Pagkalagay ni Migo sa baso ko, ininom ko yun agad. Straight. Parang tubig lang yun sa akin.

"Whoa Chase, mas malakas ka pa yatang uminom sa amin nila Jepoy. Haha" sabi ni Migo.

Nakatingin lang ako kay Migo buong inuman namin. Hindi ko pinapahuli sa kanya na tinititigan ko siya. Lakas ng kabog ng dibdib ko kapag binabangit niya pangalan ko.

"Ano plano mo?" Sabi ko kay Migo. "Balak mo pa bang ipursue si... Ate?"

Uminom ito bago sumagot. "Mahal ko ate mo Chase." Sabi niya. "Hanggat kaya kong intindihin siya, gagawin ko."

"Eh ikaw nalang lagi ang umiintindi sa kanya. Paano ka? Walang umiintindi sayo." Sabi ko.

Ngumisi ito bago sumagot. "Wag kang mag alala saken. Kaya ko sarili ko Chase." Sabi niya.

But, I know deep inside, behind those words, alam ko hindi na kaya pa ni Migo. Kinakaya nalang niyang intindihin at laging magparaya kay ate.

Sa mata ng lahat, sa mata ng nakararami, lalo na sa mga magulang ni Migo at kay Papa, they were perfect. Nothing could make them apart ika nga.

Pero, hindi nila alam ang totoong kwento. Ako, alam ko. Every detail.

"Alam mo Chase, nung una mong pinakilala sa akin yang ate mo, nagustuhan ko na siya agad. Maganda siya, mabait, kaso huli ko nalang nalaman na may ganyan palang ugali yang ate mo. Napaka moody. Di ko na matantya." Sabi niya.

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now