Kabanata 74

58 7 0
                                    

APOLOGY: DO OR DIE (WAVE 2)

QUENDRIN YSABELLE OKINAWA'S POINT OF VIEW

"Sinong nagdala sa akin dito sa kama?"

Tanong ko kay Daddy na kasalukuyang kumukuha ng damit niya sa baggage. Napahawak ako sa aking ulo ng maramdaman ang bahagyang pagkahilo. Nasulyapan ko namang lumingon sa akin si Daddy kaya umayos ako ng upo. Pakiramdam ko nabura lahat ng alaala ko kagabi.

"Hindi mo naalala?"

Tanong niya kaya umiling ako. Hindi siya sumagot imbis ay tumayo at nilapitan ako.

"Tumayo ka na diyan para makakakain na tayo sa labas. Nandoon na silang lahat sa Dell Restaurant." .

Tumango ako at tumayo nalang. Agad ako nakaramdam ng sakit sa ulo kaya umikot ang aking pabingin. Umunang lumabas si Daddy. Napahawak ulit ako sa aking ulo. Biglang sumagi sa aking utak ang mga nangyari kagabi.

Agad kong naalala ang mga pinagsasabi ko kay Tyler kaya napahaplos ako ng mukha at malutong na napamura. Did I really said those words? Lalo na 'yung pupunta ako sa lugar kung saan wala sila?
What's really happening to me?

Hinilot ko ang aking sentido at hindi na muna inisip ang nangyari kagabi. Lumabas ako ng room at sumakay ng elevator. Nang makalabas ako sa Inn ay dumiretso ako sa Dell Restaurant at doon sila nadatnan lahat. Unang dumapo ang aking paningin kay Tyler na tumatawa katabi si Stacey na nakangiti sakanya. Nag iwas ako ng paningin at lumakad sa pwesto ni Daddy.

Agad niya akong inimbita na kumain na kaya tumango na lamang ako at tumabi sakanya. Hindi na rin akong nag abala na kausapin pa siya dahil panay tawanan rin siya sa pinag uusapan nila ni Tito Yui. Luminga linga ako sa paligid nang hanapin ko si Ruther.

Binilisan ko ang aking pagkain. Panaka naka rin ang sulyap ko sa harapan dahil doon nakapwesto sila Stacey sakabilang table kasama si Tyler at ang mga magulang niya. Nang mag angat uli ako ng tingin ay nakita kong nakatingin sa akin si Tyler kaya agad akong nag iwas ng tingin. Damn those memory last night!

Nang matapos ko ang aking pagkain ay agad akong lumabas sa Dell Restaurant. Humalukipkip ako ng makaramdam ng lamig dahil sa sariwang hangin na dala ng Mantigue Island. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Sana balang araw dito ako makakatira. Wala masyadong tao ang naliligo at nandito ngayon dahil weekends at umaga pa.

"Quendrin!"

Napalingon ako sa unahan at napahinto sa paglalakad nang makita kung sino ang tumawag sa akin. Nakita kong nakaupo si Ruther sa buhanginan habang sumesenyas na lumapit ako roon sa pwesto niya. Ngumiti ako atsaka lumapit roon.

"Kanina ka pa dito?" Tanong ko at tumabi sakaniya.

"Hindi naman."

Bumaling ang aking paningin sa kastilyong buhangin na nasa harap niya. Napangiti ako at umiling iling. He really loves sandcastle making.

"Sandcastle tayo?"

Aniya at tumawa. Tumabi ako ng upo sakaniya at nakangiting tinitigan ang ginawa niya. Isang maliit na kastilyo na halatang pinaghirapang gawin.

"Sige. Kumain ka na ba?"

Tanong ko sakaniya. Bumaling naman siya sa akin at ngumiti. Ilang saglit pa nang nagsimula kaming gumawa. Kanya-kanya kaming bumuo ng kastilyo at kung ano-ano pa kaya palaging napapalpak ang gawa ko. Wala naman kasi akong talento pagdating sa ganito.

Panay tawa lang si Ruther kapag lumilingon siya sa ginawa ko. Napapasabunot ko naman ang buhok ko sa inis kada minuto. Ngumuso ako at tinitignan siya. Malapit na niyang matapos sakaniya samantalang sa akin ay palaging natutumba o parang nauupos 'yung buhangin.

"Tapos na!"

Tawang aniya. Humalukipkip naman ako at ngumuso. He made it perfectly kaya napasimangot na lamang ako habang tinitignan ang akin.

