa akin. Bumilis ang pintig ng puso ko at bumigat ang aking paghinga. Pakiramdam ko ay may bumabara sa aking lalamunan at hindi ko mawari kung ano iyon.
Tila may kung anong sumanib sa sistema ko at hindi ko magawang umiwas sa paningin niya. Doon ko nakita ang malalim na emosyong dinadala niya. Isinisigaw pa rin nito ang pangalan ko. Pakiramdam ko'y nakikita ko ang replika ng aking sarili sa mga mata niya. Huminto ang pag ikot ng mundo ko at tuluyan kaming nagkatitigan.
Halos malagutan ako ng hininga nang hinawakan niya ang kabilang kamay ko. Gulat na napatingin ako roon ngunit agad ring napawi nang hawakan niya ang aking baba dahilan upang maiangat ko ang aking tingin sakaniya.
YOU ARE READING
Candle of Placid Concussion
General FictionStand-Alone #1: Quendrin Ysabelle Madriza is an undeniably tantalizing milady in various deeds that she often does in life. No man is an island knows that she is still that young woman who has been haunted by the dismal and heart-wrenching tragedy o...