Kabanata 12

146 11 0
                                    

      RIDING WITH METHOD

Napabitaw ako sa yakap ni Tita ng biglang may tumawag na waiter sakaniya.

"Sige mauna na muna ako, may costumer kasi na naghahanap sakin."

Ani ni Tita at parang may kinuha na menu sa table namin.

"Tita uwi narin kami ni Quen kasi hinahanap na kami ni Dad."

Napatingin ako kay Kuya na kasalukuyang hinahawakan ang phone niya. Tumingin siya sakin at bahagyang ngumuso at parang nagsasabi na uuwi na kami.

"Ganoon ba. Sige, salamat sa pagpunta niyo rito. Mag iingat kayo."

Isa-isa kaming niyakap ulit ni Tita at tinanguan. Nginitian ko lang si Tita tsaka hinarap ulit si Kuya na nakatingin sa akin. Agad kaming nagpaalam kay Tita na kumakaway-kaway sa amin papalayo.

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay na sanang lalabas ng pinto nang tawagin ulit kami ni Tita. May iilang customers rin ang napatingin sa amin. Natatawa kaming nilapitan ni Tita.

"Balik kayo dito next week, okay? Uuwi ang Tito Axe niyo dito at invited kayo sa homecoming celebration niya. Invite also your Mom and Dad."

Tumango ako nang nagsalita si Kuya sa gilid ko.

"And the venue?"

Bahagyang ngumiti si Tita ng matipid. Tinignan ko si Kuya na nakanguso.

"Still here. The restaurant is actually reserved from ours that day."

Iyon ang huling sinabi ni Tita atsaka siya umalis at nagtungo kami sa parking lot.

"Anong oras na?"

Ani ni Kuya habang pinapaandar ang kotse niya. Inayos ko muna ang seatbelt ko tsaka pinasadahan ng sulyap ang wristwatch.

"Almost 3PM."

Ilang oras pala kami doon sa Hobbles Dune ni Tita. Buti at hindi kami nabagot kahit facebook lang ang pinag aabalahan namin doon. Dala ko kasi ang ipad ko at bitbit rin ni Kuya ang kanyang laptop kanina pa.

"Shit!"

Ilang minuto pa nang mapamura ako dahil biglang tumaas yung speed ng pagpapatakbo ni Kuya sa kotse at biglaan niyang hininto. Muntik na akong mauntog sa glass window sa harap dahil sa sobrang lapit nito sa noo ko kanina. Halos lumipad ng biglaan ang kaluluwa ko.

"Hey, are you okay? Sorry nabigla lang ako. May lasing kasing tumawid e."

Katwiran niya at napatingin sakin na puno ng pag aalala. Inirapan ko lang sya at inayos ang seatbelt ko.

"Parang ikaw yata ang lasing e! Bagalan mo naman ang pagmamaneho."

Nayayamot na ani ko. Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Kuya at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Banda siyang tumahimik ngunit nagsalita rin.

"Kumapit ka sa seatbelt kasi hindi ka pa nga nahulog, sinalo ka na agad."

Napataas ang kilay ko at bahagyang ngumiti nang makitang mas lalo syang tumawa. Ang masayahin talaga ng lalaking ito. Ang sarap niya tuloy tirisin ngayon upang maglaho siya sa tabi ko.

"Seatbelt ka dyan! Ang nipis kaya nitong seatbelt mo. Baka kaming dalawa pa ang mahulog e'!"

Ani ko at nginusuan si Kuya. Tumawa lang sya at umiling iling na tumingin sa kawalan.

"Isa lang ang kayang saluhin.ng aking mga bisig..."

Bahagya siyang tumigil at tumingin sa akin. Bigla akong natahimik sa hindi malamang dahilan. Saglit siyang ngumiti at natatawang umiwas ng tingin.

"... kaya ipauubaya nalang kita sa sahig."

Ngumuso siya at natatawang tinuro ang sahig ng kotse niya. Wala akong ibang nagawa kundi sapak sapakin ang braso nya na nakaharap sakin habang siya naman ay humahagalpak ng tawa habang nagmamaneho.

****

Candle of Placid ConcussionWhere stories live. Discover now