"Lika, kumain na tayo. 7PM na."

Anyaya niya.

"Hay! Buti pa nga! Naiinis na ako sa buhangin. Parang may takot sakin e."

Inis na angil ko at napahaplos ng mukha. Tumawa na lamang si Ruther at inakbayan ako. Sabay kaming naglakad papasok sa Dell Restaurant. Humiwalay siya sa akin nang may biglang tumawag sa phone niya.

"Quendrin, paki tawag si Tyler, please?"

Agad na salubong sa akin ng Tito ni Harvey. Tila lasing ito at may tama na ng inumin na hawak niya.

"Bakit po? Nasaan siya?" Tanong ko sakaniya. Siya lang mag isa doon sa mesa.

"Ewan ko. Baka nasa Inn. Sabihin mo sakanya na pumunta siya rito para makakain na tayo. Umalis kasi sila stacey e'. Nagbonding yata ng ligo kasama 'yung mga magulang niya."

Aniya. Tumango na lamang ako at napagpasyahang mamaya nalang maghapunan. Lumabas ako ng Dell Restaurant.

Saan ko naman hahanapin si Tyler?

Pumasok ako sa Inn at sinubukang magtanong doon sa mga admins. Halos pumutok naman ang sistema ko nang sabihin nong front desk lady na nakita niya si Tyler na may dalang vodka papunta sa room niya.

Sumulong agad ako sa ikalawang palapag gamit ang elevator at binuksan agad ang pinto ng room nila Tito Steve. Kumalabog ang puso ko at nanlaki ang mga mata nang tumambad sa aking paningin si Tyler. Nakaupo siya sa isang sofa at umiinom ng vodka sa baso kaharap ang flatscreen na hindi naman nakaandar.

"Tyler!"

Tawag ko sakaniya at naglakad papunta sa kanyang pwesto. Pakiramdam ko kasing bilis ng pagtibok ng aking puso ang aking malalim na hininga kasabay ang taas baba na pintig ng aking dibdib habang papalapit kay Tyler.

"Bakit ka naglalasing?"

Inis na singhal ko sakaniya. Akma ko sanang kukunin 'yung baso ngunit hinawi niya ang aking kamay. Malakas na ang tama sakaniya ng vodka e!

"Kasi tapos ka nang maglasing kagabi?"

Natatawang tanong niya habang nakatingin sa akin. He's totally out of his conscious grip. Nanliliit na ang mga mata niya at tila namumungay dahil sa kalasingan. Uminit ang bagang ko.

"Tumigil ka nga! Akin na iyan!"

Singhal ko at kinuha ang bote ngunit pilit niya itong inilalayo. Patay ako kay Tito Harvey nito. Ayaw pa naman non na makitang lasing si Tyler.

"Damn! Just leave me."

Aniya na mas lalong ikinaigting ng bagang ko.

"No way! Tumigil ka nga, Tyler!"

Singhal ko ulit at pilit na kinuha 'yung vodka. Panay mura siya kaya hindi ako tumigil sa pag aagawan sakaniya.

"I won't! I will fight for the rest of my life, Quendrin! I will fight!"

Aniya at binitawan ang vodka. Nagulat nalang ako ng hinawakan niya ang aking batok gamit ang kaliwang kamay niya habang ang isa naman ay nakahawak sa aking palapulsuhan. Bigla niya akong siniil ng halik sa labi kaya natigilan ako.

Parang huminto ang aking mundo sa ginawa niya. Nanlaki ang aking mga mata at nawalan ng hininga. Bumilis at mas lalong lumakas ang pintig ng aking puso.

"Damn! I'm sorry."

Mura niya nang bumitaw at napahaplos ng mukha. Halos rumagasa na parang tambol ang puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok. Pakiramdam ko nalagutan talaga ako ng hininga sa ginawa niya. Those certain memories of us from past until now flashes into my soul.

Napakagat labi ako at napaatras ng hakbang. Kitang kita ko rin ang pagkagulat sa ginawa niya. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Hindi ko alam kung saan ako masasaktan o bakit. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. I don't even want to figure it out.

Nakakatakot. Nag iwas ako ng tingin at yumuko.

"Learn to accept, Tyler. Learn to accept the reality."

Nanginginig na sabi ko at pinunasan ang luha. Agad ko siyang tinalikuran at umalis roon sa room niya.

I can't take this anymore. I'm falling. It's scary.

Candle of Placid ConcussionWhere stories live. Discover now