Kabanata 73

63 6 0
                                    

SUMMER

TYLER TEXAS RENESIS MADRIZA'S POINT OF VIEW

"Bakit kasi hindi ka nag empake kagabi?"

Tanong ni Tito habang kinukuha ang mga male cosmetics sa kwarto ko at inilagay sa maliit na bag. Humikab ako at humalukipkip habang nasa kama.

"Malay ko bang pupunta pala tayo ng Camiguin ngayon?"

Ani ko kaya napalingon si Tito sa akin. Umangat ang isang kilay niya at tinuro ako. Ngumuso naman at nagsalubong ang kilay.

"Hindi mo alam o matagal kang nakauwi kagabi?"

Aniya at napapailing na ibinaling ang tingin sa ginagawa. Napabuntong hininga naman ako at kinuha ang phone sa gilid ng aking kama.

"It's Dawin birthday. Inaantok pa nga ako e'."

Kaarawan ng isa sa mga malapit na kaibigan ko na si Dawin kahapon kaya inimbita niya ako sa Borge's Orphanage kagabi. Halos alas dos na ako nakauwi ng madaling araw dahil bahagyang umulan ng malakas nang hatinggabi at sobrang traffic sa daan.

"Well then, mag impake ka na diyan dahil pupunta na sila Yui rito. Sabay na tayong aalis lahat."

Ani Tito na ikinalingon ko sakanya.

"Sasama sila? Akala ko ba tayo lang?" Tanong ko.

Akala ko kami lang ang pupunta ng Camiguin para makabisita sa bagong Inn doon sa Mantigue Island. Magbabakasyon muna kami ng dalawang araw roon sa ngayon. But I didn't know na pupunta rin pala sila.

"Walang tayo, Tyler."

Ani Tito. Umangat ang gilid ng aking labi at umiling.

"Damn you, Tito Harv." Mura ko at saka naman siya tumawa.

"Are we gonna use the Trailblazer?" Tanong ko.

"Yes. Ihanda mo rin 'yung susi ng SUV." Aniya.

"Alright."

Kibit balikat na sabi ko. Matipid lang na ngumiti si Tito at 'saka lumabas sa kwarto. Maya maya pa'y naligo na ako at nagbihis ng panglakad na damit. Nagsuot ako ng black tshirt at Vondutch pants. Nang maiayos ko na ang sarili ko ay agad na rin akong lumabas roon sa kwarto.

Nang makarating ako sa sala ay nasulyapan ko sila Quendrin na nasa apat na sasakyan na nakahilera doon sa gilid. Unang pumansin sa mga mata ko ang suot ni Quendrin. Isang black sleeveless shirt at floral white short. Nakashades siya at may white scarf na nakapalibot sa batok niya.

Napapilig ko ang ulo ko at nakagat ang labi. She's simply beautiful. Napawi bahagya ang ngiti ko nang makitang katabi niya si Ruther.

"Quendrin, kunin mo nga 'yung shades ko sa bagahe."

Rinig kong salita ni Yui sakaniya. Naglakad ako roon sa tapat ng flatscreen at kinuha ang mga phone charger na nakalatag sa gilid. Inayos ko iyon habang panay ang sulyap sa labas.

'Saka ko lang rin napansin na nandoon si Stacey kasama ang Dad at Mom niya. Nandoon rin ang isang babae na Tita at Tito rin ni Stacey. Nag aayos din sila ng bagahe. Si Stacey naman ay nakatuon lang ang mga mata sa phone na hawak niya.

"But, I can't pop the trunk."

Ani Quendrin.

"Ruther, tulungan mo siya please."

Nakita ko si Ruther na lumapit sakaniya kaya doon na ako nag iwas ng tingin at umismid. Naramdaman ko naman ang pagsalubong ni Yui dito sa loob sa kararating lang na si Tito Harvey galing sa kusina.

Candle of Placid ConcussionWhere stories live. Discover now