Kabanata 39

60 10 0
                                    

COMEBACK: PART 2

Agad na napadpad ang aking mga paa sa labas ng function hall. Dito pa lang sa function hall tanaw na tanaw mo na ang napakaluwang at napakagandang harden ng Borge's Orphanage.

Naglakad ako sa gitna ng hallway habang iginagala ang mga mata sa paligid. This place is really fantastic. Kitang kita ko sa gilid ng corridor ang malawak na harden ng Borge's na pinalilibutan ng mga lights. Tambad rin sa akin ang madalim ngunit maaliwalas na kalangitan. Gabi na at maraming mga bituin ang nakasilay doon.

Huminto ako sa paglalakad at lumapit roon sa corridor. Nanliit ang mga mata ko nang mapagtanto ang nakikita ko sa unahan ng harden. Isang sementadong hagdan na natatakpan ng mga malalaking halaman. Creepy. Ano kaya ang mayroon doon?

Naglakad ako papasok sa harden. Pakiramdam ko talaga ito ay isang espesyal at hindi pang ordinaryong harden lamang. Dumapo rin ang mga mata ko sa malawak na playground na nasa unahan pa. Nagkibit balikat ako at dahang dahang naglakad sa loob ng harden. The shrubs and flowering plants were organized in anachronistic order. Hindi nakakasawang pagmasdan at ang sarap lang sa paningin.

Maglalakad na sana ako papalapit doon sa sementadong hagdan ngunit napahinto ako nang may kumalabit sa aking kabilang balikat. Natigilan ako at tinignan kung sino iyon.

"What are you doing here?"

Nalaglag ang panga ko sa tanong ng lalaking nasa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko at parang tumigil ang pag ikot ng aking mundo. My eyes glued at him. Ramdam ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Quendrin, I'm talking to you. Why are you here? Gabi na at masyadong malamig dito sa labas."

Nanatili ang aking mga mata ko sakaniya. Hindi ako makapagsalita sa hindi malamang dahilan. Mas lalong naghuramentado ang buong sistema ko nang makita ko siya ngayon sa malapitan. Malaki nga ang ipinagbago niya. Malaki ang ipinagbago ni Tyler. Malaki ang ipinagbago ng kapatid ko.

Biglang nanumbalik sa akin lahat ng alaala naming dalawa noon. Lalo na 'yung gabing yumanig sa aking mundo. Tyler's suffering and the aftermath result matapos naming malaman na magkapatid kami. I don't even want to remember every message of his kiss but my mind couldn't help it. Goodness.

"I-It's okay. N-nagpapahangin lang naman ako dito sa labas."

That's it, Quen? That's the end of conversation? Bakit ba ako nauutal? I admit it. Nilalamig na rin ako dito.

Nabigla ako nang tumikhim siya kaya napatingin ako sakaniya. Nakahalukipkip siya at matalim na nakatingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin. Ramdam ko malalagutan ako ng hininga kapag titingin ako sa mga mata niya.

"You are dense in cold. Ba't ba kasi ganyan ang suot mo? " aniya na bakas ang inis nito.

Inatake ako bigla ng kaba. His voice is somehow pissed. Napakurap-kurap ako at naiilang na bumaling sa aking suot na damit. What's wrong with my outfit?

"I can handle this."

Mahina siyang nagmura sa sinabi ko. Nagkagat labi ako at pinigilan ang akmang pagsagot sakaniya. I said I can help myself. Why can't he just leave because I could not stand the sight of him this time?

"Pumasok ka nalang doon sa loob."

Mahinahong sabi niya. Napatitig na ako sa mukha niya. His soft aura cascaded on my eyes. Malaki talaga ang pinagbago ng mukha niya. Mas lalo syang gumwapo at tumangkad.

Mas lalo siyang pumuti. Mas dumepina rin sakaniya ang malalim na mga mata at matangos na ilong. His jaw and cheekbones tact in perfectly now than before. His lips... that lips. Nag iwas ako ng tingin.

"I said I can."

Mahinahon na sabi ko. How are you Ty? Is that still the old you? How about your behavior? Feelings?

"Damn."

Mahinang sambit niya at nag iwas rin ng tingin. Tinignan ko siya lalo na nang makitang hinubad niya ang kanyang jacket suit leaving his black polo. I felt the surge of embarrasment. Nag iwas ako ng tingin.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang maglakad siya papunta sa aking likuran at inilagay ang jacket sa likod ko. Natahimik ako at hinawakan iyon atsaka bahagyang iniyakap sa aking sarili.

"Thanks."

Mahinang sambit ko. Hindi siya umimik kaya nanuyo ang aking lalamunan. I think I should leave here. Bukas ko nalang ito isasauli sakaniya. I wanna go home. Gusto ko ng umuwi.

"Ibabalik ko nalang ito bukas."

Dagdag ko na mas lalong ikinabilis ng aking paghinga. Ang bilis ng pagtibok ng aking puso at hindi ko alam kung bakit.

"Uuwi ka na?"

Mahinang tanong niya habang hindi pa rin umaalis sa aking likuran. Napangiwi ko ang aking labi at titingin na sana sakaniya nang bigla niya akong yakapin mula sa likod.

Biglang nanigas ang aking katawan. My heart throbbed so fast! Parang hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Then, I felt this sudden familiar feeling, a horde of butterflies on my tummy.

Hindi ako nakaimik ng ilang segundo. Hindi rin nagsalita si Tyler. Ilang sandali pa nang iginalaw niya ang kanyang mga kamay na nakapalupot sa aking baywang. His head landed on my shoulders.

"I miss you, Quendrin Ysabelle." Bulong niya.

Tumindig agad ang mga balahibo. Hindi ko alam ang magiging reaksyon sa sitwasyong ito. I want to escape. I want to escape from him.

Hindi ako gumalaw. Ang aking paningin ay nanatili sa kawalan. Hindi ako makaimik. Maya maya pa'y naramdaman ko ang mahinang pagdampi ng labi ni Tyler sa aking pisngi at pagkalas ng mga kamay niya sa aking baywang atsaka ko naramdaman ang mga yabag ng kaniyang paa na paalis.

Napaawang ang labi ko. Tumingin ako sa likuran at nakita si Tyler na nakapamulsa at naglalakad papasok sa function hall. My world stopped from spinning onward. Madiin akong napahawak sa jacket na nakapulupot sa akin. Nagkagat labi ako at napapikit ang aking mga mata. This feeling... no words could ever decipher as to how it should be named.

"I miss you too, Tyler."

Wala sa sariling sambit ko.

Candle of Placid ConcussionWhere stories live. Discover now