Kabanata 57

47 9 0
                                    

BESTFRIEND: PART 3

Maya maya pa'y napaupo na lamang ako sa sahig at napatakip ng mukha. I'm really damaged inside and out. Ang sakit! Bakit sa dinami daming tao sa mundo, si Sabreen pa ang nawala? Bakit siya pa? Bakit ang kaibigan ko pa?

"Tyler."

Rinig kong sambit ni Ate Han kaya nag angat ako ng tingin. Napatingin ako sa gilid at nakita si Tyler na papalapit sa pwesto nila ni Kuya Rix.

What the hell is that guy doing here! Mga hayop sila!

Padarag akong tumayo na para bang wala sa sarili at nilapitan ang pwesto ni Tyler. You son of a bitch!

"Ikaw!"

Singhal ko sakaniya kaya napalingon siya sa akin at nanlaki ang mga mata. Tita nagulat siya ng makita ako. Nanginginig ang mga mata niya akong tinignan mula ulo hanggang paa.

"Hayop kayo! Nasaan si Hyder ha? Ipakita mo siya sa akin! Mga mamatay tao kayo! Hayop kayo! Mga tarantado!"

Wala sa ulirat na singhal ko kay Tyler at sinapak sapak siya. Agad namang pumagitna si Kuya Rix sa amin at pinigilan ako habang si Ate Han naman ay biglang pinigilan ang braso ko. Walang tigil pa rin ang pagbuhos ng aking luha. Walang katapusan. Hinang hina na ako. Hinang hina na ang mga mata ko. Lumalabo na ito sa kaiiyak.

"Quendrin, stop it!" Pigil ni Ate Han.

"No! I want to talk to him! He's an asshole! Pare-pareho lang kayo! Ang s-sakit.. ang sakit sakit, Tyler.."

Napapaos na sabi ko at namimilipit sa sakit. Napasapo ko ang noo ko at napapikit ang mga mata. If I could cure the wounds I have, I would really cure the reality before this incident has happened. I will cure and change the reality. Ngunit huli na ako. Huling huli na.

Huminto ang sistema ko at mas lalong napahagulgol ng walang pasubali akong niyakap ni Tyler. All of a sudden, I feel a bit comforted. I feel like my worries slowly vanish in an instant. Pakiramdam ko unti-unti akong nabuhayan ng loob ngunit hindi ito nagpabawas sa sakit na nararamdaman ko. This is the first time I've witnessed the death of the person I love and it is truly heart-wrenching for me.

"Would you stop crying? It's tortorous to my eyes." Bulong niya.

Napapikit ako ng mariin. Dumaloy ulit ang luha sa aking pisngi. Agad naman siyang bumitaw at humarap kay Kuya Rix. Seryoso na ang aura niya.

"Hindi totoo 'yung ideya niyo na baka si Hyder ang pumatay. He could never do that!" Inis na aniya kay Kuya.

Umaawang ang labi ko. Alam niya ba ang pinagsasabi niya? Umigting ang bagang ko. Ang mamatay tao pa ang kinampihan mo! Great!

"You're lying! Hindi kayang pumatay ni Hyder? Tyler, kinakampihan mo ba siya? Alam mo ba ang pinagsasabi mo ngayon? I am the witness here, Tyler! Si Sabreen mismo ang biniktima at alam ko na alam mo na kaya niyang gawin iyon! Yet all this time, you're still in his page? How I hate him for all my life! Mamatay tao siya!" Iyak ko habang sinisinghalan siya.

Kitang kita ko sa mata niya na nasaktan siya sa sinabi ko. Great. You love the killer. Magsama kayo.

"But that's impossible! Hyder loves Sabreen! Alam ko iyon at ramdam ko! He can never do that! Mahal niya ang babaeng iyon!"

Biglang dumilim ang aura niya sa sinabi ko. Napasarkastiko naman ang reaksyon sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang kinakampihan niya ngayon ang anak ng dating nagtaksil sakaniya.

"Mahal? Really? Mahal?! Wow! I did not even know that the scumbag has emotions." Natatawang ani ko kahit ang bigat bigat na ng pakiramdam ko.

"Quendrin, tumigil ka na please." Ani Ate Han.

"Tyler, bukas na tayo mag usap. Pakihatid si Quendrin sa bahay namin. Pupunta kami ng presinto ni Hannah. Kami na ang haharap sa pulis. Bukas na tayo mag usap usap kasama si Hyder."

Seryosong ani Kuya. Naging blangko naman ang ekspresyon ko sa sinabi ni Kuya.

"Hindi ako uuwi! Hindi ako magpapahatid kahit kanino! Lalo na sa'yo!" Sambit ko at tinuro rin si Tyler. Nakita kong nakatiim bagang na siya.

