Kabanata 22

102 10 0
                                    

ANIMOSITY

Bahagyang natigilan si Dad. Tumawa siya. Halakhak na nagpaasar sa akin. Sumeryoso ang mukha ko.

"Why would I?"

"Because I said so."

"Dahil ba sa Quendrin na iyon? Ilang beses ko na bang sinabi saiyo na layuan mo iyang mga Madriza? Sila 'yung kriminal dito. Lalo na 'yung Lolo niya. Nalugi ang negosyo natin kaya namatay si Gea dahil sa Lolo niya!"

Nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga sa sinabi ni Dad. Humalukipkip si Dad at seryoso akong tinignan.

"But Dad! Wala na ang Lolo niya! Move on, Dad! Walang kinalaman si Quendrin at ang ama niya dito. Kung may sisihin ka dito, iyon ay ang Lolo niya, not them! Not even Quendrin!"

"Tapos ano, Tyler? Walang hustisya ang mangyayari kay Gea? Palibhasa kasi hindi mo nararamdaman ang nararamdaman namin ni Hyder kasi iba naman ang kadugo mo."

Natigilan ako sa huling sinabi ni Dad. What the hell did he just said?

"Shit."

Napahaplos ng mukha si Dad. Narinig ko naman ang yabag ng paa ni Hyder na papalapit sa amin. Natigilan ako sa kinatatayuan ko at pakiramdam ko ay napantig ang aking tainga sa sinabi ni Dad. Humakbang ako papalapit kay Dad.

"W-what did you just said? H-hindi ko kayo kadugo? What did you mean by that?"

Hindi ako makapaniwala ngayon. Seryoso pa rin ang hitsura ni Dad. Hindi kumurap si Dad kaya ramdam ko ang unti-unting pagbagsak ng sistema ko. Bumuntong hininga si Dad at diretsong tinignan ako sa mga mata.

"You are not my son. Hindi ka pinanaganak na Okinawa. You have─"

Hindi ko pinatapos si Dad sa pagsasalita at mapaklang humalakhak ng malakas. Wala akong oras sa mga biro ngayon lalo na at bumabagabag pa rin sa isyu ni Dad laban sa pamilyang Madriza. Tumikhim si Dad na para bang kinukuha ang atensyon ko kaya naaasar akong tinignan siya.

"I'm not joking Tyler. Ngayon ko lang n-nasa─"

Nakita kong hindi nauutal na si Dad at hindi na makatingin sa akin. Dumagasa ang kakaibang kaba sa aking dibdib. Hindi dahil may posibilidad na totoo ang sinasabi ni Dad ngayon sapagkat bihira lang siya magbiro, kung hindi ang katotohanang pinaglihiman at pinagsinungalingan ako ng taong nagpalaki sa akin sa buong buhay ko na siya ring napamahal na sa akin.

"What the hell, Dad!"

Sigaw ko. Agad namang nataranta si Dad. Nabigla ako nang kinalabit ako ni Hyder. Hinawi ko ang kamay niya at isang suntok ang pinakawalan ko sa mukha ni Dad.

"Tyler!"

Awat sa akin ni Hyder. Hinila at mariin niyang hinawakan ang kabilang braso ko nang ambahin ko pa ng isang suntok si Dad. Umatras ako at malakas na hinawi ang kamay ni Hyder. Minura ko siya kaya nanlaki ang mata niya. Napatingin ako kay Dad na kasalukuyang pinunasan ang labi niyang pumutok dahil sa suntok ko.

"Kailan niyo pa nilihim sa akin ang lahat ng ito? All this time, I am living in confounded lies at iyon pala ay hindi niyo ako anak? Anong klaseng tao ka, Dad?"

Singhal ko kay Dad. Hindi ako makapaniwala dito. Kaya pala ganyan siya makatrato sa akin. Para bang wala siyang pakialam sa akin. Ni hindi niya nga naramdaman ang presensya ko dito araw-araw. Tanging kay Hyder niya lang sinasabi ang mga lihim niya.

"Watch your mouth, Tyler!"

Singhal ni Hyder. Aambahan sana niya ako ng suntok ng pigilan siya ni Dad at hinawakan sa braso.

"kayo! Pareho kayong walang kwentang mag-ama! Inangkin niyo pa ako! Mga wala kayong puso! Kayo ang totoong mga kriminal dito! You useless shrewds! "

Sigaw ko at padabog na lumabas ng bahay. Narinig ko pa ang sigaw ni Hyder na parang pinipigilan ako ngunit si Dad na mismo ang nagpatigil sakaniya. Dapat lang siguro na nawala si Mom Gea sa inyo.

"Fuck!"

Natigilan ako nang may bigla sanang babangga na sasakyan sa akin. Hinampas ko ang harapan nito at nagmura.

"Fuck! Driver, watch your way!"

Nabigla ako nang bumaba ang driver at nilapitan ako. Ganon na lamang ang paglaki ng mata ko ng makita kung sino iyon. Si Steve na Dad ni Quendrin.

"Tyler, can I have a conversation with you?"

Natigilan ako. Hindi ko alam kung ano ang pag uusapan namin. Naghihinala ako na baka tungkol ito sa alitan nilang dalawa ni Dad tapos wala akong kalam-alam sa nangyari. Galit na galit ako kay Dad. Hindi ako makapaniwalang nagawa niyang ilihim sa akin ang lahat ng ito. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naging ganito kadismayado.

"Kahit saglit lang, please. Sumama ka sa akin. Doon tayo sa loob ng sasakyan."

Nag alangan akong pumayag. Ayaw kong mag isip ng masama pero hindi ko maiwasan e.

"Don't worry, I am not like your Dad."

Candle of Placid ConcussionWhere stories live. Discover now