Kabanata 56

43 9 0
                                    

BESTFRIEND: PART 2

Sinundan ko ang boses na iyon. Kabadong kabado ako at halos sumasabay sa aking malalim na paghinga ang bilis na pagtibok ng aking puso. Nang mapagtanto kong nasa abandonadong lote ang pinagmulan ng boses ay agad akong nagdalawang isip na sumulong roon o hindi. Kumalabog ang puso ko ng makitang masyadong madilim ang daanan dahil sa kadahilanang gabi na.

Pikit mata akong nagbuntong hininga. Agad akong sumulong roon. Masyadong talahib ang mga dahon sa gilid kaya napapamura nalang ako ng biglaan.

"Sabreen! Nasaan ka?"

Sigaw ko. Mas lalo kong binilisan ang aking paglalakad. Tanging ingay ng aking mga yabag at mga dahon na aking nadadaanan ang naririnig ng tainga ko.

"No!! Tulong!"

Napapitlag ako. Tumakbo ako at hinanap ang boses na iyon ni Sabreen. Mas lalo akong kinabahan at nakaramdam ng hindi pang ordinaryong takot. Kung anu ano na ang pumapasok sa isip ko.

"Sabreen! Nasaan ka ba? Stay there!"

Takot na sigaw ko at binilisan ang pagtakbo. Panay ang hawi sa mga dahon na tumatakip sa dinadaanan ko. Ramdam ko na nasa isang kagubatan na ako ng lugar nila Sabreen.

"Damn!"

Mura ko ng makaramdam ako ng sakit sa paa ko. Sumasakit na ang hita ko sa katatakbo. Humihingal hingal na ako at halos panay habol ko ng hininga.

Maya maya pa'y napatakip ako ng tainga ng makarinig ng isang pamilyar na tunog sa akin. Kumalabog ang puso ko. Mas lalo akong nanghina. Kumakarera ang pintig ng aking dibdib. Biglang nanumbalik sa akin ang mga alala na siyang ayaw kong mapadpad muli sa isipan ko. Bumigat ang pakiramdam ko sa aking balikat ng mapagtanto kung ano ang tunog na iyon.

Ilang beses pumutok ang baril.

Agad na rumagasa ang luha ko sa takot. Hinang hina akong naglakad hanggang sa may nakita akong eksena na sobrang gumimbal at yumanig ng aking buong sistema.

Napahinto ako sa paglalakad at sumulyap sa unahan. Nahagip ng aking paningin si Hyder na tumatakbo palayo habang may hawak na baril. Duguan ang kamay niya at kitang kita ko ang panginginig nito. Kumalabog ang puso ko at napatakip ng bibig. Unti-unti siyang nawala sa aking paningin.

Ngunit nang mapasulyap ako sa aking harapan na nasa unahan ay tuluyan nang gumuho ang mundo ko. Tuluyan nang huminto ang buong sistema ko. Pakiramdam ko nabiyak sa pira-piraso ang puso ko. Pakiramdam ko unti-unti akong nilalagutan ng hininga.

"Sabreeeeeen!"

Bumuhos ang luha ko. Tinakbo ko ang pwesto ni Sabreen. Napahinto ako at napasinghap sa nakita. Pahikbi kong natakip ang aking bibig sa gulat. Unti-unti akong napahikbi at napaluhod sa harap ni Sabreen.

Nakataob ang katawan niya at nakatagilid ang kanyang ulo. Punong puno ng dugo ang mukha, ulo at bibig niya. Dumadaloy ito patungo sa lupang nasalampakan niya. Halata sakaniya na wala na siyang kamalay-malay.

Putlang putla ang mukha niya at duguang nakatirik ang kaniyang mga mata. Hindi ako makalagaw. Napaupo ako habang napapahikbi sa gulat at sobrang sakit na nararamdaman. Naninikip ang dibdib ko.

"Saaaaaabreeeeeen!"

Sigaw ko na puno ng paghinagpis at sakit na nararamdaman. Napaiyak at napahiyaw ako sa galit. Fuck! Tell me this a nightmare!

"N-no... Sabreen, don't leave me! Hindi pwede!"

Paghagulgol ko. Hinanap ko ang kanyang palapulsuhan at niramdam ang tibok non pero nabigo ako sa inaasahan ko. Sa isang tingin mo pa lang sa sitwasyon niya ngayon ay mahirap sabihing posible pang malunasan siya.

Candle of Placid ConcussionWhere stories live. Discover now