"Pero Quendrin, you're mess. Ayusin mo 'yang sarili mo at magpahinga ka muna sa bahay."

Iling iling ako sa sinabi ni Ate Han. Ayaw ko. Ayaw kong iwan si Sabreen dito.

"Sige na. Tatawagan namin ang mga kamag anak ni Sabreen para papuntahin dito. Sigurado akong uuwi rin ang mga magulang niya galing sa ibang bansa. This is heartbreaking for them, too Quendrin. Let's just give her a time for them. Hindi lang ikaw ang masasaktan ng sobra dito. Magpahinga ka muna." Ani Kuya na siyang nagpakurot ulit ng puso ko. Ang sikip na ng nararamdaman ko.

Maybe Kuya's right. Pero hindi ko talaga maiwasan e. Ang sakit sa pakiramdam.

Ilang minuto rin kaming nagtalo ni Kuya kung ihahatid ako ni Tyler o ako lang ang uuwi. Ngunit sa huli, sumuko nalang rin ako. Pagod na pagod na ako at gusto ko ng magpahinga.

"I really can't believe Hyder can do that." Ani Tyler habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan.

Napalingon ako sakaniya na nasa tabi ko lang. Bahagya akong nairita sa sinabi niya.

"Then don't!" Inis na sabi ko at nag iwas ng tingin.

Gustong gusto kong makipag away sakaniya ngayon. Gusto ko siyang sampalin, sapakin at bugbugin para matauhan siya. Like he said, he's a Madriza. There's no way to follow their principles. Hindi siya Okinawa. Atsaka mas lalong ayaw ko ng kapatid na may lahing mamatay tao.

But I'm too tired right now. Pagod na pagod na talaga. I want to bunked on my bed and forget what happened today.

"Nakita mo ba kung paano pinatay ni Hyder si Sabreen? Maybe you just saw Sabreen lying dead but that doesn't mean—"
Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya at pinutol siya.

"Pwede ba! Tumahimik ka, pwede?! Madami ko ng iniisip kaya huwag mo nang dagdagan! I saw him with a gun and I know you could give a hint about what I had thought. Matalino ka, 'diba? Why do I have to say anything?"

Bahagya siyang natahimik sa sinabi ko. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at isinandal iyon sa bintana ng kotse niya. His Ford Everest smells like a vanilla and magnum scent. Maya maya pa'y tumigil na ang kotse. Idinilat ko ang mga mata ko at napagtantong nasa Havianna Hills na pala kami.

"Doon mo sa green gate itapat ang kotse." Walang ganang sabi ko.

Maya maya pa'y ipinarada niya na ang kotse at hininto sa pag andar.

"Damn."

Mahinang mura ko ng mahirapan akong tanggalin ang seatbelt.

"Ako na." Sabi ni Tyler at tinulungan ako sa pagtanggal.

Kumalabog ang puso ko nang mapagtantong ang lapit ng mukha niya sa akin. Nag angat siya ng tingin sa mga mata ko kaya nagkatitigan kaming dalawa. Hinawi niya ang ilang hibla ng aking buhok na tumatakip sa mukha ko at nilagay sa aking tainga.

"Salamat." Sabi ko at ibinaba ang tingin.

Hinawi ko ang seatbelt na naitanggal na ni Tyler. Kailangan ko ng bumaba para ayusin ang sarili ko. I am obviously a big mess right now.

Nag angat ako ng tingin kay Tyler. Nakatingin siya sa mga labi ko. Bahagya akong natigilan at napalunok. His eyes are intense and brooding deep. Namumungay na ang mga ito. Tumigil ang pagtibok ng puso ko nang hawakan niya ang aking kabilang pisngi at hinalikan ako sa noo. Agad rin siyang bumitaw ng maramdamang natigilan ako.

"I hope it will ease your heartaches. Kahit kaunti lang. Sleep tight." Aniya at may pinindot sa harap ng kanyang kotse upang bumukas ang pintong nasa gilid ko.

Wala sa sarili akong lumabas doon at naglakad papasok ng gate. Ngunit huminto ako at nilingon ang sasakyan ni Tyler. Nandoon pa rin. Hinintay ko saglit na masulyapan ang pag alis ng kotse niya pero walang nangyari.

Napakunot noo ako. Bumukas ang bintana ng kotse. Bumungad ang mukha ni Tyler na nakakunot noo rin.

"Pumasok ka na. I'll go but not until you're already in. Sleep well, alright? " Malumanay na aniya.

Natigilan ako saglit. Tumango ako at pumasok na roon sa loob.

Candle of Placid ConcussionWhere stories live. Discover now