Kabanata 70

60 8 0
                                    

DINNER

"Quendrin, magbihis ka na. Nandito na sila Tyler mamaya."

Sabi ni Daddy sa akin nang pumasok siya sa kwarto ko. Nag angat ako ng tingin at nakitang kinuha ni Daddy ang suklay sa cabinet. Tumungo ako sa harap ng aking laptop at binuksan iyon. Naramdaman kong lumabas na si Daddy sa kwarto kaya agad kong pinindot ang window ng facebook.

Napagpasyahan nila Daddy na magdinner mamaya dito sa bahay kasama si Tyler at ang Tito nito. Iyon kasi ang isinuhestyon ni Daddy na magkaroon ng kaunting salu-salo lalo na at ilang buwan na ang lumipas mula nang makabisita si Tito Harvey dito. Kararating lang rin nila dito sa Cagayan de Oro kahapon matapos mag-pasko at bagong taon sa Italy.

Biglang nag pop out ang isang chatbox sa gilid ng newsfeed ko. Agad ko namang tinignan ko iyon.

TYLER:

Where are you?

Kumunot naman ang noo ko sa nabasa. Bakit niya naman ako hinahanap? Ano bang nakain nito? Imposible naman yatang na wrong send. Nagtipa ako ng masasagot.

QUENDRIN:

Nasa bahay lang. Bakit?

Ilang saglit pa ng ma-seen niya ito at nagreply.

TYLER:

Nothing. Pupunta kami riyan mamaya para sa dinner.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung anong mayroon sa sistema ko at bigla talagang gumaganito pag si Tyler na ang pinag uusapan. Nagtipa ako ng reply.

QUENDRIN:

Dad told me already.

Hindi na ako naghintay ng sagot at nag log out na. Wala naman kasi akong mapaglilibangan roon. Hindi rin ako mahilig mangkalikot ng mga social media websites. Isinara ko ang aking laptop at nilagay iyon sa aking gilid katabi ang headboard. Kinuha ko ang aking phone at napatingin sa wallpaper roon.

Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit ito ang ginawa kong wallpaper. Sa tuwing tumitingin ako rito pakiramdam ko nawawala ang lungkot at pagod na nararamdaman ko minsan. Pakiramdam ko isang tingin ko lang rito ay masaya na ako.

The Borge. 'Yung larawan namin ni Tyler roon. Napakagandang tignan. Maya maya pa'y nakaidlip na pala ako nang hindi ko namamalayan.

"Ma'am gising po. Nandiyan na sila."

Agad naman akong naalimpungatan nang may kumalabit sa balikat ko. Napadilat ako ng mga mata at nakitang si Yaya iyon. Umupo ako sa kama at napatingin sa wristwatch ko. 7PM na pala.

Nag angat ako ng tingin kay Yaya at nakitang sinasara niya ang bintana ng aking kwarto. Gabi na at hindi ko iyon naisara kanina.

"Kanina pa ba sila dumating?"

Tanong ko. Bumaling naman si Yaya sa akin.

"Bago pa po." Aniya.

"Sige, magbibihis muna ako. Sabihin mo kay Daddy na susunod ako sakanila sa labas mamaya."

Sabi ko at tumayo na roon galing sa kama. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa aking mukha. Nakita kong sumang-ayon si Yaya saka tuluyang lumabas roon sa kwarto.

Naglakad ako papunta sa tapat ng aking cabinet. Naisipan kong mag champagne off-shoulder formal dress ang susuotin at flat shoes. Nilugay ko rin ang aking buhok at naglagay ng pulbo sa mukha. Ngumiti ako sa harap ng salamin. A simple etiquette for a simple person.

Maya maya pa'y bumaba na ako roon at nadatnan sila Daddy sa veranda. Unang lumapat ang aking paningin kay Tyler na katabi ni Tito Harvey na katapat ng upuan ni Daddy. His eyes landed on me. Nag iwas ako ng paningin. He's so damn handsome with his white long sleeve shirt.

Candle of Placid ConcussionWhere stories live. Discover now