Chapter 28: First Kiss

3K 76 6
                                    


Jennie.

Andito ako sa kwarto ko habang nag-aayos ng gamit ko sa bag ng bigla na namang sumigaw si kuya galing sa sala.

"Uy Jennie ang tagal mo naman dyan. May naghihintay sa'yo dito sa labas" Sigaw
sa akin ng napaka-galing kong kuya.

"Sino ba yan kuya!!?" Sigaw ko pabalik sa kanya.

Haha akala mo ah.

"Si Glazel!" Sigaw din niya.

Glazel? Bakit siya nandito? ..

"Oo wait lang daw!"

Bakit kaya ako sinundo ni Glazel, himala ata.

Kasi sa pagkaka-alala ko, ako ang nagsusundo sa kanya.

Pero kahit ganun na-miss ko siya ng sobra.

Isa din kasi siya sa mga bestfriend ko.

Pagkababa ko nakita ko naman si Glazel na tila malungkot. Hmm, ano kayang problema ng babaeng 'to. Ahh kaya niya siguro ako sinundo kasi may pag-uusapan ata kami.

"Uy ano namang mukha yan?" Bungad ko sa kanya pagkababa ko.

"Jennie pwede ba tayo mag-usap?"

Sabi na eh, may problema si bestfriend. Pero sana tungkol sa lovelife. Haha!

Isasarado ko pa lang sana yung gate ko ng may tumawag sa akin.

"Jennie!"

Nagulat ako ng makita ko si Jerome na papalapit sa akin.

Anong ginagawa niya dito, eh ang usapan namin tuwing uwian lang kami pwedeng magkasabay, hindi umaga. Hay naku talaga 'tong lalaking 'to.

"Uy Glazel andito ka din pala. Ano Jennie sabay na tayong tatlo" Sabi niya sa amin ni Glazel.

"Jen!'

Nagulat na naman ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko sa kabilang side. Nagulat ako ng makita ko si Arth. Wait diba hindi niya ako pinapansin, tapos ..

"Jen pwede ba tayo mag-usap. Sabay na din tayo" Sabi niya sa akin with matching tingin pa sa mga precious eyes ko. Oo precious hahaha!

Kaso nagulat siya ng makita niya si Jerome at Glazel sa kabilang side ko.

Sandali lang, anong araw ba ngayon at bakit nila ako sinusundo? Baka mamaya yung buong klase ko na yung magsundo sa akin.

"Jennie!" Sigaw nilang tatlo sa akin. Hindi lang yan, sabay pa.

Kotang-kota na ako sa sigaw ah. Kanina si kuya tapos ngayon sila naman.

"Bakit ba?" Tinignan ko lang sila isa-isa.

"Hmm Jennie mauna na pala ako, kasi may gagawin pa ako sa room natin. Nakalimutan ko cleaners pala ako" Sabi ni Glazel sabay kindat.

Sige Glazel iwanan mo ako sa dalawang 'to.

Maya-maya pa tumakbo na si Glazel at tuluyan na akong iniwanan sa dalawang 'to. Sa katanuyan si Arth ang nasa right side ko, si Jerome naman ay nasa left side ko.

Habang naglalakad kami, ni isa sa amin walang nagsasalita. Pakiramdam ko ang awkward ng nasa paligid ko ngayon promise. "Jennie akin na bag mo!" Nagulat ako ng bigla nilang hawakan ng sabay yung bag ko.

"Ah hihihi wag na guys, ako na lang" Sabi ko.

Naku naman. Pakiramdam ko may tensyong namumuo dito.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng walang nagkikibuan. Iniisip ko pa din kung anong pinag-awayan nila. Eh kung tungkol lang sa badminton nun, eh parang ang babaw naman nun.

PARANG (COMPLETED)Where stories live. Discover now