Kabanata 62

53 6 0
                                    

ONE PHRASE, THREE WORDS, EIGHT LETTERS

TYLER TEXAS RENESIS OKINAWA'S POINT OF VIEW

8PM: POLYMEDIC PLAZA HOSPITAL

"Quendrin!"

Bumuhos na agad ang luha ko nang maisugod na namin siya sa hospital. Agad kaming nilapitan ng mga doktor at isinakay si Quendrin sa private bedwheel. Sa Intensive Care Unit agad ang takbo namin.

"Quendrin, gumising ka!" Sabi ni Rix habang sinusundan naman ang doktor papunta sa ICU.

Malakas at mabilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko na yata alam ang gagawin ko! God! Please! Save, Quendrin!

"Anak, idilat mo ang mga mata mo!" Iyak ng Mom ni Quendrin.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Quendrin. She's very pale. Pale as a paper. Her blood is rushing off in her head and body. Ito yata ang pinakamasakit na senaryong nakita ng mga mata ko. Nanindig lahat ang balahibo ng maisip ko na mukha na siyang bangkay sa lagay niya. Ang sakit!

"Bullshit!" Mura ko.

Nanikip ang buong dibdib ko. Parang tinadtad ang puso ko ng ilang beses. Pakiramdam ko pinipiga ang buong sistema ko sa nararamdaman ngayon. I can't fuck up! Shit! Para akong pinapatay sa ngayon.

Bakit ngayon pa nangyari lahat ng ito? Bakit kay Quendrin pa? Shit! She's suffering like hell too much! Bakit hindi nalang ako ang nasagasaan kanina?

"Hanggang dito lang po kayo, Ma'am, Sir." Ani nung Nurse nang makarating kami sa labas ng private ICU.

"No! I want to see, Quen! I want to see my daughter!" Pagwawala ng Mom ni Quen kaya tinulungan ko si Rix na pigilan ang ina niya.

Nakita kong ipinasok na roon sa room si Quendrin kasama ang tatlong Doctor at isang nurse na nasa gilid niya. Agad na isinara iyon at nagpahuli ang isa pang nurse.

"Pero Ma'am, bawal po tayo kahit private room ito. Iyon ang batas dito. Iyon po ang dapat naming sundin" Mahinahong ani nong nurse.

Fuck! Get out of our sight!

"Wala akong pakialam! I want—" Sigaw at iyak nong Mom ni Rix.

"Mom! Shut the hell up!" Pigil ni Rix sakaniya. Bumitaw ako sakanilang dalawa. Pinaupo ni Rix sa may bench ang Mom niya. Agad naman itong napahagulgol ng iyak sa gilid niya.

"Sorry. Babalitaan nalang namin kayo." Ani ulit nong Nurse at pumasok rin doon sa ICU. Napahaplos na lamang ako ng mukha sa inis, galit at sakit.

"Bullshit! Sa kanya na naman ba ulit?! This is fucking hell!"

Iyak na bulalas ko at sinuntok suntok ang dingding ng ICU. Ang sakit sakit na nararamdaman ko ngayon! The pain is killing me like damn! Kung sana ay naging mabilis at binantayan ko si Quendrin kanina bago siya tumakbo papalayo, hindi sana ito mangyayari! Hindi ito mangyayari!

Sa dinami dami ng tao sa mundo na pwedeng maaksidente, bakit si Quendrin pa? Bakit ang taong mahal ko pa? Bakit hindi nalang ako?

"Bullshit!" Bulalas ko ulit at sinuntok ang pader. Naramdaman ko ang pagputok ng hintuturo ko kaya napayukom ko uli ang aking kamao. Mas lalong nagsiagos ang luha ko.

"Fuck!" Sinuntok ko ulit ang pader at mas lalong napahagulgol.

Kailanman noong bata pa ako ay hindi ko kailanman naranasan ang umiyak ng todo.  Pero ngayon, 'yung tipong mas iyakin pa ako kaysa sa babae. Lalo na kung si Quendrin ang pinag uusapan. I damn love her so much!

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon