SPECIAL CHAPTER

2.6K 55 10
                                    


Jennie's POV

"Jennie may naghahanap sayo sa labas"
Tawag sa akin ni kuya habang nasa kwarto ko.

Hmm sino naman kaya yun?

Dahil sa na-curious ako lumabas na lang ako ng kwarto ko para tingnan kung sino yung tinutukoy ng magaling ko kuya.

"Jerome?"

Oo si Jerome pero sandali. Bakit may bulaklak na kasama.

"Para sayo. Am Pwede ba akong pumasok?"

Bingay niya sa akin yung bulaklak, atsaka Papasok?

"Ah-sige pasok ka" Sabi ko sa kanya.

Nakakapagtataka naman. Ano kayang kailangan niya.

Pagkapasok namin sa loob, nakita ko naman si kuya na nagulat tapos maya-maya ngumingisi na. Loko-loko talaga si kuya.

"Ma, Pa si Jennie may manliligaw"
Sigaw ni Kuya.

Takte!! Hindi ko siya manliligaw.

"Sino, sino?" Tanong ni mama at papa.

"Ma wala po, diba Jerome?" Sabi ko sa kanya with matching laki-laki pa ng mata.

Please Jerome sabihin mong hindi.

"Hmm andito po ako para sabihan sa inyo na kung pwedeng .."

JEROME WAG PLEASE!!!

"Manligaw kay Jennie" Tuloy niya.

Lupa kainin muna ako NGAYON!!!

Maya-maya naman tumingin ako kila papa at mama para tingnan yung reaksiyon nila.

Medyo nagulat sila pero unti-unti nag-iba na yung expression ng mukha nila na parang payag sila na ligawan ako ni Jerome.

"Mukhang dalaga na ata ang anak natin Pa. Sige payag kami, pero kung papayag si Jennie. Syempre nasa kanya pa din yung desisyon, pero ito lang ang sasabihin ko sayo. Ingatan mo yan"

Grabe naiiyak ako sa sinabi ni mama.

"Ako din" Sang-ayon ni Papa sa sinabi ni Mama.

Masasabi ko na kahit papaano may pagtingin naman ako kay Jerome. Sa mga ginagawa niya sa akin, yung paghatid niya lahat yun naappreciate ko. Atsaka nag-confess na din naman siya sa akin na may gusto siya.

Ang sama ko naman ata para tanggihan siya.

"Payag na ako Jerome"
Sabi ko sa kanya ng nakatingin.

"TALAGA?!! Salamat Jennie, salamat"
Sabi ni Jerome habang niyayakap ako.

"O siya umuwi ka na Jerome bukas mo na lang umpisahan ang panliligaw sa kapatid ko" Utos ni kuya kay Jerome.

Si kuya eh, nagmo-moment kami dito.

"Sige na Jennie. Bukas na lang uli"
Sabi niya at tuluyan na siyang lumabas ng bahay.

Kaso bigla ko namang naisip yung tungkol kay Arth. Siguro maiintindihan niya naman na hanggang kaibigan lang kami.

Hays bukas na bukas kakausapin ko siya tungkol dito.

*kinabukasan*

Maaga pa sa maaga pa si Jerome ng sunduin ako sa bahay.

Kaya ayun mukhang hindi na naman ako mali-late.

Pagkapasok namin sa classroom, si Arth agad ang hinanap ng mga mata ko.

Nakita ko naman si Arth na nakaupo sa dulo habang naka-earphone.

Nilapag ko yung bag ko atsaka ko pinuntahan si Arth.

Pagkaupo ko sa tabi niya, tinanggal ko naman yung earphone niya.

"Jennie wag mo nga akong guluhin"
Sabi niya.

"Arth may sasabihin ako"
Sabi ko.

"Ano ba yun?"
Medyo naiirita na siya.

"Arth nanliligaw na sa akin si Jerome"

Pagkasabi ko nun bigla naman siyang napahinto sa pagsalpak ng earphone sa tenga niya. Parang nabigla siya na ewan.

"Edi Congrats" Sabi niya na may pagkasarkastiko ang tono

"Arth makinig ka nga muna" Saka ko siya iniharap sa akin.

"Ano ba?"
Naiinis na talaga siya.

"Arth sana maintindihan mo na hanggang magkaibigan lang talaga tayo. Alam kong masakit pero yun lang ang pwede kong ibigay sayo. Arth ayokong masira ang pagkakaibigan natin ng dahil dito" Paliwanang ko sa kanya.

"MagC-cr muna ako" Sabi niya akmang tatayo na.

"Arth wag ka ngang ganyan. Miss ko na yung dating Arth na bestfriend ko. Please ibalik muna siya" Sigaw ko sa kanya.

Napahinto siya sa sinabi ko, pero ilang sandali lumabas na siya ng room.

Alam kong makakamove-on din sa akin si Arth. Sana ..

Alyssa's POV

"Ma hindi muna ako papasok may dadalawin lang ako"
Sabi ko kay mama at dumiretso na ako sa may sakayan.

Balak ko talaga pumunta sa puntod ni Lloyd ngayon.

Miss ko na kasi siya ng sobra eh.

Pagkarating ko sa sementeryo kung saan inilibing yung mga kaibigan ko. Yung puntod ni Lloyd agad ang pinuntahan ko.

"Bes wag muna kayo magalit sa akin. Si lloyd muna kakausapin ko"
Sabi ko sa puntod nila Julia. Hays para na akong baliw dito.

"Alam mo ba Lloyd ang daya-daya mo. Kung kailan ka nawala doon ko lang narealize na mahal na kita. Bakit mo kasi ako iniwan"

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa harap ng puntod niya.

Ang sakit lang kasi eh.

Nandoon na kasi kami sa sasagutin ko na siya, pero .. Huli na pala ang lahat.

"Alam mo ba kahit wala ka na, ramdam ko pa din yung pagmamahal mo sa akin. Please  lang kahit ngayon magparamdam ka muna"

Nababaliw na talaga ako dito. Pero wala akong pake.

Habang kinakausap ko siya. Nakaramdam naman akong lamig na parang may yumakap sa akin, kasabay nito ang paglakas ng hangin. Alam kong nandito siya.

"Salamat Lloyd, salamat"
Sabi ko habang tumutulo pa din ang luha ko.

"Siguro ito talaga ang nakatadhana sa ating dalawa. Pero kahit ganun, tanggap ko na. Tanggap ko na"

Tumayo na ako para magpa-alam.

Alam kong hindi pa dito natatapos ang lahat. Alam kong may mangyayari pang mas higit. Ang kailangan ko lang gawin ay maghintay.

"Paalam Lloyd"

Sabay nito ang pag-agos ng aking mga luha.

Hanggang sa muli aking mahal ..

End.

A/N:

Basahin niyo na guys yung isa kong story, naka-publish na siya. Check niyo na lang sa profile ko. Sorry kung maiksi lang yung SC.

PARANG (COMPLETED)Where stories live. Discover now