Kabanata 17

110 10 0
                                    

NEVER NOT LOVE YOU

"Bwisit ka, Kuya! Ano bang pumasok diyan sa utak mo at binasag mo 'yung glass frame? Hindi ba mahal iyon noong pinaggawa mo pa?"

Singhal ko sakaniya habang ginagamot ang sugat niya sa kamay. Malalim at mahapdi sugat niya dahil sa malakas na impact ng pagkasuntok niya sa glassframe lalo na at nabasag ito.

"Mas mahal pa buhay ko niyan kaya dapat lang na mahalin niya pa rin ako. Muntik pa naman akong─aray! Ano ba! Magdahan-dahan ka nga! Ang hapdi masyado eh!"

Bahagya akong tumawa. Narinig ko siyang nagmura at hinawi ang kamay ko. Nagkunot-noo ako at kinuha ang kamay niya. Nagbuntong hininga siya.

"Ang drama mo. Fiancee pa lang iyan, hindi pa asawa kaya huwag kang bitter. Malay mo, may pag asa ka pa."

Ani ko. Hindi nalang siya umimik at tinignan na lamang ang kamay niya na patuloy na ginagamot ko. Infairness, ang lambot ng kamay ng mokong na ito. Palibhasa, minsan lang gumagawa ng mga gawaing-bahay.

"Doon rin ang patutunguhan niyan. 'Tsaka isa pa, wala na akong pag-asa diyan."

Bakit kaya may fiancee si Ate Hannah? Iyan rin ba ang rason kung bakit siya pinapuntang Japan ng pamilya niya? Mahal pa kaya niya si Kuya o napalitan na talaga?

"Drop that negative words, Kuya. Think positive. Malay mo may rason lang talaga sa mga nangyayari ngayon."

Positibong sabi ko. Alam kong may rason ang lahat dito. Atsaka iyon ang dapat naming alamin at dapat naming malaman lalo na si Kuya.

"Oh ayan, tapos na."

Sabi ko ulit. Nilagyan ko ng bondage ang kamay niya. Kabisado ko ang pagfirst aid dahil isa akong Red Cross Youth – Cagayan de Oro Chapter volunteer sa Xavier University. Ilang years na namin pinag aaralan ang mga tungkol sa injuries, fractures, at iba pa lalo na 'yung mga steps sa pagsagawa ng first aid.

"Cold compress?"

Tanong ni Kuya. Tumaas ang kilay ko at umiling. Hindi pwedeng mag hot compress sa ganyang sugat. Pagkatapos gamutin kailangan mo munang maghintay ng twenty-four hours kung ano ang magiging resulta nito. Kapag mas lalong sumakit 'yung sugat niya o lumala, kailangan na siyang isugod sa ospital-pero sana hindi mangyari. Sana maging maayos ang pagkakagamot ko ng sugat ni Kuya.

"Salamat."

Sabi ni Kuya habang pinasadahan ng tingin ang kamay niya. Bahagya siyang napakunot-noo nang makitang pink bondage ang nakapulupot sa kamao niya. Tumawa nalang ako.

"Pink lahat ng first aid bondage ko." Umirap si Kuya sa kawalan.

"Like hell, madami kaya tayong bondage dito sa bahay. Bakit ang iyo pa ang ginamit mo?"

"Choosy ka pa e!"

Napailing nalang ako. Walang hiyang kapatid. Siya na nga itong tinulungan, siya pa ang nagrereklamo. Kinuha ko na 'yung mga first aids ko sa mesa at iniwan si Kuya doon. Aalis nalang muna siguro ako at pumuntang X.U. Ang boring naman kasi dito sa bahay at wala akong magagawang matino dito.

"Saan ka pupunta? 3PM na ha?"

Tanong ni Kuya nang naglakad ako pababa ng hagdan. Isang black spaghetti strap dress lang ang isinuot ko. Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Kuya.

"Sa Xavier lang, hahanap ng ginto."

Sabi ko at lumapit doon malapit sa pintuan. Kinuha ko 'yung black sneakers ko at isinuot. Hahanap nalang siguro ako ng mapagkaka abalahan ko doon. Sana may mga events ngayon sa gymnasium.

"Curfew mo, hanggang 5PM lang."

Ani ni Kuya kaya nanlaki ang mata ko. Napakaaga naman yata non. Pakiramdam ko wala akong magagawa niyan sa loob ng unibersidad kasi mamomroblema ako sa nalalapit na oras ng lintek na curfew niya.

"2 hours lang? Ayaw ko nga!"

Angal ko agad. Grabe naman, gusto ko lang naman magsaya doon sa school ha? Bawal ba iyon? Buti nga at sa paaralan lang ako pupunta eh, hindi gaya ng ibang studyante diyan.

"8-" Aniya na pinutol ko agad.

"-no! 9pm uuwi ako."

Singit ko agad. Nagbuntong hininga nalang si Kuya at tumango. Buti nalang at hindi pa naubos ang allowance na binigay ni Mom last week. Halos umabot kasi yun sa 15K. Mga ilang minuto pa nang makarating agad ako sa Xavier University. Dumiretso agad ako sa gymnasium. Medyo maraming studyante ang nandito at parang may dinudumog ang stage. Nabigla ako nang sinalubong ako ng isang babaeng pamilyar saakin. Nakangiti siyang lumapit sakin.

"Hello, Quendrin Ysabelle!"

Ngumiti siya. Ngumiti rin ako ng matipid. Pinakilala ko ba sakaniya ang sarili ko kahapon? Paano niya nalaman ang pangalan ko?

"May event ba?"

Tanong ko sa kaniya. Tumango siya at inakay ako papasok doon sa gymnasium. Maraming studyante ang andito at natanaw ko agad ang stage ang malaking tarpaulin na may nakalagay na 'Welcome to the Audition of Mr. & Miss Xavier University Competition'.

"Audition?"

Gulat na tanong ko. Lilingon na sana ako sa tabi ko nang may humila saa kin na mga babae. Nagpupumiglas akong bumitaw sa pagkahawak nila. Damn it. Mamimilit na naman sila na mag audition diyan sa contest.

"Ate, pumayag ka na please! Ang ganda mo kasi e."

Candle of Placid ConcussionUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum