Kabanata 41

58 10 0
                                    

CHATTERING

"Mom, nasaan si Kuya Henrix?"

Tanong ko kay Mom nang mapansing wala si Kuya Rix. Hinubad ko ang aking sapatos at inilagay sa gilid ng pintuan. Nag angat ako ng tingin at nakitang nagsusuklay si Mom ng buhok sa harap ng salamin.

"Hindi ko alam. Baka may date 'yon kay Hannah."

Nagkibit balikat na lamang ako at naglakad palapit kay Mom. Agad akong nagmano sakanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Aalis ka?" Tumango lamang si Mom.

"Saan ka pupunta?" Dagdag ko kaya napalingon si Mom sa akin.

"Meeting sa business ng Kuya mo. Napromote na siya bilang manager." Ani ni Mama na ikinalaki ng mga mata ko.

"Talaga, Mom?"

Hindi makapaniwalang sambit ko.Tumango lamang si Mom. Agad na gumuhit ang ngiti sa aking labi.

"Si Daddy, Mom? Hindi pa rin ba siya nakauwi?"

Tanong ko kay Mom habang nilalaro ang strap ng slingbag ko. Lumingon lamang si Mom sa akin saka umiling. Nagkibit balikat ako at naglakad papuntang ikalawang palapag. I miss Dad already. Nag out of town kasi siya doon sa probinsya nila Tita Rezi dahil inimbita siya para sa kasal ng kapatid ng asawa niya. Balak nga rin sanang pumunta ni Mom doon kaso sa Bukidnon at alanganin ng puntahan dahil sa layo nito mula rito sa Cagayan de Oro. Saka isa pa, busy din naman si Mom dito sa bahay. No one had the guts especially Kuya Rix.

Agad akong pumasok sa kwarto ko at nilapag ang aking sarili sa kama. Pikit mata akong napasandal sa headboard ng kama. Pakiramdam ko nawalan ako ng gana nito mga nakaraang araw. Sobrang torture na ang sarili ko sa pag aatupag ng mga baga bagay sa paaralan. I think I need enough rest.

Inangat ko ang aking katawan at tumayo na lamang doon sa kama. Inilapag ko ang aking slingbag sa ibabaw ng cabinet at agad nagbihis ng spaghetti strap shirt at jogging pants. Nilugay ko ang aking buhok habang nakaharap sa salamin ng biglang tumunog ang aking phone. Napatingin ako rito at tinignan kung may tumawag o text.

From: Unknown Number

Is this Quendrin Ysabelle Madriza?

Agad na napakunot ang noo ko. I'm infavor of this. Sino kaya ito?

Nagtipa ako ng reply.

To: Unknown Number

How'd you got my number?

I know this person know that it's me. Napakagat labi ako ng maalala ang nangyari noon. 'Yung text sa akin ni Tyler. That helped me a lot. Iyon nga lang huli na ng mangyari ang insidente. Nagbuntong hininga na lamang ako at itinuon ulit ang atensyon sa aking phone.

From: Unknown Number

Mag online ka. Proofread details.

Napabuga ako ng hangin at napairap sa kawalan. Seriously? Katatapos ko lang kahapon tapos mayroon na naman ulit? Nagtipa ulit ako ng reply.

To: Unknown Number

Okay thanks. Kaninong number ito?

Candle of Placid ConcussionWhere stories live. Discover now