Kabanata 10

167 11 0
                                    

                     ENDGAME

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nagsitayuan na ang mga nasa kani-kanilang upuan. Umunang lumabas si Mr. Okinawa habang sumunod naman sakaniya ang kanyang mga kasama. Halatang mga taga Shikibara rin sila.

Nakaramdam ako ng hindi pang ordinaryong galaw ng sikmura ko. Naaawa parin ako kay Mr.Okinawa. Hindi madaling mawalan ng isang myembro ng pamilyang mahal na mahal mo. Kahit anong dagok at hadlang man iyan papasukin mo basta't makamtan ang hustisya ng pagkamatay nito. Naiintindihan ko naman sya kaso sana hindi umabot sa puntong ginawa nya iyong nakakakilabot at masamang pangyayari sa amin ni Dad. Napakababaw niya namang tao dahil makakaya niyang patayin o ipapatay kami na walang pag-aalinlangan.

Nilapitan ako nila Mom at Dad.

"I'm so glad you made it, Quen."

Naiiyak na ngumiti si Mom sakin. Niyakap ko siya ng mahigpit at napaiyak na rin. Bumitaw ako sa yakap nya ng makita ang papalapit na si Attorney Centerde sa amin. Nakangiti sya at tinapik ang balikat ko. Niyakap ko siya.

"Thank you so much, Attorney. You are the best."

Sabi ko at pinunasan ang luha ko. Kinalabit ako ni Dad kaya napatingin ako sakaniya.

"Dad!"

Masayang ani ko at niyakap rin siya. Finally, we got the justice. Or so do we thought we finally have it. Bumitaw agad ako sa yakap ni Dad.

"Siguro naman hindi na nila ulit tayo guguluhin hindi ba?"

Tanong ni Mom kay Attorney Centerde kaya napatingin ako sakanilang dalawa. Tumango si Attorney Centerde at ngumiti. Tumingin sya sakin at tinanguan ko nalang sya.

"I'm glad it is now okay, Quen. Thank you."

Nakangiting ani ni Tita Jelli. Katabi niya ang kanyang dalawang anak na babae na magkasing edad ko lang yata. Hindi ko sila masyadong kilala lalo na at sa labas ng bansa sila lumaki.

"Thank you so much, Quen."

Ani rin ni Tita Rezi. Nginitian ko nalang siya. Nagpaaalam na ang ibang kamag anak ko na uuwi na. Umunang lumabas ng korte sila Mom.

"Dad.. Attorney Centerde, dito lang po ba kayo?"

Tanong ko nang makitang may pinipirmahan sila kasama ng mga ibang abogado sa korte pati na rin si Attorney Jaraula. Nilapitan ako ni Dad.

"Umuna ka na ng uwi. May aasikasuhin lang kami dito."

Sabi ni Dad. Tumango ako at nagpaalam na sakanila. Umalis na ako doon at pumunta muna ng powder room. Muntik na akong mapasinghap nang makasalubong ang anak ni Mr. Okinawa na lalaki. Napatingin rin sya sa akin at nanlaki ang mata. Bahagyang naging malamig ang tingin niya sa akin at sumeryoso.

"'Tsaka ka na magpakasaya kung nakamtan mo na ang totoong hustisya, baka dumating ang oras na imbis sa ibang kweba ka sumilong, sa bangka ka nagpakulong. Huwag kang magpakatanga Quendrin, baka tuluyan kang matangay sa bitag ng hangin at mabubulok ka sa maling panauhin."

Sabi niya at nilagpasan ako ng lakad. Napakuyom ang panga ko sa sinabi niya. Ni isa wala akong naintindihan doon. Atsaka bakit naman ako magsasaya? Dapat bang ikasasaya ang sitwasyon ko ngayon? Dapat nga sila iyong kasuhan namin e' imbis kami.

"Quendrin! Asan ka? Umuwi na tayo. Kanina pa kami naghihintay sa parking lot."

Narinig kong sigaw ni Tita Rezi. Dali dali akong nagpunta sa cubicle atsaka agad ring lumabas doon. Muntik na akong mapatid nang may naapakan ako. Tinignan ko ang sahig at may nakita na dalawang ID. Kinuha ko ang mga ito at tumayo. Maigi ko itong pinagmasdan. ID ng anak ni Mr.Okinawa ang isa.

Hyder Erix Ryndor Okinawa

Tinignan ko rin ang isa pang ID na hawak ko. Teka wala 'tung lalaki sa korte kanina a? Sino ba ito? May larawan ng isang lalaki na pamilyar sa akin. Muntik na akong mapasinghap. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino iyon.

Tyler Texas Renisis Okinawa
20 years old
Xavier University of Cagayan de Oro

Nalaglag ang panga ko at hindi makapaniwala sa nabasa. Nanginig ang aking kamay at parang kumalabog ang dibdib ko nang maalala na ito 'yung lalaking nakabunggo ko sa hallway. Wala akong kaalam-alam at hindi ko inasahan na isa siyang Okinawa, at anak siya ng lalaking minsan ng nagtangkang kumitil sa buhay ng aking pinakamamahal na ama.

***

Candle of Placid ConcussionWhere stories live. Discover now