Kabanata 40

77 10 2
                                    

OKINAWA

"Did you enjoy the party last night?"

Napatingin ako kay Sabreen na nasa aking harapan at sinisimsim ang milk tea niya. Nagbuntong hininga ako at sumimangot. Nandito kami ngayon sa Chingkeetea habang nagpapalipas ng oras. Tapos narin naman ang last subject namin kahit hindi pumasok ang doctorate degree professor.

Kahit rin naman na papasok ako sa klase ko ay hindi ko pa rin mabibigay ang buong atensyon ko roon dahil pabigla-bigla akong tinatawag ni Sir Oldivas para sa proofreading.

"May wines and liquors ba? Or dirty games?" Dagdag ni Sab na ikinaangat ng labi ko.

"That's an orphanage party, Sabreen. What do you expect?"

Ani ko. E'di wala. Tumawa lang si Sab kaya napailing na lamang ako. Alam niyang idinetalye ko sakaniya ang nangyari kagabi dahil pag uwi namin galing Borge's Orphanage ay tumawag agad siya sa akin.

Hinawakan ko ang straw ng aking milktea at sinimsim ito. I was literally stress these past few days because of the editing. Pakiramdam ko nahati ang aking sarili sa pagiging working student sa XU at pagiging studyante na walang ibang inaatupag kung hindi ang pag aaral lamang.

Howevr, I can endure all of this. I can endure all of this 'cause I know someday everything would be worth it. I would never age worthless. We should not die worthless. We should make atleast things that will prove our natural obligation of living life with innermost purpose and value.

"Buti hindi kayo pinagalitan?"

Tanong ni Sab at tumawa. Nagkunot noo ako at inirapan siya. Minsan talaga inaatake sa kabaliwan ang babaeng ito.

"Hindi ka d'yan. E ubos na nga boses ni Mom kagabi sa kakasermon niya sa amin."

Ani ko at ngumuso. Gumuhit ang mapang-asar na ngiti sa labi ni Sabreen kaya umismid nalang ako at nilaro laro ng aking mga daliri ang teacup. Bandang alas dos y media na kami nakauwi kaninang madaling araw kaya ang resulta, pati ako na sermonan imbis si Kuya lang dapat kasi siya naman ang nagdala sa akin doon. Hindi kasi sinabi kay Mom na aalis sila ni Ate Han papuntang Borge. Dinamay pa ako para patas ang litanyang maririnig namin mula kay Mom.

"Haay. Ikaw kasi e. Tumanggi ka na dapat noong una. Mas mabuti pa siguro magproofread ka nalang sa bahay niyo."

Napalingon ako sakaniya. Humagalpak ulit siya ng tawa. This girl is insane. Ano bang pinapakain nong Hyder na iyon sakaniya?

"Shunga ka rin, no? Kabago-bago ko pa lang natapos 'yung 52 files na pinaproofread sa akin tapos mag eedit na naman ako ulit? Seriously Sab, I'll explode literally!"

Ani ko at hinilot ang aking sentido. Muntik ng maibuga ni Sab ang iniinom niya at tumawa ulit saka nag peace sign. Nagkunot noo na lamang ako at nagbuntong hininga.

"Nagbibiro lang ako e! Chill ka lang. Wag niyo na kasi ulitin 'yon."

"E hindi ko naman kasalanan iyon. Saka isa pa, ang overracting din kasi ni Mom kanina."

Sabat ko. Talagang nainis ako kay Mom kanina dahil antok na antok na kami ni Kuya Rix sa sala ngunit hindi pa rin kami pinapapasok sa kwarto dahil nanenermon pa raw siya. Sa sofa tuloy ako nakatulog.

"Huwag ka. Basta ba huwag mo nalang ulitin iyon." Ani Sab at pinunasan ang kanyang labi gamit ang tissue.

"I'll definitely not! Baka pag nagkataon na mangyari ulit iyon..." sambit ko ngunit pinutol agad ni Sab.

"No more parties! Grounded ka palagi."

Aniya at kinindatan ako. I sighed in disbelief. That's a bunch of debris to me, if ever. Bumuntong hininga ulit ako at kinuha ang panyo sa aking slingbag. Naramdaman kong tumunog ang phone ni Sab kaya napatingin ako sakaniya.

Candle of Placid ConcussionNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