Kabanata 18

106 11 0
                                    

COINCIDENCE OR FATE

Ani noong babaeng nakahawak rin sa akin. Nasulyapan ko agad si Sabreen na nakangiti at nasa gilid ng stage. Maraming babae na ang nakahilera doon at may mga lalaki rin sa kabilang gilid. Nakita ko pa roon si Hyder katabi ang katabi niyang si Tyler. Parehong nakasimangot ang mukha nila.

"Ate, pumayag ka na please? Saglit lang naman e."

Ani rin noong babaeng naka-bonnet saakin. Bumitaw sila sa pagkakahawak sa akin. Wala na akong kawala dito. Sana pala hindi nalang ako pumunta rito. Bumuntong hininga ako at tumango.

"Yehey! Sabreen, give her a full gorgeous makeover! Sure akong makukuha siya."

"Aja girl!"

"Ano nga palang pangalan mo?"

Sunod sunod na tanong nila. Hindi nalang ako umimik. Halatang nakabusangot na ang mukha ko ngayon at naiinis ako sa mga nangyayari. I am not suppose to be here. Patay ako kay Kuya pag nalaman niya ito. Hindi pa naman ako sumasali sa ganitong competition.

"Halika. Doon tayo sa dressing room."

Nakangiting ani ni Sabreen. May pagka aligaga rin ang babaeng ito. Siya talaga ang may pakana nito. Pumasok agad kami sa dressing room. Marami ang nandito at kadalasan ay nilalagyan ng make up at sinusukatan ng mga outfits. Pinaupo niya ako sa isang swivel chair sa harap ng malaking salamin. Kitang kita ang lukot-lukot na mukha ko doon.

"Sorry, ha? Sila lang naman kasi 'yung bigla-biglang nanghihila e."

"Saglit lang naman ang audition e! Hindi aabot ng isang oras."

Umirap nalang ako sa kawalan. Siguraduhin niyo lang na matatapos agad ito. Madami kayang manonood sa amin tapos, nakakahiya. Hindi ako sanay sa ganito.

"No! Boys don't wear make up so fuck up!"

Napatingin ako sa bandang gilid ko. May lalaking suminghal doon sa isang babaeng naglalagay ng make up sakanya. Tinitigan ko 'yung lalaki at ganoon na lamang ang pag laki ng mata ng matantong si Hyder iyon katabi niya rin si Tyler.

"I really love Hyder."

Natigilan ako at napakunot-noo nang marinig ang mahinang bulong ni Sabreen. Gusto kong matawa sa sinabi niya. Mahal niya ang anak ng mamamatay tao? I guess that's too odd.

"Tapos na ba?"

Tanong ko sakaniya. Nilagyan niya ako ng konting make-up at inayos ang buhok ko. Pina-curly niya ang ends nito at nilugay ang buhok ko. May nilagay siyang parang headband crown sa ulo ko. Ako na mismo ang naglagay ng lipgloss sa labi ko at nang tinignan ko ang sarili ko sa salamin ay halos lumuwa ang mata ko.

"Huwag ka nang magbihis. Okay na 'yang attire mo."

Ani niya habang nililigpit ang mga make-up kit. Palihim akong umirap. Talagang hindi ako magbibihis. Dapat nga hindi ako nag audition pero ayaw ko naman maging killjoy. Pakiramdam ko tuloy nasusubukan ang pasensya at ugali ko dito.

"Sorry talaga. Sorry rin pala ulit kahapon."

Ani niya sa mahinang boses tsaka ako tuluyang iniwan doon sa dressing room. Nagbuntong hininga ako at lalabas na sana doon nang may bumangga sakin. Napahawak ako sa noo ko.

"Mag ingat ka naman!"

Singhal ko. Tinignan ko kung sino 'yung nakabangga ko. Nanlaki agad ang mata ko nang makita si Tyler. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin at nakahalukipkip.

"Yeah, right. Anak ng mamamatay tao."

Mahinang bulong ko sa sarili. Natigilan at nataranta agad ako ng manlaki ang mata niya. Narinig niya ba ang sinabi ko? Maya-maya pa'y umismid siya at nagtaas ng kilay.

"Ikaw pala ang anak ni Steve?" Sarkastikong tanong niya. Himala. Kinausap ako.

"Hindi ba halata sa apelyido ko? Magkaklase tayo hindi ba?"

Sarkastiko ring sagot ko. Naramdaman ko ang mga tingin at sulyap ng mga tao sa dressing room sa amin. Bahagya kasing tumaas ang boses ko.

"Ganoon ba? Hindi kasi kita napansin eh, atsaka kilala ba kita?"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Manang mana ang ugali sa ama niya. Magsama kayong mga Okinawa. Umigting ang bagang ko at harap-harapang inirapan siya.

"Hindi mo ako kilala kasi bago ka palang dito, hindi ba? Anyway, its so freaking nice to meet you."

Ani ko at mapang-asar na ngumiti. Narinig ko agad ang pagbulung-bulungan ng mga babae at lalaki sa dressing room. Nakita ko ang pagkalaglag ng panga niya sa sinabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay at hinead-to-toe. Isang irap ang pinakawalan ko at binangga ang balikat niya paalis doon.

Magkalaban tayo mga Okinawa. Sa labanang ito, alam kong kayo ang talunan. Kayo ang magiging talunan. Tutal kayo rin naman ang nag umpisa ng gulo e.

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon