Kabanata 36

69 8 0
                                    

NICHE: ENDLESS

"Buti naman at nakarating kayo dito, Rix. Kanina pa namin kayo hinihintay."

Ani nong matandang babae atsaka bumitaw ng yakap sa kanila dalawa at nginitian. Nakaramdam ako ng pagkailang noong mapatingin ang ibang tao sa akin sa loob ng opisina. Napasalikop ko na lamang ang daliri ng aking magkabilang kamay. Bumaling sa akin ng tingin si Ate Han at nilapitan ako atsaka inakbayan. Sabay kaming naglakad papalapit sa pwesto ng babae at kay Kuya Rix. She must be Mother Terresa.

"Mother Terresa, ito po ang kapatid ni Henrix. She's Quendrin Ysabelle Madriza."

Ani ni Ate Han habang nakangiti. Bahagya niyang pinisil ang pisngi ko kaya napangiwi ako. Narinig kong sumang-ayon si Kuya Rix at hilaw na ngumisi kay Mother Terresa kaya palihim akong umirap sa kawalan. Alam na alam niya talaga kung paano ako inisin ng biglaan.

"Kumusta ka, hija? Balita ko may boyfriend ka na raw sabi ng Kuya mo."

Nakangising ani ni Mother Terresa kaya natigilan ako at nalaglag ang panga. Napatingin ako kay Kuya Rix at tinaasan siya ng kilay. Tumawa lang siya at iling-iling na inilipat ang tingin kay Ate Han atsaka kinindatan ito.

Tinapik ni Ate Han ang balikat ko kaya napatingin ako sakaniya. She is giving me some limpid gesture that I should ignore this useless moron.

"Nevermind him, Mother. Nga pala, anong oras magsisimula ang programme?"

Kaswal na tanong ni Ate Han habang inaakbayan pa rin ako. Ngumiti si Mother Terresa at ibinaling ang paningin sakin atsaka tumingin ulit kay Ate Han.

"Hours afterwards, may kaunting sponsors at staffs lang tayong aantayin."

Ani ni Mother Terresa at tumalikod na sa amin. Sumunod naman ng lakad sakanya si Kuya Rix malapit doon sa table. May dalawang babae ang nakaupo doon sa swivel chairs na katabi ng desktop na ginamit ng mga staffs na nakaupo sa harap non at tutok na tutok sa screen. Feels like this place is full of hectic errands.

"Rix! Han!"
"Hello guys!"
"Welcome back! I thought you two would not come here."

May nagsilapitan na babae at dalawang lalaki kay Kuya Rix habang masaya at masiglang nakikipagkamustahan sakaniya. Umiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko ako lang tuloy ang naiiba dito.

"Who is she?"

May lumapit na babae sa amin ni Ate Han. Tumawa si Ate at nginitian ang babae. Ibinaling ko nalang sa ibang direksyon ang aking paningin. Sana may kapangyarihan akong makilala ang mga taong hindi ko kilala sa isang kindat lang ng mga mata para malaman ko ang mga pangalan nila.

"Rix's sister, Quendrin."

"Hoy, Rix! Bakit hindi mo sinabing may kapatid ka palang maganda rito?"

"Pwedeng manligaw? Anong pangalan mo?"

Isa isa nang nakiusisa sa pwesto namin ang iba. Naghilaw na ngisi lamang ako at hindi sila inimikan. I can't take this forever. Ang awkward sa pakiramdam. Lumapit si Kuya Rix sa amin at hinila ako mula sa pagkakaakbay ni Ate Han sa akin at inakbayan ako. Bahagya niyang ginulo ang buhok ko at ngumiti sakanila.

"Sorry guys, she's not available anymore."

Ani ni Kuya Rix at tumingin sakin gamit ang mapang asar na ngiti. Napabuga ako ng hangin at binigyan siya ng malamig na tingin atsaka bumitaw at umusod ng kaunti palayo kay Kuya Rix. Nakakarami na talaga siya. Kanina pa ako naiinis.

"Nice to meet you, Quendrin! I'm Casey."

Ngumiti ako at nakipagkamayan sa babaeng nasa harap ko. Napatingin ako sa gilid ng may biglang kumalabit sakanya.

"Hello, Quen! Baguhan ka ba rito?"

Nahihiya akong ngumiti ng matipid at tumango. Hindi ko alam kung bakit napaka friendly ng mga tao dito atsaka para bang wala silang problema kasi halos silang lahat mga pawang nakangiti at hindi mo mahahalata sa mga mata nila na may sariling dinadamdam sila.

"Hey, Vanessa! Tulungan mo naman si Kris sa files. Marami pa ring errors."

Napalingon ako sa mga nandun sa harap ng desktop sa akin. Maybe the one who talked to me was Vanessa. Bakit ba ang busy nila ngayon? Gaano ba ka engrande ang party mamaya na pati sila Ate Han ay nagpasyang dumalo talaga dito? Lastly, what's our connection to this orphanage?

"Dawin! Ikaw muna mag edit ng documents, please. Ang sakit na ng mata ko."

Nagkagat labi ako habang pinanood silang nagsisinghalan. Nasulyapan kong napatingin sila Mother Terresa sakanila na kasalukuyang nakikipag usap kay Ate Han at Kuya Rix. Nakita kong ginulo ng babaeng naka-eyeglass ang buhok niya habang nakaharap sa desktop. Nagdalawang isip akong lumapit doon at tignan ang ginagawa nila.

"Chill, Graceen. Ang bagal mo naman kasi sa proofread e! Sana hindi ka nalang nag volunteer."

Reklamo nung Dawin at lumapit sa akin. Halos malaglag ang panga ko ng mapansing halos lahat pala sila dito ay may hitsura. Flawless ang kagwapuhan at kagandahan. Pero wait, did I hear it wrong? Were they immensely arguing proofreading a file of documents?

"Huwag niyong pag awayan iyan."

"Kasi naman Mother Terresa, kanina pa siya diyan pero hanggang ngayon hindi pa rin siya tapos sa task niya."

"Hayaan niyo na, Kris. Atsaka doon ka nalang muna sa labas. Magpahinga ka na muna, hija. Kanina ka pang umaga nakababad diyan sa screen."

Ani ni Mother Terresa habang nakatingin sa babaeng nagngangalang Kris. Tinignan ko siya at nakitang malungkot ang mukha niya na para bang nadidismaya siya sa pagpapaalis sakaniya ni Mother Terresa sakaniyang kinauupuan. Lumapit na ako sa pwesto nila kaya napatingin sila sa akin. Bahagyang nanlamig ang kamay ko ngunit pinilit kong balewalain muna sa ngayon. Magsasalita na sana ako nang dali-daling lumapit si Ate Han sa akin.

"Let Quen do that. Major niya iyan. Sakatunayan, inclusion iyan sa kaniyang laboratory business sa Xavier University."

"Omg. You're from Ateneo de Cagayan, girl?"

"Sige, si Quendrin nalang muna. Okay lang ba sayo, hija?"

Bahagya akong natigilan ngunit agad akong ngumiti atsaka tumango.

"Sure."

Pumayag ako sa alok nila. Proofreading is my greatest leisure in life. Ganito talaga ang pakiramdam kapag bihasa ka na sa mga bagay na kahit alam mong mahirap at nakakapagod ay ginagawa mo pa rin. Especially, when you believe in yourself that this passion would always flourish and last through time, regardless of excuses, reasons and challenges that may hampede your desired destination.

Candle of Placid ConcussionWhere stories live. Discover now