Kabanata 11

192 12 0
                                    

         THE GAME IS OVER

"I can't believe you did it, bunso."

Nakanguya ng chocobar si Kuya Henrix sa harap ko. Bahagyang kumislap ang mata niya at ngumiti. Nagkibit balikat ako at tumingin sa kawalan. Naiisip ko na naman ang nangyari kahapon. Kung hindi lang sa tulong ni Attorney Centerde hindi namin maipapababa yung kaso na sinampa samin ni Mr. Okinawa.

"Not with the help of Attorney Centerde."

Ani ko at kumuha ng isang pie sa plato ko. Napatingin naman sa akin si Kuya at bahagyang ngumuso.

"Pansin mo si Mom? Kulang nalang mangkalbo siya ng tao tuwing magkasama si Attorney Lucy at Dad. "

Humagalpak ako ng tawa sa sinabi ni Kuya Henrix. Tama siya. Naaalala ko na naman yung mukha ni Mom nung nasa bahay pa kami. That was hilariously epic, sa totoo lang.

"Selosa lang talaga si Mom. Ninanamnam agad ang bawat galaw ni Dad."

Pabiro at marahang sambit ko. Nakita ko naman ang bahagyang pagngiti ni Kuya at tinaasan ako ng kilay. Mas lalo akong tumawa. Para siyang isang baklang nandidiri. Napailing na lamang ako. Kahit kailan napakadirty-minded talaga ng mokong na ito.

Napatingin ang iilang mga tao sa akin. Nasa isang restaurant kami buong magdamag simula pa kaninang umaga. Wala kasi kaming klase ngayon tapos vacant day ni Kuya kaya naisipan naming magtambay muna rito sa Hobbles Dune restaurant ng Tita Ekrezyl namin. May restaurant kasi sya dito sa Cagayan de Oro City.

"Why did Mom acted like that? Hindi naman siya ganyan dati. Remember, almost 9 years na nating abogada si Attorney Centerde since elementary ka pa at hanggang ngayon wala pa ring asawa."

Sabi ni Kuya at ininom ang frappucino na nasa harapan niya. Napailing nalang ako. May punto si Kuya doon. Nagtataka nga ako kasi simula noon hanggang ngayon wala pa ring asawa yung tao. Selosa lang talaga si Mom.

Nagkibit balikat ako sa sinabi ni Kuya Henrix at nilapag ang fruit soda na ininom ko.

"I wonder if she's still a virgin."

Mahinang bulong ni Kuya sa sarili na ikinalaki ng mata ko. Napatingin naman siya sakin at tumawa ng malakas.

"Huy letse ka! Pag narinig tayo ni Tita dito papatayin talaga kita!"

Inabot ko ang braso niya at sinapak sapak. Todo ilag naman sya at tawa lang ang iginanti. Nakakainis talaga itong kapatid ko.
.

"Hala sila! Anong hindi dapat kong marinig? May kailangan ba akong malaman dyan?"

Napatigil ako at tumayo ng upuan. Umayos ako ng tayo at nakangiting hinarap si Tita. Nilapitan niya agad kami sa aming pwesto.

"Hello, Tita. Nice too see you again."

Ani ko. Nagbeso beso kaming dalawa. Hinapit ni Tita ang baywang ko at pinaharap kaming dalawa sa bandang pwesto ni Kuya. Nakita kong tumayo si Kuya at hinalikan sya sa pisngi.

"How's the work, Rix? Kumusta nga pala yung kaso sa korte?"

Binitawan ako ni Tita. Lumapit ako kay Kuya at tumabi sakaniya.

"Fine, Tita. I got numerous number of clients per day. Yet, unexpectedly, kailangan ko pa ng maraming reviews, records and rated performances bago maging isang ganap na manager."

Humalukipkip si Tita sa sinabi niya kaya napatingin agad ako sa mukha niyang nakakunot noo. I remember the time when Tita offered him a request to become her assistant manager in her company including Hobbles Dune. Si Kuya nasobrahan yata pagka topak at baliw kaya nag editor in chief — ang pinaka ayaw kong pasukan na trabaho kung sakaling matapos na akong mag aral. Nakakabwisit rin kayang mag proofread.

Henrix Hovard Madriza wants to prove that he is independent enough to stand by his own feet without the clouded factity of other people.

"You are a Madriza, they should have known that. The sooner you become the manager, the more opportunities would hover in your fortune."

Hindi umimik si Kuya sa sinabi ni Tita. Hindi nalang rin ako nagsalita. Kinalabit ako ni Tita kaya napatingin ako sakaniya.

"Musta sa korte?"

Ngumiti ako ng malapad. Nanlami ang mata ni Tita at bahagyang napatakip ng bibig sa pagkagulantang na reaksyon.

"Goodness! What a good news."

Niyakap ako ni Tita. Si Tita Ekrezyl ay ang bunsong kapatid ni Mom at isa rin sa pinakamalapit niyang kapatid sa walong myembro ng kanilang pamilya. Siya lang ang nag iisang kapatid na wala pang anak ngunit may asawa sa New York na si Tito Axe. Alam rin ni Tita ang nangyari tungkol sa kaso ni Dad laban kay Mr. Okinawa at alam rin niyang ako ang witness ni Dad sa aksidente.

****

Candle of Placid ConcussionWhere stories live. Discover now