Kabanata 75

74 7 0
                                    

APOLOGY: DO OR DIE (PART 2)

"Sige na, umuna ka na sa sasakyan dahil maya maya pa'y aalis na tayo."

Ani ni Daddy kaya binilisan ko ang pag aayos ng mga damit na isinuot ko na at inilagay iyon sa bagahe. Tinanguan ako ni Daddy at naglakad papuntang restroom. Bumuntong hininga ako nang maalala ang nangyari kagabi.

"Kumpleto na ba lahat ng iyan?" Tanong ni Daddy paglabas roon.

"Oo. Uunahin ko ba ito sa sasakyan o isasabay ko nalang saiyo?"

Tanong ko at nilapitan yung malaking bag na dala ni Daddy. Maraming laman iyon dahil mukhang mabigat tignan. Nakakasigurado akong kaunti lang ang nagamit roon dahil dalawang araw lang yata kami dito sa Camiguin.

Sakatunayan sa susunod na linggo pa kami uuwi ngunit hindi naman namin pwedeng ipagpaliban ang engagement party ni Kuya Rix at Ate Hannah bukas kaya kailangan rin naming umuwi ng maaga.

Nabigla ako nang biglang bumukas 'yung pintuan sa likuran kaya sabay kaming napalingon ni Daddy roon.

"Aalis na ba tayo?"

Tanong niya at biglang pumasok sa room. Nag iwas ako ng paningin at itinuon ang atensyon sa bagahe. Narinig ko namang tumawa si Daddy sa gilid.

"Yes, hija. Ayaw mo bang dumalo sa engagement party nila Hannah?" Rinig kong tanong ni Daddy sakaniya.

"Ofcourse, gusto ko. Kaso parang ang bitin naman yata ng pagpunta natin dito." Ani Stacey at humikab.

Napatingin ako sa aking wristwatch. Alas sais y media pa lang ng umaga. Napagpasyahan nila Tito Harvey na umalis kami ng maaga dito para makapag handa pa kami sa engagement party bukas. Halos hindi siguro mabilang ang mga dadalo kaya dapat pagplanuhan agad ang mangyayari bukas.

Nag angat ako ng tingin at nakitang nakatingin si Stacey sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. Seryoso ang aura ng kanyang mukha at parang inaaral ang galaw ng aking mga mata. Ibabaling ko sana sa kawalan ang aking paningin nang biglang magsalita si Daddy sa gilid.

"Let's go. Stacey, tapos na ba kayo doon?"

Ani Daddy sakaniya at tumayo sa kinauupuan. Binuhat niya ang malaking bag at inilagay sa likuran. Umunang lumabas ng kwarto si Daddy kaya tumayo na rin ako sa pagkakaupo sa kama.

Isinabalikat ko ang malaking bag at naglakad papalabas ng pinto. Bigla akong nakaramdam na parang may sumasabay sa aking paglalakad kaya napatingin ako sa gilid. Halos tumalon ang puso ko nang makitang si Stacey iyon. Akala ko ba lumabas na siya?

"Hello, Quendrin."

Aniya at ngumiti sa akin. Agad akong natigilan ngunit matipid akong ngumiti at tinanguan na lamang siya. Why am I acting like this? I feel awkward.

Sabay kaming sumakay ng elevator kaya mas lalong tumahimik ang paligid. Nabasag lang iyon nang bigla siyang nagsalita.

"Anong nangyari kay Tyler kagabi? Balita ko lasing na lasing siya. Bakit?"

Kaswal lang ang tanonv ni Stacey noon pero pakiramdam ko ay may pagkasarsaktiko iyon. Hindi ko siya nilingon at isinalikop na lamang ang aking magkabilang palad.

"Hindi ko alam. Pinapahanap ni Tito Harvey sa akin si Tyler kagabi at iyon nga, nadatnan ko siya sa kwarto niya. Umiinom ng vodka at lasing na lasing."

Sabi ko. Hindi siya umimik hanggang sa bumukas 'yung elevator. Naglakad kami sa ground floor ng Inn papalabas roon. Nadatnan namin sa unahan ang apat na sasakyan at nandoom sa labas ang ibang pasahero gaya na lamang ni Daddy Yui. Kunot ang kanyang noo na nakatingin sa akin na tila ba naiinip na hintayin ako. Napabuga ako ng hangin. Great.

Candle of Placid ConcussionWhere stories live. Discover now