Kabanata 16

114 12 0
                                    


             INTO YOU

Magpapaalam na sana ako sakanilang dalawa na aalis na nang magsalita si Ate Hannah. Napahinto ako at parang hindi ako magalaw sa aking kinatatayuan. Kung natigilan, mas natigilan siguro si Kuya Henrix.

"How have you been? I miss you guys so much."

Ani ni Ate Hannah. Nakita kong hindi umimik si Kuya Hen at binigyan lamang siya ng malamig na tingin at nginitian. Mahal pa kaya ni Kuya Henrix si Ate Hannah? May new boyfriend na kaya si Ate roon sa Australia? Naka move on na ba silang dalawa?

"So far, we are all doing great. As long as kompleto kami sa pamilya namin at walang mang-iiwan, ayos lang. Tuloy ang buhay."

Banayad na sabi ni Kuya Henrix. Napatingin ako sakaniya nang dahil sa tono ng boses na ginagamit niya. Sarkastiko na napaka-bitter pakinggan sa tainga. Pakiramdam ko tuloy pinatatamaan niya si Ate Hannah. Nakita ko namang natigilan si Ate Hannah sa sinabi niya habang nagkagat labi. Ngumiti na lamang siya at nagsalita.

"Then, good. Anyway, pumunta kayo sa bahay bukas ng gabi. May party doon para sa pagbabalik ko dito sa Pilipinas. Mom and Dad invited you guys."

Sambit ni Ate Hannah. Parang hindi siya komportable sa mga galaw at sinasabi niya ngayon. Nahahalata ko iyon lalo na kung magtama iyong paningin nila ni Kuya.

"... I want you guys to meet my almost two years fiancee."

Muntik na akong mapasinghap sa sinabi ni Ate Hannah. Bakit parang-parang ayaw tanggapin ng sistema ko ang sinabi niya? Nakamove on na kaya talaga siya? Bakit may fiancee na siya? 'Saka dalawang taon na pala? Ewan ko pero parang hindi ako makahinga sa sinabi ni Ate Hannah. Pinipiga ang puso ko. 'Yung pagmamahalan nila ni Kuya, wala na ba iyon? Paano na iyon?

"Well then pupunta kami."

Nakangiting ani ni Kuya Henrix. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang aking bibig na paramg hindi makapaniwala sa sagot niya. Ayaw kong pumunta siya roon kasi alam kong hindi pa siya nakakausad sa pagmamahal niya kay Ate Hannah. Alam kong masasaktan lang siya sa oras na makita niya si Hannah na may kasamang iba.

"What about you, dear? Pupunta ka? Baka kasi─"

"Ofcourse, pupunta ako, Ate Hannah."

Nakangiting ani ko. Nagpaalam agad siya sa amin na aalis na dahil may bibilhin pa daw siya at pinapahanap na siya ng Mom niya. Hindi kasi siya nakapag paalam na aalis siya sa bahay nila. Dumiretso agad siya dito kanina.

"Fuck! Just fuck!"

Muntik na akong mapatalon sa sofa habang nanonood ng pelikula nang may narinig akong malakas na suntok at parang may nabasag. Napatayo at nataranta ako roon sofa nang makita kong nakatayo sa harap ng pader si Kuya. Duguan ang kamay niya at duguan rin ang glass frame sa pader na sinuntok niya.

"Kuya, what the hell are you doing?!"

Singhal ko agad at nilapitan siya. Narinig ko rin ang mga yabag ng paa ng mga Yaya namin at mga pagsinghap nila.

"Jusko Sir Rix, anong nangyari saiyo?!"

Ani ni Manang Che habang nilalapitan kami. Tinignan ko siya at nakatingin lang siya sa nabasag na frame sa pader. Ang nasa frame ay ang larawan nilang dalawa ni Ate Hannah na highschool pa yata sila. Muntik na akong magmura nang makitang may mga luhang lumandas sa pisngi ni Kuya.

"Damn! Damn girl. Pinalitan agad ako!"

Ani niya at marahas na pinunasan ang luha niya. Sinuntok niya ulit ang frame kaya mas lalo itong pumutok at nabasag. Agad namin siyang pinigilan dahil nag-aamba na naman siyang sumuntok ulit. Hinawakan ko ang kabilang braso niya at sinabihan siyang tumigil na.

"Shit! Ano ba Kuya! Tumigil ka nga!"

Ngayon, alam ko nang mahal na mahal niya pa rin si Ate Hannah.

Candle of Placid ConcussionWhere stories live. Discover now