Kabanata 27

97 11 0
                                    

SOLO

QUENDRIN YSABELLE MADRIZA'S  POINT OF VIEW

"Please welcome our soon to be Mr. and Mrs. Guerrero!"

Nagpalakpakan kaming lahat na bisita sa aming kanya kanyang upuan. Kita kita ko ang malapad na ngiti ni Ate Hannah at ni Kuya Lex habang naglalakad patungo sa gitna ng stage. Nakapulupot ang kaliwang braso ni Ate Hannah kay Lex at masayang kumakaway sa amin. Napahalukipkip at nagbuntong hininga. Kitang kita sakaniyana masaya siya.

Masaya na siya ngayon. Siguro nga nakamove on na talaga siya kay Kuya Henrix. Nagsimula agad ang programme ng engagement party ni Ate Hannah. Tumagal ng mga ilang minuto nang welcome message pati na ang mga welcoming speeches ng pamilyang Guerrero at ang pamilya ni Ate Hannah.

"It's time for dinner! Enjoy! "

Ani noong emcee. May nagsilapitan doon sa stage at parang may sinasabi yata doon sa emcee. Tumango ito at agad silang naglakad papunta doon sa DJ. Agad na umalingawngaw ang malakas na tugtog ng musika sa paligid. May ibang bisita na sumampa agad sa dancefloor at sumayaw lalong lalo na ang mga bata.

"Quen, kumain kana."

Napatingin ako sa katabi ko.Nakangiti si Kuya Henrix habang katabi si Mom at Dad na nag uusap. Tumingin ulit ako kay Kuya at nagkunot-noo.

"Bat ka ngumingiti diyan?"

Tanong ko. Nagkibit balikat lang si Kuya at patuloy na kumakain lamang. Sinaway naman ako ni Mom na kakain na raw para makasali kami ni Kuya sa mga Games mamaya. Kumuha ako ng tinidor at tumusok ng isang fish fillet sa plato ko.

"We are still into each other, Quen. All I have to do is just to let this night pass."

Muntik na akong mabilaukan sa mahinang sinabi ni Kuya. Siniko ko siya. Agad niya akong inabutan ng tubig kaya tinanggap ko ito.

"Sigurado ka ba diyan? Kuya engage na sila, hindi ba? Paano na iyan? I'm sure everything would turn out difficult."

Sabi ko. Totoo naman talaga. Kung nahirapan si Kuya sa pag alis noon ni Ate Hannah, alam kong mas lalo siyang mahihirapan ngayon lalo na at engage na si Ate Hannah at Kuya Lex. Next month na rin ang kasal nila at alam kong matutuloy pa rin iyon kahit anong pigil man ang gawin ni Kuya Henrix.

"Lower down your voice, Quendrin."

Saway sa akin ni Kuya. Napatakip agad ako ng bibig at tumingin sa paligid. Tinignan ko si Mom at Dad na malapit sa amin. Patuloy lang sila sa pag uusap at parang walang naririnig.

"Okay lang iyan. Hindi nila tayo maririnig. Ang lakas ng tugtog noong DJ."

Ani ko. Umiling nalang si Kuya at nagpatuloy sa pagkain niya. Siniko ko siya kaya tinignan niya ako na nakataas ang kilay.

"Watch and learn, Quendrin. Kumalma ka lang diyan at huwag nang makialam."

Umirap ako sa kawalan. Uubusin ko talaga iyang buhok mo Kuya, kung papalpak ka sa plano mo. Hindi na bale ng matisod, basta't makakatayo ka lang. Hindi na bale ng matapilok, basta hindi ka lang nasaktan. Hindi bale ng madapa, basta may tumulong lang sayo upang ikaw ay bumangon. Dali dali kong tinapos ang pagkain at ininom ang honey juice na nasa harap ko. Muntik na akong mapasamid dahil sa lasa nito.

"Is this a wine?"

Nasulyapan kong bahagyang tumayo si Dad at hinalikan ang pisngi ni Mom. Nagpaalam siya na aalis muna para puntahan ang si Tito Hayden.

"Wine flavor, Quen."

Ani ni Kuya at tumawa. Inirapan ko siya at nilapag na lamang ang baso sa mesa. Alam niya na hindi ako umiinom ng wine dahil allergic ako nito. Sumulyap ako doon sa stage at inanunsto ng magsisimula na ang parlor games.

"Dalian niyo na diyan! Sumali kayo doon."

Ani ni Mom at tumayo na doon sa upuan. Nakita ko ring tumawa lang si Kuya. Tinignan ko siya ng maigi at bumuntong hininga. Sana hindi papalpak kung ano man iyang plano nila ni Ate Hannah. I am sure makakasakit talaga sila ng tao pagkatapos ng lahat ng 'toh at natatakot ako para sakanila. Saya at takot kumbaga. Tumayo na ako sa upuan at lumapit doon sa pwesto nila Ate Hannah. Nakita ko kasi na masaya silang nag uusap ni Kuya Lex. Nakikita ko rin ang bahagyang pagsulyap niya kay Kuya na nakatingin rin sakanya.

"Ate Hannah!"

Lumapit ako kay Ate Hannah. Nginitian niya ako at bahagyang inakbayan. Nakita kong tumingin sa akin si Kuya Lex at ngumiti.

"Lex, meet Quendrin Ysabelle. She's the daughter of Tita Athina and Tito Steve."

Tumango ako at nakipag Hannahdshake sakanya. Nakangiti pa rin siya habang halata sakanyang mukha ang pagka chinito at maputi niya. Hindi maipagkakailang gwapo talaga si Kuya Lex pero para sa akin wala talagang makakatalo kay Kuya eh.

"Nice too meet you, lady."Ani niya sa mahinhing boses.

"Likewise, Kuya Lex."

Ngiting ani ko at ngumiti lang siya. Narinig kong tumawa si Ate Hannah. Tinignan ko siya.

Nagpaalamsi Kuya Lex nga pupuntahan niya muna daw ang Mom at Dad niya sa mesa. Nabigyanako ng tsansa na masolo si Ate Hannah.

Candle of Placid ConcussionWhere stories live. Discover now